
Ramadan Kareem! Ramadan Kareem!
Ang bati ni friend Paris sa akin
Animo'y batang binigyan ng kendi
Pwet ay hindi mapakali.
Naglog in si Bujoi at nakigaya rin
Binida ang Ramadan sa Kingdom of Bahrain
Pagkatapos nun katakot-takot na hinagpis
Ang sa amin ay inihagis!
Eto namang si Smile di kami matyempuhan
Ang oras nya kasi pangbampira at aswang
Lumalabas lang sa gabi at madaling araw
Daig pa ang magbabalot-penoy sa lansangan!
Balik tau sa Ramadan sa gitnang silangan
Na gustong gusto naman ng iba nating kababayan
Paano ba naman halfday lang ang pasukan
Sa loob ng buong isang buwan!
Sa kabilang banda, minsan ay naiinis
Dahil bawal kumain kahit kending matamis
Kahit mga bulate sa tyan ay nagagalit na
Tinitiis parin bilang respeto sa kanila.
Pero nakakatuwa ang mga kapatid nating muslim
Pagsunod kay Allah kanilang pinadadama
Pagkakaisa nila'y sadyang makikita
Nakakabilib talaga!
No comments:
Post a Comment