Saturday, July 16, 2011

Local

Five (5) days akong hindi pumasok sa opisina. I just realized na kahit pasaway ang mga kasama ko, nakakamiss din palang magtrabaho. Nakakamiss din pala sila. Kahit 2 days lang na meron akong lagnat, hindi talaga ako pumasok at nagpahinga talaga ako ng bongga kasi nga inuubo ako. Un lang naman talaga ang nagpahirap sakin ng todo these past few days.

Maluwag ang kompanya ko, kapag pakiramdam mo may sakit ka, pwede kang hindi pumasok. Buo parin ang sahod mo. Un nga lang delay. haha! Hindi ko narin kelangan magbigay ng medical certificate kaya nga minsan nagagamit ko ang pagiging best actor ko. Jan kasi ako magaling, ang maging artista. Kababata ko si John Lloyd remember? So, kahit paano meron kaming common denominator. Charing lang!

Teka, napasulat na naman ako sa blog ko kasi kagabi nakatambay ako sa Turkish Restaurant. Actually, gabi-gabi ako tumatambay doon kasi maghapon akong nakakulong sa bahay. So sa gabi, nagpapahamog ako na parang kelangan kong sumamyo ng mga local. haha! Ganyan ang aking routine ngayon.

Mga bandang alas-sais y medya, nakatambay na ako. Medyo papadilim na ang drama sa kapaligiran ng Oman. Unti-unti ng nabubuhay ang mga street lights na sa tuwing nakaupo ako sa paborito kong tambayan, ansarap pagmasdan ng pare-parehong kulay ng ilaw. Nakakalibang. Mahilig kasi ako sa mga ilaw, lalo na pag dilaw (aminin! kayo din), pakiramdam ko kasi sila ang tumatanglaw at nagpapatingkad sa kagandahan ko este ng mga bagay sa paligid. Basta masaya na akong nakatitig doon habang ang isang kamay ko ay naka- Ninoy Aquino.

Mga pasado alas-otso ng maisipan ko ng umuwi. Nangangawit narin kasi ang aking pwet at likod. Tumila narin naman ang ambon so pwede na akong maglakad pauwi. Habang binabaybay ko na ang daan pauwi sa flat namin na hindi naman gaanong kalayuan, naramdaman ko na merong puting kotse na sumusunod sa akin. Hindi naman iyon ang unang beses na nakaranas ako ng mga ganitong eksena sa Middle East pero sa tuwing nararanasan ko ito kinakabahan parin ako. Bumukas ang bintana ng kotse at napatulala ako sa gwapo ng lalakeng nakasakay doon.

"Do you want me to drop you habibi?" ang tanong ni local.

Hindi agad ako nakasagot. Naintindihan ko naman siya pero pasenxa naman! Kumakabog kasi ang puso ko o dibdib o ewan. Kasi ang gwapo ni local! Bobo kasi ako sa ganyan. Pag naunahan na ako ng kaba o excitement nabablangko ako hahaha!

"Why?" Un lang ang lumabas sa labi ko bilang sagot sa kanya. Gusto kong sabunutan at sampal-sampalin ang sarili ko kasi un lang ang naisagot ko. Ambobo kong sumagot haha! Nasaan na ang Kian na palaging pang-beauty contest ang sagot?

"Come habibi!" ang sumunod kong narinig kay gwapong local na lalong naging gwapo sa paningin ko ng lumitaw ang ngiti sa kanyang labi.

Ngunit naging matigas ako. Kumunot ang noo ko kasi hindi nya sinasagot ang tanong ko. Kapag sumakay ako sa kotse nya anong iisipin ng mga tao? Na kaladkarin ako? Na isa akong pokpok! Na isa akong mababang-uri? Pilipino kaya ako. Kaylanman ay diko ibababa ang sarili ko dahil lang sa kagwapuhan nya. Dalagang-Pilipina ito oi. Tsaka teka baka dalahin ako sa bundok nito. Rape-in ako tapos mabuntis ako? hahaha!

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Kulang nalang mapunit ang aking bibig sa lawak ng pagkakangiti ko. Labas na labas ang aking ipin na madalas kong ipandigma sa mais, mangga at bayabas noong aking kabataan.

"No, habibi. Sorry ok?" ang sagot ko.

Napapailing na pinaandar ni Local ang kanyang kotse at lumayo sa kinatatayuan ko. Kitang-kita sa mukha nya ang pagkadismaya. Basted ang mokong! hahaha

Pero SAYANG! SAYANG!

Ngaun, nanghihinayang ako..

Parang pinagsarhan ko agad siya ng pinto eh hindi pa nga siya nakakapasok e! Next time kapag meron ulit lumapit gagalingan ko na ang pagsagot. :P

No comments: