Dear Readers,My apology for not posting stories these past few days. I really suffered from severe cough and fever. huhuhu! Tinamaan ako ng lintek na trangkasong yan! Like super taas talaga ng lagnat ko. Promise!
Saturday night ang pinaka-grabeng sakit ng ulo na naramdaman ko sa buong buhay ko. Feeling ko tumitirik ang mata ko o kinokumbulsiyon ako. Disturbed ang utak ko. Para bang nasa loob ng utak ko ang buong football court at puspusan ang ensayo ng Azkals dahil bawat sipa ni Phil Younghusband at iba pang players sa bola, ramdam na ramdam ko ang paggulong nito at tumatama sa bawat sulok ng isip ko.
Nagbo-bounce.
Paulit-ulit.
Pabalik-balik.
Tapos, may mga letra rin na nagsasalimbayan sa nagwawala kong diwa. Parang lahat nakakulong at pilit na gustong makalaya sa nakakapasong pakiramdam. Pero kahit anong gawin kong pagpapalaya sa kanila, pilit silang nagsusumiksik sa loob, hindi ko alam kung bakit ayaw nilang lumabas. Nastock lang sila sa utak ko. Para silang langaw na binubugaw mo na nga palayo ayaw paring magpataboy kahit binuksan mo na nga ang pinto at bintana ng bahay nyo. Pilit na nagsusumiksik sa lugar mo at hahalikan ka pa sa mukha. Halos hindi talaga ako nakatulog noon kaya nagtiis nalang akong mamaluktot sa ilalim ng kumot habang pilit kong hinuli ang mga letrang nagliliparan sa utak ko.
M G N I G G L A A P O P A T A Y N A K A H A M O K U
Sumapit ang linggo, nagsisimula ng sumiwang ang liwanag sa aking bintana ng makabuo ako ng ilang salita.
P-A-G-G-A-L-I-N-G
M-O
P-A-Y-A-T
K-A-N-A K-U-H-A M-O?
Naks naman! Kahit may lagnat ako positive parin ang mga words ko. hahaha!
Pero sa totoo lang napakahirap talagang magkasakit dito sa ibang bansa, walang mag-aalaga sayo kundi ang sarili mo. Pasalamat ako sa mababait kong kasama sa bahay at kaibigan na nagbigay sa akin ng gamot, nagturo kung paano huhupa ang aking lagnat, pinagluto ako ng lugaw, pinagsilbihan, at tinatanong kung maayos na ba ang pakiramdam ko. Thank you & I love you guys!
Sa awa naman ng Diyos ay gumaling na ako. Di parin nawawala ang ubo ko pero ok lang, basta ba huwag rin mawawala si Lielbeard D. sa buhay ko. Ay! May ganun?! Anong konek?!! LOL!
May ubo na nga, may pasabog pang eksena. Search nyo nalang haha! :)
Hindi ko alam kung nagbabasa siya sa blog ko, pero kung sakaling mabasa nya ito, at least alam nya na maliban kay bestbud at sa mga real friends kong lalake, siya ngaun ang pinakaclose sa puso ko :) ayeeeeeeeeeeeeeeeh!
No comments:
Post a Comment