Thursday, July 7, 2011

Ang Spaghetti at Chicken ng Buhay Ko

Mabagal ang connection ng internet sa office kaya kesa mamuti ang mata ko kakahintay naisipan ko na naman magsulat. Ano naman kaya maisusulat ko? Wala kasing laman ang utak ko ngaun hahaha, ganito talaga kapag nagtitiis ng gutom para gumanda ang katawan hehe. Parang hindi healthy ung sinabi ko. LOL. Speaking of gutom, namimiss ko na ang mga batang yagit sa Tagaytay malapit sa Olivarez McDonalds. Natatandaan ko pa 7 years ago noong nakaasign ako sa Mendez Crossing, Tagaytay, madalas ako tumambay doon, kumakain ng spaghetti at chicken kahit mag-isa lang ako. Wala lang. Emo ako eh. Haha! Masarap kasi doon, medyo malamig. Wala pa noong Starbucks, Yellow Cab at iba pang business establishments na pwedeng tambayan.

Maraming hindi nakakaalam pero mabait talaga ako. Wahahaha! Minsan lang ako magkwento kaya pagbigyan nyo na ako. Wag na kaung kumontra hehe. Hindi naman ako likas na matulungin, hindi rin ako masyadong mapagbigay, siguro tama lang. Kapag nafefeel ko na sobrang blessed ako at wala naman akong pinaglalaanan na iba natutuwa akong bigyan at pakainin ung mga batang namamalimos, pagala-gala at nanlilimahid sa kanilang kasuotan. Simpleng tao lang naman ako kaya nakakaya kong kumain kasama nila. Naisip ko kasi napakaswerte ko dahil hindi ako nagutom sa buong buhay ko. Kahit hindi kami mayaman, nabibili ko naman ung mga gusto ko kaya dapat lang na ibahagi ko ung swerteng un sa iba. Hindi ko naisip magpakabayani dahil hindi un ang pangarap ko. Ang nais ko lang mabuhay ng tahimik at masaya. Ung tama lang ba. Ung simple lang. Hindi rin ako naghahangad na yumaman ng husto, basta ang sakin ung tama lang, basta masaya ako... :)

Malapit na ang pasko nun. Nakikita ko na ang mga kislap ng mga ilaw. Ang mga parol at tugtog sa paligid. Chowking, Jollibee, Greenwitch, Pizza Hut at McDonalds lang ang kainan sa lugar na un pero mas pinili kong tumambay sa huli. Siguro dahil memorable sakin ang place na un. Hmmm bakit kaya? Umupo ako sa may bandang labas para nakikita ko ung mga taong dumaraan. Malinaw pa sa aking alaala ang nakaraan. Dito rin kami madalas magkita kaya espesyal ang lugar na ito. lol. Ewan ko ba, gusto ko palagi akong nakakakita ng mga tao, gusto ko palagi ako nagmamasid, siguro bored ako nung mga panahong un dahil wala naman ako gagawing iba pagkatapos ng trabaho. Wala pa akong internet noon. Hindi ko naman kasama ang family ko. Wala naman akong masyadong kaibigan sa Tagaytay dahil sa Quezon ako lumaki at nag-aral. Wala akong mainvite man lang dahil ang mga kasama ko sa work after ng duty natutulog na. Ako lang talaga, at ako lang ang mahilig gumala. Hehe!

Habang kumakain ako at panay ang subo ko, may lumapit saking bata. Buhat-buhat pa nya ang nakakabata pa nyang kapatid. Hinihingi ang pagkain ko wahhhhhhh. Ginawa ko naman tumayo ako at tinawag ung nakita kong nakaduty sa dining, nagpabili nalang ako ng pagkain para sa batang magkapatid. Magkano lang naman un kumpara sa sinasahod ko. Nakakaawa ung magkapatid. Tantya ko mga 7yo ung malaki at ung batang buhat nya e 3yo palang. Hindi pa kami nagtatagal sa ganung tagpo ng may tatlong dumating na batang pulubi. Siguro nakita nila na binilhan ko ung magkapatid ng pagkain kaya humihingi na rin sila. Hindi pera ang hinihingi nila kundi pagkain. Ibinili ko rin sila ng pagkain at katulad ng dalawang bata kumain silang kasama ko. Nakakatuwa silang pagmasdan. Ung isa sinusubuan pa ung kapatid. Ung iba naman parang noon lang sila kumain ng spaghetti at chicken. Ung dalawa, nag-aagawan pa na parang mauubusan. Naitanong ko tuloy sa kanila kung kelan sila huling kumain ng ganun.

"Hindi ko napo matandaan" sagot nung isang bata tapos sabay sabay silang nagtawanan…

Kahit pilitin kong isipin, hindi na rumirehistro sa utak ko ang hitsura nilang lahat pero alam nyo ba kung ano ang hindi ko malilimutan sa kanila? Hinding hindi ko malilimutan ang ngiting pinakawalan nila sakin at ningning ng kanilang mga mata ng iabot ko ung pagkain sa kanilang mga palad. At ung pakiramdam na masaya ako dahil kahit isang saglit nakapagpaligaya ako ng tao. Fulfilling ung pakiramdam. Hindi un kayang tumbasan ng mamahaling sapatos, relo, cellphone, laptop o kahit na anong materyal na bagay na meron ako ngaun. Wala akong pagsidlan ng tuwa noong mga sandaling un. Ibang-iba ung pakiramdam talaga. Parang sila ang naging "Spaghetti at Chicken ng buhay ko". haha korni!

Doon ko tuloy napatunayan na sa kabila ng mga programa ng gobyerno para sa mga mahihirap at para sa mga batang nasa lansangan, kulang na kulang parin ang mga ito. Hindi ko naman sinisisi ang ating gobyerno pero sa pagkakataong iyon tuluyang namulat ang aking mga mata sa realidad ng buhay, sa kahirapang nararanasan ng ibang tao.

Buhay nga naman. Maswerte talaga tayo na kahit papaano meron taung napagkukunan para sa ating pang-araw araw na gastusin. Paano kaya ung iba na wala namang pagkukunan diba?

Hindi ko kayo pinipilit pero minsan subukan ninyong magbahagi o magbigay sa ibang tao. Subukan ninyong abutin ang kanilang mga kamay. Matuto tayo na ibaba ang ating sarili para sa iba. Minsan kasi hindi lahat ng saya makakamit natin kapag nasa itaas na tayo. Totoo un.

Sana maramdaman niyo rin ang totoong saya at tunay na kahulugan ng buhay kung bakit tayo nandito sa mundo.


Kian 03/27/2010

No comments: