Kahapon lang, kasama ng mga housemates ko, nagtaxi kami pauwi ng bahay. Medyo malayo-layo rin kasi ang pinanggalingan namin. At dahil open naman ako sa mga kaibigan ko dito, kapag cute ang taxi driver, ako ang pinapaupo nila sa unahan. Trip ko un eh, ang landiin ang mga cute na taxi driver dito sa Oman. Lol! Paminsan-minsan lang naman 'yun. Oh, yes. I'm so sorry. It is only me who’s trying to convince myself. Bwahahaha!
Nakakatawa nga, dahil sa liit ng lugar
kung saan nandito ako ngaun, may mga taxi driver na nakakakilala na sa akin. Katulad
last week, sumakay ako ng taxi at tahimik lang ako kasi medyo sumasakit ang ulo
ko. Biglang nagtanong ang mamang driver. Asan naraw ung malaki kong computer na
lagi kong dala-dala. Kahit medyo wala
ako sa mood makipagkwentuhan dahil hindi ko siya type, di ko napigilan
mapatawa. Ang tinutukoy pala nya eh ang iPad2 na palagi kong dala-dala na nataon
naman na nasa bag ko lang noong time na ‘yun. So, obviously naisakay na niya ako dati, kaya ayun, hindi ko na kinailangan na ituro pa sa kanya kung saan ako bababa.
Nakakatuwa lang din dito kasi ung iba
talagang taxi driver, hindi lang talaga cute pero totoong gwapings. Pwedeng ihilera sa mga sikat na artista sa atin at hindi nila alam 'yun. I mean, hindi sa kanila 'yun big deal samantalang sa atin sa Pinas, mostly, ang hitsura natin ang nagiging basehan ng ating pagkatao. Masakit man aminin pero ganun ang karamihan sa kalahi nating Pinoy. Mapanghusga sa hitsura. Kapag mukhang Max Alvarado ang driver (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa), hindi tayo sasakay kasi iisipin natin na baka may kasabwat siyang holdaper o gawan ka ng di maganda. Minsan nga pakiramdam ko ganun rin ako, pero kapag nagmamaldita lang naman. Lol!
Dito naman kasi, 'yung iba ginagawa lang nilang sideline ang pamamasada
after work. Ung iba pa nga sa palasyo nagtatrabaho at mga bagets pa kaya swerte
ko kapag ganun ang nasasakyan ko. Lumalabas ang pagkabibo ko o talaga nga atang bibo na ako nung ipinanganak ako. Haha! At madalas
hindi ako bumababa ng taxi na walang nangyayaring milagro. Milagro talaga no? Magagalit sakin ang superstar Nora Aunor dahil sinabi nya walang himala! Eh, gaga pala siya e! Meron kaya. Hindi lang siya marunong magpalabas ng milagro. Charot! Hahaha!
Marami-rami narin sila. Isa, dalawa, tatlo, lima....
Marami-rami narin silang nasa phonebook ko. Minsan nga katext, katawagan kahit di ako masyado marunong magsalita ng arabic, at ka-whatsapp! Kayo talaga kung anu-ano na naman iniisip nyo. Hahaha! Pero dahil
sa lintek na latest software na inilabas ng Sony Ericsson, lahat ng contacts ko
nawala. Kaya ngaun, back to scratch ang drama ko. Huhuhuhu!
Wala na tuloy akong makulit. :(

No comments:
Post a Comment