
GLOBE CYBERKADA CLAN (ELITES)
"PINTUAN NG KATOTOHANAN"
Featured Story No. 2
Napakasarap isipin na sa murang gulang ko palang ay nakamit ko na ang pinakamimithi ko sa buhay. Ang aking simpleng pangarap. Noon pa man ito na ang gusto ko. Bata pa lang ako pangarap ko na talagang magkaasawa at magkaanak. Oo, kahit pitong libo’t isa mo pang sabihin ng paulit ulit na malandi ako, maluwag kong tatanggapin un. Pitong libo at isa dahil ng magsimula ang unlimited text sa suncel at globe, saan mang sulok ng isla ng Pilipinas meron na ata akong katext dahil sa mga clan clan na yan.
Ako si Nina, isang manileƱa. Maputi ang aking balat at may angking kagandahan din naman. Hindi ako pahuhuli sa mga babae ng GCC, GSKC, SKC, UNDERGROUND, POWERPUFF GiRLS, MEAN GURLS, TEENS CLUB at kung anu-ano pang clan na nasalihan ko dahil sa pag-usbong ng unlimited text sa Pilipinas. Ako ata ang babaeng nakawala sa hawla ng mamatay ang aking ama at ina sa sunog na naganap sa isang sulok ng maynila noong taong 2003.
May kaya ang aking pamilya pero ng mamatay ang aking mga magulang, tiyahin ko na ang kumopkop sa akin. Palibhasa nag-iisa akong anak kaya bata palang ako may pagnanais na akong bumuo ng isang malaking pamilya. Masaya at buo. Sayang nga lang at hindi ako pwedeng magkaroon ng kapatid dahil limitado lang ang kakayahan ng aking ina. Mahina ang kanyang puso at hindi na nya kakayanin ang magkaroon pa ako ng kapatid. Pero magkaganunpaman mahal na mahal nila ako at malaking bagay ang nagawa noon sa aking pagkatao. Akala ko noong una, makakaya ko na wala sila sa buhay ko dahil anjan naman ang tiyahin ko pero bakit habang tumatagal naghahanap ako ng pagmamahal. Paghahanap na nauwi sa maagang pagaasawa.
Sabi nila, madali akong magmahal at magtiwala sa mga taong aking nakikilala. Siguro nga tama sila dahil bata pa lang ako ibinigay ko na agad ang aking sarili kay Ervin. Siya ang unang lalake sa buhay ko. Noong una maayos naman ang aming relasyon hanggang sa marami na akong naririnig sa mga member ng Teens club na meron siyang ibang babae. Hanggang sa ako na mismo ang nakapagpatunay na totoo nga ang lahat ng iyon. Napakasakit malaman ng katotohanan.
“Ervin, bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Binigay ko ang lahat sayo pero sinayang mo. Ano bang meron si Trixie na wala ako? Kulang pa ba na ibinigay ko sayo ang katawan ko para mapatunayan kong mahal kita? Ervin, sumagot ka!” Habang binabayo ko ang dibdib ni Ervin dahil sa sama ng aking loob.
Hindi sumagot si Ervin sa mga tanong ko. Iniwan nya ako sa lugar na un at hindi na muling nagparamdam pa. Ilang buwan ko ding dinamdam ang lahat. Napatunayan ko sa sarili ko na kahit dalisay at totoo ang pagmamahal na inalay mo sa isang tao kung hindi talaga siya para sayo, hindi rin ito magtatagal. Ang mas lalong masakit hindi ko na maibabalik ang nawasak ng una kong pag-ibig.
GSKC days.
Umatend ako sa Christmas party upang maibsan ang kalungkutang aking nararamdaman. Present ang lahat ng aking kakilala sa text. Masaya pala sa bulacan. Doon ko natagpuan ang saya sa piling ng mga katulad kong naghahanap ng kaibigan. Doon ko nakilala si Don. Masayahing tao si Don. Presko pero pakiramdam ko kapag kasama namin siya safe kami. Nasundan pa ang pagatend ko sa mga parties ng GSKC. Tawa dito, tawa doon. Chika dito, chika doon. Harutan dito, harutan doon habang umiinom ng beer. Hanggang isang gabi wala akong masakyan pauwi ng monumento. Hindi ko namalayan na lahat ng kaclose kong kaibigan ay nakauwi na. Cguro dahil naparami na rin ang inom ko. Nakita ko si Don may dalang motor. Pero bago siya tuluyang umalis, lumapit muna siya sa kinatatayuan ko.
“Rose san ang uwi mo nyan?” ang tanong sakin ni Don.
“ah eh.. naghihintay ako ng jeep byaheng monumento.” Ang sagot ko.
“Naku mahihirapan kang umuwi nyan bihira ang jeep dito na dumadaan patungong monumento, asan ba sina Smile at Kian?”
“Umuwi na ata sila. Kung alam ko lang na mahirap sumakay dito eh sumama na ako sa kanila para bukas nalang ako uuwi.” Ang pagmamaktol na sagot ko kay Don.
“Kung gusto mo sumabay ka nalang sakin at ibababa kita kung saan may dumadaang jeep papuntang monumento” ang pagmamagandang loob ni Don.
Hindi na ako nagatubiling tumanggi pa. Sumakay ako sa motor ni Don dahil tiwala ako sa kanya. Mabait si Don. Pakiramdan siguro nya nahihiya ako sa kanya kaya habang nasa daan kami pinapatawa nya ako sa mga jokes nya at bentang benta naman un sakin hanggang makarating kami sa Starmart Tikay. Sabi ni Don meron nadaw dumadaan dun na Jeep patungong monumento. Nasa tabi ko parin si Don habang naghihintay ako ng masasakyan. Sinisiguro nya na ligtas ako sa lugar na un habang naghihintay. Pero malas ata ako ng araw na iyon. Wala akong masakyan. Hanggang sa alukin na ako ni Don na sa bahay nalang nila ako matulog. Safe naman daw at wag akong magalala. Dahil natatakot narin ako magisa at kahit may pagaalinlangan ako, sumama ako kay Don. Atubili pa akong pumasok nung una sa bahay nila pero wala akong mgagawa andun na ako.
Sa kwarto nya ako natulog at sa sala naman siya. Nakahinga ako ng maluwag. Sa isip isip ko, mabait pala talaga si Don. At dahil napagod din ako sa party at medyo nakainom din ako, madali akong nakatulog. Hanggang sa maramdaman ko nalang na merong humihimas sa maselang parte ng katawan ko. Biglang napamulat ang mata ko at bago pa ko makapagsalita, nailapat na ni Don ang kanyang labi sa labi ko. Marahas niya akong hinalikan at hawak hawak nya ang aking dalawang kamay para hindi ako makapiglas. Nasa ibabaw ko siya habang malaya nyang ginagawa ang lahat. Nalasahan ko ang beer sa kanyang bibig at parang nawalan narin ako ng lakas na manlaban pa. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero nagawa kong suklian ang halik nya. Ang dating mapangahas na halik ni Don ay naging masuyo. Sinuklian ko ang halik nya na parang siya na ang lalakeng bubuo sa aking pangarap. Naramdaman ata ni Don na gusto ko narin ang nagyayari kaya pinakawalan nya ang aking dalawang kamay. Masarap ang halik ni Don. Parang hinihigop ang aking dila na hindi ko maintindihan. Nakakawala sa sarili basta ang alam ko nagpaubaya ang aking labi hanggang sa maramdaman ko ang halik nya sa aking tenga, sa aking leeg pababa. Nakakabaliw! Tapos itinigil nya ang paghalik. Tiningnan ako ni Don. Mata sa mata. Naguumapaw ang pagnanasa ni Don na hindi ko mawari kung ano pa ang napapaloob sa ekspresyon ng mukhang aking nakikita noong sandaling iyon. At ng makita nyang walang pagtutol sa akin marahan nyang hinubad ang aking mga saplot. Tumambad sa kanya ang aking kahubdan. Muli nya akong hinalikan sa labi habang naramdaman ko ang kanyang malikot na kamay na pumipisil sa aking hubad na katawan…
Ipinikit ko lang ang aking mata. Sa ikalawang pagkakataon ibibigay ko ang aking puri sa lalakeng hindi ko pa gaanong kakilala, na sa text ko lang madalas nakakausap. Naramdaman ko ang pagbaba ng labi ni Don. Para na akong nawawala sa sarili sa tindi ng sensasyon na nararamdaman ko habang pinaglalaruan nya ang aking malusog na dibdib. Napakainit ng kanyang hininga at napapasabunot ako sa kanya sa tuwing paiikutin nya ang kanyang dila sa ibabaw ng aking korona. Pababa ng pababa hanggang makarating siya sa isang lagusan na magbibigay ng ibayong kaligayahan sa aming dalawa. Baliw na baliw na ako sa ginagawa ni Don at hindi ko na kayang pigilan pa ang mga susunod na gagawin nya sa akin. Wala ng pagaalinlangan pa ng simulan na ni Don na pasukin ang lagusan ng kaligayahan.
Tulog pa si Don ng lisanin ko ang lugar nila. Hiyang hiya ako sa sarili ko na ibinigay ko ang aking sarili sa taong hindi ko pa lubos na kilala. Pahikbi hikbi ako ng iyak habang lulan ako ng jeep pauwi sa aking tinutuluyan sa maynila.
Dumaan ang mga araw na hindi ako nagparamdam sa Clan. Sinadya ko iyon para kahit man lang sa sarili ko masabi kong hindi ko kagustuhan ang nangyari. Na hindi ako mababang uri ng babae. Na natukso lamang ako dahil sa espiritu ng alak ng gabing iyon. Nasa ganun akong tagpo ng pagmumuni-muni ng may matanggap akong text mula kay Don. Dali-dali ko itong binasa…
“Nina, kumusta ka na? Nagising ako wala ka na sa tabi ko. Patawarin mo ako sa ginawa ko. Mapapatawad mo pa ba ako Nina?”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Don. Magagalit ba ako sa kanya? Sisisihin ko ba siya sa nangyari? Sasabihin ko bang napakawalanghiya nya dahil pinagsamantalahan nya ang aking kahinaan? Hindi! Kahit anong gawin ko isa lang ang alam ko, may pagkakamali din ako dahil hinayaan ko siyang gawin nya iyon. Binasa ko ulit ang text ni Don at nagdesisyon ako na sagutin ang mensahe nya.
“Don, kalimutan mo na ang nangyari at kalimutan mo na rin ako.”
Wala na akong narinig pa mula kay Don. Siguro nga hindi siya ang lalake na aking pangarap. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko sa clan. Merong pumapasok na bagong member, makikilala sa GEB pagkatapos umaalis din. Pakiramdam ko para lang akong nakasakay sa Jeep. May sasakay na pasahero, titigil sa gasolinahan, may sasakay muli at pagkatapos bababa narin. Minsan nga pakiramdam ko nagiisa nalang akong pasahero na hindi alam kung saan patungo. Saan nga ba ako pupunta? Sino ba ang pupuntahan ko? Ano ba ang gusto ko? Mga tanong na hindi ko kayang sagutin.
Isang umaga nagising akong masama ang pakiramdam. Parang kumukulo ang aking sikmura at bigla akong kinabahan. Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng may mangyari sa amin ni Don. Pinagpapawisan ako. Sana hindi totoo. Sana hindi mangyari ang aking kinatatakutan. Diyos ko, dise-otso palang ako!
Pumunta ako sa pinakamalapit na mercury drug para bumili ng pregnancy test. Gusto kong makasigurado kung buntis ba ako o hindi. Sa bahay hindi ako mapakali. Nasa bahay pa kasi ang tiyahin ko at ayaw kong makahalata siya sa nararamdaman ko. Tensyonado na ako at ng makaalis na siya sinimulan ko na ang test. Kabadong kabado ako sa resulta at para akong nawalan ng lakas ng dalawang pulang guhit ang lumabas. Nagdadalantao nga ako!
Tumakbo ako sa kwarto at doon ko ibinuhos ang aking luha.
“Diyos ko, patawarin nyo ako. Alam ko po bata palang ako pangarap ko ng makabuo ng masaya at malaking pamilya. Pero paano po ba ito? Paano ko mabubuo ang pamilya na gusto ko kung sa simula palang ay mali na ang lahat? Ano pong gagawin ko? Tulungan nyo po ako.” Mga tanong na hindi ko alam kung paano ko bibigyan ng kasagutan.
Nagising akong namamaga ang aking mga mata. Lumipas ang mga sandali ng pagiisip, biglang pumasok sa isip ko si Don. Sabihin ko kaya kay Don ang lahat? Dapat pa ba nyang malaman? At kung malaman nya, may magagawa ba siya? Maniniwala ba siya sakin? Ipalaglag ko nalang kaya ang bata? Pero hindi ko kaya. Hanggang nagdesisyon akong ipaalam kay Don ang lahat. Miniscall ko siya. Para akong napapaso ang pakiramdam. Pagkatapos kong sabihin na kalimutan na nya ako, ngaun naman ako ang magpaparamdam sa kanya? Haist! Bahala na…
Nag-ring ang aking celepono…
“Hello…..” garalgal kong tinig… “Don i-ikaw ba yan?”
“O’ Nina, si Don nga ito. Bakit? Asan ka? May problema ba?” ang may pag-aalalang tanong agad ni Don sa akin.
Bigla akong natigilan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang pangalawang lalakeng inalayan ko ng aking sarili, heto at parang concern na concern sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nya. Ang boses nya na parang humahaplos sa puso kong puno ng pangamba.
“Nina, anjan ka pa ba? Bakit ka napatawag? Asan ka ba?”
“Don……..” at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumuhos na ang luha ko sa aking mga mata tanda ng matinding paghihirap na nadarama ng aking puso..
“Nina, ano bang nangyayari sayo? Ano bang problema, sabihin mo sa’kin..” ang pagsusumamo sa akin ni Don.
“Don, buntis ako!” ang pasigaw kong sagot sa kanya sa celepono.
Nabalot ng katahimikan sa kabilang linya habang patuloy ang aking pagiyak. Alam ko nagulat si Don sa aking nasabi. Pinutol ko ang linya. Parang ayoko ng hintayin pa ang isasagot ni Don. Pinatay ko ang celepono ko. Ayoko na. Katulad rin siya ni Ervin. Pare-pareho sila. Manloloko! Pero sa kabila ng isip ko may naghuhumiyaw na iba si Don, iba si Ervin. Si Ervin manloloko. Si Don, hindi naman nya ako niloko dahil hindi naging kami. Nagpaubaya ako sa kanya kaya merong nangyari sa aming dalawa at heto na nga nabuntis ako.
Gabi na. Hindi ako makatulog. Wala paring alam si Tyang sa nangyayari sa akin. Paano ko sasabihin ang lahat sa kanya? Binuhay ko ang celepono ko, kailangan ko ng kausap. 1, 2, 3, 4, 5, 6 na mensahe ang sunod-sunod na dumating. Lahat galing kay Don. Kailangan daw naming magusap sa lalong madaling panahon.
SM NORTH.
Maraming tao sa Mall. Busy ang lahat ng tao. Naalala ko tuloy noong una akong umatend ng Christmas Party ng GSKC, halos ganito rin karami ang tao dito o mas marami pa. Dito kasi kami nagkita-kita ng ibang mga members from manila area at parteng south. Patuloy ako sa paglalakad at habang palapit ako ng palapit sa KFC, lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Alam ko naghihintay na sa akin si Don…
KFC.
“Hoy! Nina! Kanina ka pa tulala jan. Kanina ka pa namin kinakawayan sa labas parang hindi mo kami nakikita. Nangangarap? Ano bang iniisip mo mare?” ang tanong ni Smile.
Ngumiti lang ako. Napakamemorable ng lugar na ito sa akin. Dito kami nagusap ni Don noong panahong hindi ko alam kung paano ko malulutas ang problema ng aking pagbubuntis. Napakaswerte ko kay Don. Pinanagutan nya ako at binigyan ng pangalan ang aming anak. Inaamin ko na noong una, hindi ko pa ganun kamahal ang lalakeng nakabuntis sa akin pero tama nga ang sabi ng iba, madaling matutunan ang pagmamahal lalo na kung handa ang puso mo na ibigay ito sa taong pahahalagahan ka sa lahat ng oras at pagkakataon. Hindi man si Don ang una sa buhay ko, hindi man siya ang taong lubos kong minahal, masasabi kong mahal ko narin siya dahil siya ang tanging lalakeng nagbigay sa akin ng pagkakataon na matupad ang aking mga pangarap.
Kuya Kian, salamat sa pagfeature ng aking story.
No comments:
Post a Comment