Sunday, July 31, 2011

The Land of Oman



Sa buong mundo, iisang bansa lang ang nagsisimula sa letrang "O" kaya minsan hindi ito napapansin ng karamihan. Ilan narin ang nakachat ko sa Facebook at YM at kapag tinatanong nila ang location ko, hindi nila alam kung saan ang OMAN. Sinasabi ko nalang na sa Middle East ito at nasa pagitan ng Dubai at Yemen. Oh well, ganun talaga kapag tahimik at maliit na bansa, hindi nababalita :)

"Kuya, may nakilala akong Sheikh dito sa Oman and he's looking for a Filipino daw na willing magwork sa new company niya. Eh ikaw lang naman ang naiisip ko sa mga cousins natin na alam kong highly qualified sa position at hindi ako mapapahiya. Cge na, magwork ka na dito," ang pagpupumilit ng aking pinsan habang kausap ko sa telepono.

"Eh, teka lang. Hindi pa ata ako ready mag-abroad. Pagiisipan ko muna haha!" ang sagot ko naman sa kanya.

Tawa ako ng tawa sa pinsan ko. Bata palang kasi kami napakataas na ng expectation nya sa akin. Siguro dahil nakikita nya noon ang mga nakukuha kong awards kapag recognition or graduation day sa school. Pero nang makagraduate ako ng college hindi ko naman nasungkit ang pagiging Cum Laude at siya pa nga ang unang naging Cum Laude sa aming angkan, at sa UP Diliman pa ha? Kaya ako talaga ang proud na proud sa mga achievements nya.

Masaya naman ang buhay ko sa Pilipinas. Gimik dito, gimik doon. Gala dito, gala doon. Landi dito, landi doon. LOL! Nakakaangat rin naman ang pamilya namin kumpara sa iba. Sa totoo lang lahat ng gusto ko, nabibili ko naman. Sabi nga ng ibang kaibigan ko "rich" daw kami kaya kahit hindi ako magtrabaho, mabubuhay parin ako dahil ako ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian at negosyo ng pamilya. Tinatawanan ko lang sila. Simple lang kasi talaga ang buhay na ipinamulat sa amin ng aming magulang. Kung makikilala nyo ako sa personal, napakasimple kong tao at kung pakiramdam ko nasa itaas ako, agad akong bababa para sayo at kung ikaw naman ang nasa itaas ko, patuloy akong magpapakumbaba. Hindi talaga ako mayabang kasi nagsimula din naman kami sa wala.

Ilang araw ang lumipas, napapayag din ako ng aking pinsan. Naisip ko, tama na ang pageenjoy sa buhay. Dapat ko ng seryosohin ito. Kaya kahit may pagaalinlangan ako, gora ang lola nyo! Wala naman akong naging problema sa immigration sa pinas, kahit visit visa lang ang hawak ko at medyo naghihigpit sila, madali akong nakalusot. Paano pa't naging si Kian ako kung hindi ko gagamitin ang aking karisma. Alam yan ng aking mga lola char! May mga kasabayan ako na nahold sa immigration dahil visit visa rin sila. Naisip ko nalang namagnet ko lahat ng swerte at sila ang minalas na hindi nakalusot. Maaaring hindi kumpleto ang kanilang dokumento kaya hindi sila pinatuloy.

So, fly muna ang lola nyo sa Hongkong. Uso pa noon ang SARS kaya mega takip ako ng ilong at bibig sa tuwing may umuubo sa paligid. LOL! Tapos derecho na ako sa Dubai. 1 month akong naglandi este nagpakasaya sa Dubai habang inaayos ang aking working permit sa Oman na kalapit bansa nito. Andun naman kasi ang kuya ko kaya naenjoy ko ng bongga ang aking pagstay doon. Kung itatanong nyo sa akin kung may nakatrip ako sa Dubai, malaking check ang makikita nyong billboard sa guadalupe. Nike un, NIKE!!!! Tsaka na ang kwento sa mga yun. Basta ang pinakabongga sa Dubai Airport. Yun na yun! Abangan nyo un. hahaha!

To make the story short, nakarating ako ng Oman.

First day ko palang sa Oman, naappreciate ko na agad ang physical features ng mga local. Matangkad, matangos ang ilong, malalantik ang pilik mata, balbon, may maputi at medyo maitim. Para akong nababato-balani sa kanila, napapatitig talaga ako lalo na sa mga gwapong Omani. Pwedeng-pwede silang artista sa Pilipinas kung looks lang talaga ang pag-uusapan. May Omani na nga agad na nahumaling sa aking kagandahan. Lol! Gusto ba namang samahan ako sa hotel at doon matulog. Tabi raw kami. In fairness, may hitsura naman si Omani. Pasado, pero hindi pwede. Barkada siya ng magiging officemate ko. Mamya, i-chikka pa ako. Huwag na lang.

3 nights akong umiiyak sa hotel. Nakakalungkot kasi. Wala akong makausap bago matulog. Mega cry talaga ang lola nyo. Nilampaso ko nga si Judy Ann sa URIAN best actress eh. Sanay naman akong mag-isa pero hindi naman ganito na wala akong kakilalang Pinoy. Basta susunduin lang ako sa hotel, papasok sa office, tapos ihahatid ulit sa hotel. 2 weeks na ganun ang eksena bago ako ilipat sa accomodation. Tapos mag-isa parin pala ako doon at lahat ng nakikita ko sa labas eh Pakistani at Indian. Asan ang mga Pinoy????

Mabuti nalang at tinatawag-tawagan ako ng pinsan ko at tinuturuan kung ano ang aking mga dapat at hindi dapat gawin. Nasa ibang bansa nga pala ako kaya dapat alam ko ang mga rules nila dito. Ilang linggo rin ang lumipas ng magkaroon ako ng mga kakilalang pinoy at bawat makita kong pinoy binabati ko talaga para maging kaibigan ko. Naging friendly nga ako noong mga panahon na iyon kahit hindi ko naman talaga ugali ang bumati sa mga hindi kakilala haha! Pero naisip ko kailangan ko yun. Mababaliw ako pag wala akong kakilalang pinoy dito.

Masasabi kong napakakonserbatibo ng mga tao sa lugar kung saan nandito ako ngayon. Magkahiwalay ang lugar para sa babae at lalake. Hindi mo pwedeng titigan ang mga babae o tabihan sa pampublikong lugar. Hindi mo pwedeng ihagis o punitin ang pera nila. Bawal ang alak. Bawal magsalita laban sa kanilang sultan. Bawal kumain sa kanilang harapan kapag panahon ng Ramadan. Bawal magnakaw. Bawal magsuot ng maiigsi na halos kita na ang singit at dibdib. Bawal ang kalaswaan at bawal ang babading- bading. Ouch! Haha! Basta marami pang bawal. Sigurado kapag ginawa mo ang mga bagay na yan, sa kulungan ang bagsak mo.

Maganda kung tutuusin ang Oman. Malayo sa traffic at ingay ng ciudad. Swak na swak sa mga taong gustong magbakasyon na naghahanap ng katahimikan ng loob, kapayapaan ng isip, sa mga taong naguguluhan, sa mga taong naghahanap ng kasagutan. Sa mga taong nabigo sa pag-ibig at sa kanilang buhay. Yayakapin ka ng ganda ng kapaligiran at iingatan ng kanilang kultura at tradisyon.

Gustong-gusto ng mga turista dito kasi nagaanyaya ang mga mabatong bundok para iyong akyatin, ang mga falls at beaches na parang paraiso sa iyong paningin, ang mga camel na gusto kang kaibiganin, ang mga ibon na sumasabay sa iyong paglalakbay, ang mga bangka na naghihintay para ikaw ay isakay at dalhin sa kweba ng mabatong dagat, sa napakalawak na lugar na buhangin lang ang iyong matatanaw na parang nagsasabing ganito kalawak ang oportunidad na naghihintay sa iyong buhay. Napakayaman.

Dalawang taon na pala ako dito. Matatapos na ang aking paglandi este kontrata. Alam ko maraming oportunidad ang maaaring naghihintay sa akin sa labas ng Oman. Mga oportunidad na pwedeng makapagbigay sa akin ng mas higit na magandang buhay sa hinaharap. Ngunit paano ko ba lilisanin ang napakagandang lugar na ito? Kahit probinsiya ang lugar na aking kinasadlakan, napamahal na ito sa akin at sa tuwing iniisip ko na uuwi na ako o lilipat ako ng bansa, nasasaktan ako.

Alam nyo ba kung bakit?

Kasi alam ko, kapag nangyari iyon, mayroong maiiwan at ito ay aking......





PUSO :)


2 comments:

Anonymous said...

been here before last 2months ago one of the beautiful place in the middles east specially the sultan qabos and the rock mountains

Kian Dela Cuesta said...

Oo nga. Di ba sa Oman ka nagexit? Naappreciate mo rin pala ang nature sa Oman hahaha!