Saturday, July 9, 2011

Depression

Kumusta naman un? May ubo at lagnat ako pero nandito parin ako sa work. Gusto ko na sanang umuwi pero wait ko pa kasi sponsor ko para mapag-usapan ang renewal ng working visa ko. Tapos 1 week ko ng hinihingi ung monthly transport record for reconciliation sa Oman oil hanggang ngaun hindi parin nila matapos-tapos. Sooo bagal talaga ng mga Omani! Hmp!

Ano bang pwede ko i-share sa inyo today? Hmmmm…

Ano bang gamot for depression?

Ako kasi kapag nadedepress, nagshoshopping ako. Bumibili talaga ako ng mga bagay na magbibigay sakin ng panandaliang kasiyahan.

Tulad noong May 2006, bagong-bago ang Nokia 6680. Bumili talaga ako sa Globe kahit nagkakahalaga ito ng 28k, iyon ay para malibang ako at pansamantalang makalimot sa almost 2 years relationship namin ni JC na talagang iniyakan ko ng todo.

Same year, dalawang beses akong naholdap sa Quezon City. Noong una, nakuha nila ang mamahalin kong perfume na hugo boss, memory card 256mb na noong panahong un ay mataas pa ang presyo dahil 2,500 ang bili ko nun sa greenhills, adidas bag na may lamang mga damit, NGAGE phone, Nokia 3310, charger, wallet na may lamang cash (2k), atm at credit card. Mabuti nalang at hindi nakuha ang 6680 na nasa bulsa ng pantalon ko dahil ang pinagdiskitahan nila ay ang bag ko at ang jowa kong si Babyblue. Pauwi na sana kami nun sa bahay nila malapit sa Zabarte. Andami kong iyak nun at dahil sa pangyayaring un pinaputol ko narin ang credit card ko. Ayan! Kalandian kasi.

Hindi parin ako nadala. Dahil hindi ako makontento sa isang phone lang (bakit ba naman kasi nauso pa ang mababang rate sa suncel), bumili ako ng second hand phone na inaadvertise ni Sharon Cuneta, Nokia 6630. Buti nalang benenta sakin ng kaibigan kong mayaman sa mababang halaga dahil ang rason naman nya mag-uupgrade lang siya ng phone. Sa madaling salita nagpatuloy parin ang kalandian ko este ang buhay ko. Pumunta na naman ako sa bahay ng jowa kong si Babyblue sa Quezon City (ang kati-kati talaga) pero that time isang phone lang ang dala ko. Iniwan ko sa bahay ang 6680 ko dahil mas bago pa un sa 6630. So eto na nga, dahil naispotan na naman ako ng mga hunghang na holdaper, crying to death na naman ang drama ng lola nyo at may pasigaw sigaw pa, na biglang natigil ng makakita na ako ng balisong na nakatutok sa gilid ng aking 22 inches na bewang. haha! Gandang-ganda talaga sa akin ang mga holdaper na yan. Bwisit! Nakuha na naman ang aking 6630 na wala pang isang buwan sa akin. So, goodbye 6630 and goodbye Babyblue. Simula noon itinakwil ko na ang lugar na iyon at kinalimutan ko narin si Babyblue dahil natuklasan ko na bf din pala nya ang kapatid ng dating sikat na komedyante na just recently eh nag-guest sa Gandang Gabi Vice. Sooo Booba ko talaga sa pag-ibig! :)

Sumunod noong 2007, bumili naman ako ng N73. Hindi dahil depressed ako kundi kelangan ko ng phone para sa suncel. Halos lahat kasi ng mga karir ko este mga kaibigan ko ay nakasuncel na dahil sa mababang rate for unlimited call. Kung sa globe may unlimited text, sa suncel naman merong unlimited text and call so san ka pa. At dahil ang nag-iisang phone ko na 6680 ay exclusive for globe telecom, talagang bumili ako kahit magkautang-utang ako sa pinsan kong si Joberto! Haha!

Sumaya na naman ako. Maraming karir! Masuncel at maGlobe namamayagpag ang aking kagandahan este pangalan. Andami ko kasing clan noon. Halos lahat ata ng lugar sa mapa ng Pilipinas ay may katext ako, promise! At maayos ang aking grouplist ha? BY LOCATION ito! Kaya ginawa akong BOYLET WIKIPEDIA ng mga kaibigan ko dahil kapag nasa isang lugar sila, sus ginoo, itetext ako ng mga yan para hanapan ko sila ng karir. O db bongga ang lola nyo haha!

Tumagal sa akin ang 6680 at N73. Nakabili rin ako ng unang touchscreen phone ng Nokia (N5800) na ibinigay ko sa Mommy ko last 2010 na nadukot naman sa SM Dasma noong May 11, 2011. Sinundan ng N97 mini na pa-birthday ko sa sarili ko noong Nov.2009 at Sony Ericcson Xperia X10 na ginawa kong jowa dito sa abroad. LOL!



Marahil, walang masyadong depression sa buhay ko noong 2007-2009. Maraming dumaan na lalake pero hindi naman ako masyado nagdamdam sa kanila kapag dumarating ang hiwalayan. Kasi nagsimula narin ako noong maglaro. Kabi-kabila ang mga nakikilala kong lalake na dumating talaga sa point na wala na akong pakialam kung may masaktan akong iba or masaktan ko ang mga taong nagmamahal sa akin ng totoo.

Nakapag-abroad ako taong 2009. Hindi ko naman kailangan mag-abroad dahil ok naman ang pamilya namin sa Pilipinas, lahat naman ng gusto ko nabibili ko, hindi naman ako nagugutom pero dahil sa walang nangyayari sa buhay ko (puro kalandian kasi) at gusto ko naring magexplore sa buhay, tinanggap ko ung offer sa Oman. Noong una nahirapan talaga ako mag-adjust. Bigla kasing nawala ang mga lalake shit! Parang doon kasi umiikot ang buhay ko hahaha! Sa bahay naman kasi hindi ako pwedeng maging ganito. Baka bugbugin ako ni Daddy. LOL! Sa totoo lang noong andito na ako, naghanap ako. Palagi akong naghahanap. Minsan merong nakikita pero mostly wala talaga hanggang sa nakasanayan ko na. Nakuntento nalang ako sa facebook. Lahat ng oras ko naubos sa facebook. Sa facebook lang. Hanggang dumating na sa buhay ko si Jerwin…

Shit! Parang ayoko ng ituloy ang kwento ko. Sorry. Masyado pang sariwa ang sugat para balikan ko ang mga masasayang sandali naming dalawa tapos mauuwi lang din pala sa hiwalayan. Hindi ko pa kayang isulat ang aming istorya na nagbigay sa akin ng matinding depression pagbalik ko last May 27, 2011 dito sa Oman. Haggard na haggard ako, pagod na pagod at walang gana magtrabaho. Nasabay pa ang problema ko sa working visa dahil malapit na nga itong matapos at diko alam kung marerenew ba ito, anong trabaho na ang maghihintay sa akin tapos hindi ko makuha-kuha ang salary ko, na dumating sa point na 1 rial and 800 baiza nalang ang pera sa wallet ko na katumbas ng 200 pesos sa atin! Nasa Pilipinas kasi ang pera ko and i'm sooo like purita! I’m so kawawa talaga pero wala akong pinagsabihan, nagkukulong lang ako sa room ko para hindi halata haha! Gusto ko kasi palaging positive sa buhay, dapat palaging positive sa facebook dahil un ang gusto kong ishare sa lahat ng taong nakakakilala sa akin. Meron kasi akong pinanghahawakan sa buhay at habang buhay kong panghahawakan dahil naprove ko na. I-shashare ko narin sa inyo para at least hindi lang ako ang maniniwala at makikinabang. Ganito un...

Ansabi ng mga matatandang bulaan este sinaunang mga tao o nang mga kaninununuan natin. Ulitin mo kaninununuan... kaninununuan! Perpekin mo muna bago ka magpatuloy magbasa. okey? LOL! Ayan napraktis na ang dila mo para kang nakipaglaplapan sa jowa mo na may kasamang iskremahan ng dila bwahahaha!

Ang sabi ng matatanda, dapat palaging positive o magagandang bagay ang isipin mo para lahat ng ito ay mamagnetize ng positive attitude mo. Ito rin ang magdadala ng swerte sayo at magbibigay ng mga bagay na gusto mong makuha. Ayan nai-share ko na ang sikreto ko kaya tapos na ang misyon ko sa mundo. Charot!

Balikan natin ang istoryang hindi ko maisulat ngaun dahil sariwa pa. Ayun na nga, basta ang alam ko, ang naging sagot para maibangon ko muli ang puso ko ay iPad2…. Ayun na!

Kayo? Paano ninyo hinaharap ang matinding depression sa buhay nyo? Share it!

No comments: