Monday, December 10, 2012

Almost A Year



Halos magiisang taon narin simula ng tumigil akong magsulat. Siguro ung iba sa inyo nagtataka kung bakit pangalawang entry palang ito sa taong 2012 gayong patapos na ang taon. Masyado lang naman ako naging abala sa karir. Literal yan ha? O sige na nga, aaminin ko na. Karir at Career. Kung alam nyo ang pagkakaiba nyang dalawa, opo, naging busy talaga ako. Hehehe!

Ibang-iba na ngaun ang work schedule at load ng trabaho ko. Kung dati 8am to 5pm lang ang pasok ko sa dating kompanya na pinagtatrabahuhan ko, ngaun eh 7:30am to 7:30pm na, idagdag pa ang tambak na trabaho galing sa Engineering Department. May 2 hours break naman pero nauuwi lang lahat un sa lunch at pagidlip ko. Kaya halos wala na akong time magsulat. Dinadaan ko nalang sa upload ng picture sa FB. Sabi nga ng isa kong kaibigan dito sa Middle East, masyado akong visible sa newsfeed nya sa facebook. Magugulo daw ang taong magpapa-add sa akin. Hahaha!

I hope one of these days, magawa ko na ulit magsulat. Hindi ung hanggang simula nalang palagi at di ko natatapos kasi minsan nakakatulugan ko o kaya need ko lumabas with friends. Nakakamiss din minsan magshare ng personal experience, ung makakapagbigay ka ng aliw at saya sa mga taong nakakabasa nito. Sabi nga, one word can change everything, pano pa kaya kung isang buong kwento na diba?

I know one day, makakapagshare ulit ako ng mga kwento ko but this time, sa akin nalang muna. J

No comments: