Sunday, July 24, 2011

Patpating Bata

Bumaba ako sa Baclaran kanina. Dumaan sa simbahan at nagdasal. Simula kasi ng makatagpo ako ng maraming katext at kaibigan pakiramdam ko nakaligtaan ko na ang magsimba. Masyado akong nalibang sa cellphone, sa text, sa mga kaibigan, sa gimik ng barkada at sa makamundong pagnanasa. Binago na ng modernong mundo ang dating kaugalian na noon ay binibigyan ko ng mataas na pagpapahalaga.

Ang marriage naging live-in. Ang pagtitipid naging pagwawaldas. Ang pagiging disiplinado naging matigas ang ulo. Panget ako noon ngaun gwapo na! Bwahahaha! Joke lang po!

Bakit nga ba kahit anong gawin natin nanjan parin si God para paalalahanan tau? Bakit ko ba nasabi ito? Kasi kanina naglalakad ako. May nadaanan akong nagtitinda ng kendi. Dumukot ako ng barya para bumili ng may biglang kumalabit sa braso ko. Isang gusgusing bata. Naawa ako. May pasa xa malapit sa labi. May galos ang hapis na pisngi at idagdag pa ang pagiging patpatin nito. Binibigyan ko xa ng piso pero ayaw nyang ibuka ang kanyang mga palad. Napakunot ang noo ko at tiningnan ko ang mukha ng bata. Nakatingin ito sa akin. Hindi kumukurap. Dumukot pako ng piso sa pagaakalang ayaw nya ng piso lang. Pero ayaw parin nyang ibuka ang palad nya. Tiningnan ko siyang muli. Sa aking pagtataka ang batang paslit ay ngumiti.

Doon unti-unti nyang binuksan ang kanyang maruming palad at bumungad sa aking mga mata ang isang bagay na matagal ko na yatang hindi nahahawakan at di nabibigyan ng pansin. Alam nyo ba kung ano ang nakita ko? Nakita ko sa palad nya ang isang maliit na crucifix. Kulay silver. Hindi ako nakapagsalita ng oras na un. Parang nagflashback lahat ng nangyari sakin simula ng makapagtapos ako ng College.

Nagkatrabaho. Nagresign sa work. Humiwalay sa pamilya. Naging independent. Naging mapusok. Nakipaglive-in. Naaksidente. Naghirap. Nakipagbreak. Nagkawork ulet. Naging gimikero. Naging pakawala sa buhay. Naholdap ng dalawang beses. Nahilig sa clan. Nakapag-abroad. Nabigo na naman sa pag-ibig at ngayon patuloy na lumalaban sa buhay.

Hungkag ang buhay. Nais kong maging masaya pero masaya nga ba ako? Parang may kulang....

"Kuya bibili ka ba?" tanong ng tindera.

"ah! Oo, pabili ng storck!" sagot ko.

"Teka, asan na ung bata?"

Lumingon ako pero hindi ko na xa nakita pa. Nagkibit-balikat nalang ako. Ilalagay ko na sana sa bulsa ang binili kong candy ng mahulog ang isa. Pupulutin ko na sana ito ng masulyapan ko rin ang crucifix na kanina lang ay hawak hawak ng patpating bata. Pinulot ko ito at ako'y napangiti.

Ngayon, alam ko na kung ano ang kulang sa buhay ko...

:)

No comments: