Saturday, October 29, 2011

Parking Lot


Maalinsangan ang gabi na ‘yun. Pakiramdam ko nakikisabay ang init ng aking katawan sa kasalukuyang panahon. Nanunuyot ang aking labi. Bawat buga ng aking hininga ay parang nakakapaso. Paminsan-minsan ay hinahabol ang paghinga. Di yata’t nag-uumapoy na naman ang aking pakiramdam at kinakailangan ng pakawalan ang nagbabagang damdamin na ito.

Bigla akong nakatanggap ng text mula sa isang estrangherong numero. Ilang sandali pa, natagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang parking lot. Naghihintay. Kinakabahan dahil sa unang pagkakataon ay makikita ko na ang matagal-tagal ko naring nakaka-chat sa isang sikat na networking site.

Nahihiwagaan talaga ako sa lalaking ito sa tuwing nagkaka-chat kami. Ayaw niyang sabihin ang kanyang pangalan. Sapat naraw ang alias na ginagamit nya. Hindi nya rin ibinibigay ang kanyang numero sa tuwing sinusubukan kong kunin ito. Siya nalang daw ang tatawag kapag nagkaroon siya ng oras na i-meet ako. Pakiramdam ko talaga, sinusubukan ng lalaking ito ang haba at tibay ng aking pisi. At dahil lumaki ako na sinisikap makuha ang lahat ng aking gusto (achiever), na ugali kong sumuong sa isang laban na hindi sigurado ang panalo (risk taker), na ang tingin ay positibo sa mga bagay- bagay (positive thinker), at ang pinaka- sa lahat, naniniwala ako na hindi lang umiikot ang mundo natin dahil kadalasan, kaya nitong kumembot ng kumembot para makuha ang atensyon ng sanlibutan (flirt). Dahil sa bonggang huling paguugali ko na yan, mukhang nahuli ko ang kiliti  ni mokong. Lol!

Kaya pala…..

Ngaun alam ko na kung bakit may pagka-misteryo ang lalakeng ito. Isa pala siyang lokal na may dugong maharlika. Lumaki at nakapag-aral sa London kaya magaling magsalita ng ingles, ang binatang anak ng isang kilalang negosyante sa bansa kung saan naman ako nandito para magtrabaho (Eh, ano naman sakin ngaun? Hello?!!! Si Kian kaya ako. Hahaha charot!). Kaya nang tawagan nya ako, nagdesisyon narin akong makipagkita.

Bahala na. Kaya ko ‘to!

Isang magarang sasakyan ang nakita kong pumarada sa isang sulok ng parking lot sa tapat ng malaking gusali. Kahit medyo malalim na ang gabi, may mga tao parin sa paligid na napapadako sa lugar na iyon. Hindi pa kasi sarado ang supermarket. At sa lugar kung saan ako naghihintay, nagmamasid lang ako at hindi nagpapahalatang may hinihintay. Mahirap na. Nasa gitnang silangan ako. Masyadong delikado lalo na sa mga katulad kong naghahanap.

Tumunog ang aking telepono at sinagot ko ang tawag nya. Siya na nga ang nasa parking lot. At habang papalapit ako ng papalapit sa kanyang magarang sasakyan, ramdam na ramdam ko naman ang lakas ng pintig ng aking puso.

Halos dalawang metro nalang ang layo ko sa kanyang sasakyan nang biglang bumaba ang bintana nito at bumugad ang mukha ng isang lalakeng nakangiti sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kitang-kita ko ang maaliwalas nyang aura. Para tuloy akong napako sa kinatatayuan ko, doon mismo sa parking lot na iyon.

KIAN:
Oh, my goodness! Na-starstruck talaga ako Tito Boy! Siya na nga! Siya na talaga!

BOY ABUNDA:
Really? Pero teka Kian, ang gusto ko lang naman sabihin sa iyo ay ganito…. Ikaw na!!!!



LOL.



No comments: