Tuesday, July 5, 2011

My first :)

I made this for my first jowa... :)

Natatandaan mo pa ba?
Sa McDonalds Olivarez Tagaytay, una tayong nagkita
Gabi noon. Petsa dise-otso ng abril taong 2002.

Suot ko nun? Hmmm...
Black t-shirt at simpleng maong na pantalon
Andun ako sa tabi ng parking lot
Nakatayo...
Patingin-tingin, palinga-linga, naghihintay sayo.

Kung iyong pagmamasdan
Isa lang akong ordinaryong tao na naghihintay ng kasama
Pero ang hindi nila alam
Libo-libong takot ang sa puso'y dala dala
First time ko ba namang makipagkita sa taong di naman kakilala
Ewan ko ba! Basta pumunta ako dun para makita ka.

Ikaw ay dumating pasado alas-otso na ng gabi
Walanghiya! Dambuhalang kaba ang aking naramdaman
Andun ang takot, meron ding hiya at pagaalinlangan
Subalit galak sa puso ang nangingibabaw
Ang gwapo mo kasi sa suot mong stripe green na polo shirt
Para kang si mini-stick sa commercial sa tv
As in sobrang baho... Este mali pala... Ibig kong sabihin..
As in sobrang cute mo!
At ang dimple.... The nerve!

Habang magkausap tayo sa McDo, ano ba yan?!
Parang hinuhukay mo sa pamamagitan ng titig ang aking nakaraan
Kaya ayun, hindi ako sayo makatingin ng derecho habang nagkukwento
Sobrang concious kasi ako noon.
Ganun ka ba talaga katinding tumingin?
Masyadong mapang-akit ha, Mr.PCU?

Simula noon ay lagi na tayong magkasama
Always texting, minsan tumatawag
Minsan kumakain, gumigimik together
Palaging may kwento hindi nauubusan
Masaya.
Nagtatawanan.
Minsan malungkot, may iyakan.
At hindi natin namalayan, malalim na pala ang ating samahan.

Alam mo sa totoo lang, isang kaibigan ang hinahanap ko
Kaibigang masasabihan ng mga problema pati narin ng sikreto
Sinabi ko naman sayo yun di ba?
Ngunit sa aking paghahanap ikaw ang nasumpungan
Hindi sinasadyang mahalin ka ng tuluyan
Kasalanan ba ito?
Ang mahalin ka at mahalin mo rin ako?
Minsan naguguluhan ako.
Nagiisip.
Nagtatanong.

Di bale, isantabi ko nalang ang mga tanong sa isipan
Ang mahalaga naman pareho tayong nagkakaunawaan
Nandito ako...
Nandyan ka...
Magkasama, magkaramay, nagmamahalan.

Wala mang katiyakan ang lahat ng ito para sa ating dalawa
Hiling ko lang sa maykapal
Ang pagsasama at pagkakaibigan natin ay maging panghabang-buhay.




---august 2002

No comments: