Tamaaaaaah!
Putol na naman ang internet
connection namin kaya napasulat na naman ako. Kaynes! Nuknukan ng tanga talaga
ang boss ko, ayaw magbayad kahit naibigay na ni Sheikh sa kanya ang pambayad sa
mga bills. O xa sige, magtiis tayong lahat. Mayaman ako eh sila ba? Hahaha!
Kaya kong bumili ng load para makapag-internet ako. Charot!
Anyway, napanood nyo ba si
Anne Curtis sa showtime? Dami kong tawa habang pinapanood ko ang
nakakagulantang na performance nya. Manghang-mangha talaga ako dahil hindi ko iniexpect
na ganun kagaling at kaganda ang panlaban nya kina Vice Ganda, Vhong Navaro,
Billy Crawford at iba pang kasamahan sa showtime. Todo palakpak at sigaw talaga
ako habang pinapanood ko siya at text-text pa kami ng kaibigan ko dito dahil
pareho kaming may TFC. It was really an excellent performance from “The Other Woman”
and as expected, si Anne ang nakakuha ng grand prize. Buti nga, naungusan nya
si Vice Ganda! Hindi sila bagay ni Derek, mas bagay kami. Haha charot lang!
Isa pang big event sa ABS-CBN
na pinanood ko recently ay ang Pilipinas Got Talent. Hindi ko ‘to palagi
napapanood kasi busy ako sa mga aura dito, LOL! Pero syempre iba na kasi kapag
grandfinals. Kaabang-abang talaga. I admit, gwapo si Khalil. Napapatili ako
kapag napapa-focus sa kanya ang camera. Magagaling naman sila pero isa ako sa
mga kumi-kwestiyon sa pagkapanalo ng TRIO na ‘yun. Nagalingan ako sa kanila before
pero on that final night, parang anghina ng boses nila, parang kulang sa hagod,
kulang sa dating, kulang sa timpla. Basta, nakulangan ako. Mas magiging
kuntento ako sa result kung si Khalil ang nanalo or ung magkapatid na lalake na
nasama sa top 3. Oh well, botohan naman kasi un, so wala na akong magagawa
kundi tanggapin kung sino ang nanalo. Hehe!
Madako tayo sa mga aura. LOL! Hindi
ko alam pero marami pala talaga dito. Sabagay, noon kasi hindi naman ako
naghahanap talaga. Kasi naman halos 1 year na nakulong ako sa long distance
relationship at doon talaga ako nakafocus. Hay… Maraming nangyari sa akin these
past few days. Busy talaga ako hahaha! Tingnan nyo naman at hindi ko maupdate
ang blog ko. LOL! Finally, napasok na ng aking karisma ang tatlong unibersidad dito.
Hindi ko na kelangan maghanap dahil sila na mismo ang naghahanap sa akin.
Haha! Super like. :P
But the saddest part is, 30
days nalang ang natitira sakin dito. Most probably, hindi na dito ang next
working destination ko but I’m still hoping that I could get a good job offer
here na talagang makikita kong may mapapala ako, na meron akong future. Meron
namang nagoffer sakin, kaso feeling ko, it’s not fair or good enough. You know…
Lol!
Sayang ang mga maiiwan ko dito. Hindi 'yung ref or speaker ko ha? Basta, sayang talaga! Kaya dapat sulitin ko na ang mga nalalabing araw. Hihihi!
No comments:
Post a Comment