Monday, June 16, 2008

Bird



Nakatingin sa kawalan.

Bumuntong hininga.

Muli.
Ibinaling ang tingin sa maaliwalas na tanawing iyon ng Manila Bay.
Kaysarap pagmasdan ang mga ibong lumilipad..

Naghaharutan.
Naglalaro.

Dun ko napansin ang isang ibong dumapo at naninimbang sa mga kahoy
at bunot na nakalutang sa dagat.

Naisip ko...

Asan na ba ako sa buhay ko?

Isa lang ang pangarap ko.

Hindi pera.
Hindi karangyaan o anupamang makapagpapaangat ng aking pagkatao
kundi pagmamahal ng isang tao kapalit ang busilak kong puso na aming
payayabungin habambuhay...

Maya-maya pa, kasama siyang lumipad ng mga ibon patungo sa kawalan.

Napangiti ako..

Kasi alam kong hindi na xa maninimbang.
Hindi narin xa magiisa dahil alam ng ibong iyon na kahit dumaan pa ang ilang unos,
meron xang kaibigan na dadamay sa kanya..

At ako?Masuerte ako dahil alam kong nanjan kayo sa buhay ko.. ;)

No comments: