Thursday, July 7, 2011

Si Facebook at Ako

Joan at Ryan, kayo talagang dalawa ako nalang palagi nakikita niyo. Kasalanan ko bang super close kami ni Facebook? As in super dikit na parang kulangot! Ganun!! Haha! Araw-araw ata kaming magkasama, minu-minuto, oras-oras, minsan nga hindi na kami pareho natutulog. Ganyan namin ka love ang isat-isa. Ayaw naming sayangin ang oras. Gusto namin palagi kaming updated sa mga happenings, kung ano ba ung mga latest news sa family namin sa Pilipinas, old friends, new friends, classmates, at kung sinu-sino pang nalilink sa 'kin sa facebook. Hindi ko naman sila mga kilala bakit ako inaad? Ganun ako kasikat. Hahaha! CharChar lang sabi ng Melason!

Nagsimula ang lahat dito…" if you want a life bigger than you have right now, don't just dream make it happen!" sagot ko naman kay Joan na nagpost ng quote na 'to.. "HOW?" kunyari di ko alam, xempre super pacute at painnocent ang sagot ko kahit alam ko naman ung sagot.. LOL! Aba! Sagutin ba naman ako ng…"one is by starting to lessen ur hours sa FB hehehehe!" At ito namang lalake na nagpapahirap saking makapasok sa org na EU Banahaw nung college (haha!), saktong sakto daw un sakin! Parinig ha? Parang nabukulan ako sa patamang un haha. Hmmm pero napaisip din ako sa sagot nila kasi me point naman sila. In-asses ko tuloy ang sarili ko kung maganda nga ba ang epekto sakin ng facebook at ito ang aking kwento…

Umaga palang excited na'ko pumasok sa office kasi sigurado ako marami na namang dalang balita si Facebook sakin. Kahit nga nakapikit pako at tinatamad bumangon, wala akong magawa kundi sampalin ang aking mukha. It rhymes parang kanta lang ng Salbakuta haha! Before 8:00am dapat nasa office na 'ko at xempre uumpisahan ko na ang daily routine ko. Hotmail, Omantel, Omanprojects, YM at xempre hinding hindi ko makakalimutan si Facebook! Malimutan ko na ang Friendster, Youtube at iba pang sites pero si Facebook hindi! Hinding hindi! LOL!

After checking the e-mails ng company at wala namang masyadong transaction o gagawin dahil wala namang request ang mga barko (salamat naman), checking na'ko ng personal e-mails ko, tapos biglang magmemessage si Tisay meron pang BUZZ na kasunod parang atat na atat sa sagot ko, talaga nga naman si classmate haha! Ang bira sakin "Hoy! Pilay kumusta ka na? O db napakasweet ng morning greeting sa 'kin ni Tisay? Hahaha! Palibhasa nakwento ko sa kanya na muntik na akong malumpo before. Xempre sweet din ako sa kanya kaya ang sagot ko, "Ok lang naman ako, Thanks Ms. Himatayin!" Kasi nga nung college nahihimatay siya at sa OSA nalang namin xa matatagpuan. Haha! Ganyan kami palagi ni Ms. Himatayin. Asar talo Lol. Back to our topic na facebook, medyo maging seryoso na tayo sa usaping networking site, kasi sa araw-araw na kapiling ko ang facebook, hindi ko masyadong nararamdaman ang homesick. I feel "homed" kasi lahat ng updates sa family ko nandito. Natutuwa ako pag nakikita ko ung mga bagong pictures nila… si Kuya na aspiring photographer, araw-araw meron pics na pinopost yan, pics ni insan Zer na nasa Saudi na pala, si insan Cher nasa Abu Dhabi na, si pamangkin ko na sumasayaw sa Meralco theatre at Mall of Asia, si luigi sa last picture nya tumaba na siya, si kuya Wendz nagpapacontest naman sa pagbibigay ng name para sa baby boy nya, si Tita LV na marami ng buhok after ng kemo nya, si Tita Cory na naaprove ang US visa at multiple pa, si ate Aiz na napakasipag magfarmville, mga pangmodel pics ni lu, elj at kc, mga pics ng mga chikiting last reunion, pics ni bayaw sa hongkong at macau trip at xempre si Ate ko na nakabalandra sa facebook ang pics ng Louis Vuitton bag collection nya!!! Hahaha! Idagdag pa ang habulan namin ni kuya Naf sa paglevel-up sa Farmville! Hehe!

At syempre mga kafacebooker ko na super friends ko, si Pakner na pang FHM ang mga pics sa anawangin, si Paris at cho na nag 2nd year anniversary this week lang, si Mona na nagharvest ng etits sa farmville at ipinamudmod sa sangkatauhan sa facebook LOL, si Bhe bujs na kibot haha! si Jasmin na maraming kwento, si romantiko na duling sa picture, si mhon na mahilig magcomment sa mga naughty pics ko, si ysah at mike na masipag magfarmville, mga kaGCC ko, ELITE, BMA, Comrades at iba pang clan na nasalihan ko sa pinas, mga taong nagbibigay ng gifts sakin sa Farmville, mga taong nagpapatawa sakin, si dennis at gerry na nakakakulitan ko minsan, si Radnee na walang booking sa Florida lol! Si JM na uuwi sa pinas sa april, Mga ka PLU ko, mga kaflirt kong malibog char!, mga ex ko dito at sa nagiisang jowa ko. bwahahaha! Isa lang siya kaya wag na magrereact. LOL! Nakikita ko kaya mga pics nyo.. hehe

Dahil sa kanila naiinspire ako. At dahil un sa Facebook kung bakit napapadali ang communication natin sa mga mahal natin sa buhay.. Alam ko minsan babad ako sa facebook pero hangga't nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko dito, hangga't masaya silang nandito ako, hangga't alam kong kailangan nila ako dito para tumakbo ng maayos ang kompanya (parang presidente ng kompanya. lol), dito lang ako, dito lang sa office, nagtatrabaho at xempre nagfafacebook. Bwahahaha!

Hindi ko hahayaang maglaho ang aking pangarap. Patuloy akong mangangarap na umangat sa buhay sa tulong nyo bilang aking inspirasyon. Hindi ako magmamadali, dahil naniniwala ako na ang lahat ng pagbabagong magaganap sa buhay natin ay ibibigay sa takdang panahon. Ito ay parang facebook lang din na gusto nating lagyan ng design, kulay at style ang profile natin pero sa ngaun ay hindi pa natin magawa kasi hindi pa available. Di ba? Huwag tayong mainip. Darating din tayo d'yan! :)


Kian.03/11/2010

No comments: