Thursday, July 7, 2011

Kwento Under the Happy Araw

Kapapasok ko palang sa office at dali-dali kong binuksan ang PC ko kung meron na kaming internet connection pero bigla akong nainis dahil wala parin. 1 week na kaming walang connection at hindi ko talaga alam kung saan may problema. Gusto ko ng sumigaw at magwala sa office. Hindi naman ako IT para malaman ang mga yan and I admit na may pagkabobo talaga ako sa system installation. Kaya nga hindi IT ang kinuha ko or abogasya dahil hindi ako mahilig magkutingting ng kung anu-anong bagay. Basta ang alam ko, isa lang ang paborito kong kutingtingin. Kayo na ang bahalang mag-isip. Basta yun na yun haha!

Kaya eto nagsusulat na naman ako ng walang kakwenta-kwentang bagay. Sa totoo lang hindi ko alam ang isusulat ko. Nagsasawa na kasi akong magsave ng mga pictures at gumawa ng video clips ng mga kaibigan ko na inaabot ng ilang oras para matapos lang. Parang project sa school na pinagpupuyatan ko o report sa work ko. Kakapagod kaya sa pwet umupo ng ilang oras kaharap ang PC mo. Tapos, puro “like” lang naman ang narereceive kong grado sa facebook, meron mang comment eh “nice” lang, “galing naman,” “antaba mo na” etc., Wala man lang magsabi na… “oi Kian ang cute cute mo talaga!”, yun kaya ang hinihintay kong sabihin nyo hahaha! Charot!

Kidding aside, “Thank you much!” sa lahat ng naglilike at comment sa facebook ko. Simpleng tao lang naman kasi ako na ang gusto eh masaya palagi ang palagid. Sabi nga ni Coleen na isa sa mga hurado ng showtime, “nakaka-good vibes ako este kayo!” Yun ang gusto ko palaging ibahagi sa mga kaibigan ko o sa mga taong nakakasalamuha ko. Ang maging positibo sa lahat ng bagay dahil maigsi lang ang buhay natin. Ang mga problema may solusyon yan basta matuto lang tayo kung paano tanggapin ang mga nangyayari sa buhay natin, sa mga bagay na wala tayo at sa pangarap na hanggang ngaun ay pilit nating inaabot at binibigyang katuparan. Makuntento tayo sa mga bagay na meron tayo. Doon tayo magfocus hindi sa mga bagay na wala sa atin na magbibigay ng mga negatibong pakiramdam at linya sa ating mga noo na kalaunan ay magpapapangit sa ating hitsura. Eeeeww super unlikable nun! Haha! Dapat palagi tayong positive!

Speaking of positivity, napaka-controversial ngaun ni Andy Eigenman dahil sa kanyang maagang pagbubuntis pero para sa akin, kahanga-hanga hindi lamang ang pag-amin nya sa publiko na buntis siya kundi pati narin ang suportang ipinapakita at binibigay ng buong pamilya para sa kanya. Sana lang, sana lang talaga at super mega sana!!!!, ganyan din ang suportang ibibigay sa akin ng aking pamilya pag nabuntis ako. Chos! Well, hindi ko parin alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Agua Bendita pero ibigay na natin sa kanya un at huwag na nating problemahin pa. :)

Pero alam nyo, kapag nakikita ko ang mga classmates ko noong HS at college na meron ng kanya kanyang bitbit at kalong na tropeo (anak) dahil sa kanilang maagang pagaasawa, nakakaramdam ako ng inggit. Kinukurot ang maliit na parte ng puso ko. Sa totoo lang naman ha, hindi sa pagmamayabang, mas matanda silang tingnan kesa sa akin ngayon. Cguro dahil sa mga pinagdaanan nila para maitaguyod ang kanilang mga supling. Sinasabi nila sa akin kapag nakakachat ko sila, naiinggit sila sa’kin dahil naeenjoy ko ng lubos ang buhay ko, na hindi na nila naituloy ang kanilang mga pangarap dahil simula ng mag-asawa at magkaanak sila, ibinuhos nalang nila ang oras at panahon para paunlarin ang pamilya nila. Di ba ganun naman talaga ang buhay? Lahat ng ginagawa natin ay para sa pamilya natin? Ano pa bang pangarap ang gusto nila? Ikaw, ano pa bang pangarap ang gusto mo?

Kasi ako, simple lang ang pangarap ko. Magkaron ng sariling pamilya na masaya at makakasama habang ako’y nabubuhay. Basta tanggapin nila ako kung ano ako. Bongga sila! At kung paano ko isasakatuparan un ay hindi ko pa alam pero whatever it takes and whatever it will be, I’ll make sure na magiging masaya ako sa buhay ko dahil yun ang aspeto ng pagkatao ko na ayaw kong mawala.-- Ang maging masaya at ibahagi ito sa iba sa kabila ng mga suliranin at kakulangan sa aking buhay at pagkatao. LOL!

No comments: