Thursday, July 21, 2011

Barbel (Part 3)














Mga alas-4 na ng hapon. Magkayakap si Mark at Eric habang nakahiga sa malambot na kama. Tulog si Mark. Marahil napagod ito sa ginawa nila.

Napapangiti si Eric sa tuwing naaalala ang lahat ng nangyari kanina lang. Pinagmasdan niya si Mark. Napakaamo ng mukha nito. Sino ba naman ang di magkakagusto sa lalakeng ito? Nang magsabog ata ng kagwapuhan ang Diyos sa sanlibutan, isa sa pinakamapalad na nakasalo nito ay si Mark. Hindi lang pisikal, dahil base sa mga kwento nito sa kanya, totoo na isa itong mapagmahal na anak.

Maswerte nga ba siya kay Mark? Pero hindi pa nya alam kung ano ba siya sa buhay nito. Mahal ba siya ni Mark katulad ng pagmamahal nya dito? Kung hindi siya mahal nito bakit may nangyari? Bakit si Mark pa ang unang gumawa ng hakbang para mangyari ito? Nakakatakot isipin na trip lang ito ni mark na baka pinaglalaruan lang xa nito. Pero nagpupumiglas at sumisigaw ang puso nya.

Hindi!!!!

Nararamdaman ko mahal din nya ako. Ang kanyang mga halik. Ang kanyang mga yakap. Ang kanyang mga haplos. Diyata’t naramdaman ko ang lahat ng iyon sa kanya ng walang halong pagkukunwari? Hindi nagsisinungaling ang nararamdaman ng puso.

Marami pang tanong ang nasa isip ni eric at dahil hindi nya ito mahanapan ng sagot napagod na ito at nakatulog.

Wala na si Mark sa tabi nya ng magising siya. Nagsimula siyang kumilos. Isinuot ang kanyang mga damit. Napasulyap siya sa bintana, nagsisimula narin palang dumilim.

Biglang bumukas ang pinto. Si Mark may dalang isang tray ng pagkain. Nakashorts lang ito pero walang suot na pang-itaas. Pinagmasdan niya ito at muling napalunok. Paano ba naman bakat na bakat ang ari nya sa suot nyang hapit na shorts.

“Gising ka na pala. Tara kain muna tayo.” Nakangiti si Mark.

Umupo naman c Eric sa gilid ng kama. Hindi nya masalubong ang tingin ni Mark. Napansin ito ni Mark kaya tinabihan siya nito. Hinawakan siya nito sa braso at nagsalita.

“Bakit Eric may problema ba?

“A....Ah wala ito…..” ang nahihiya kong sagot.

“Anong wala? Sabihin mo na. Makikinig ako.”

Bumuntong hininga si Eric bago muling nagsalita.

“Alam mo na naman kung ano ang feelings ko para sayo di ba? Pero until now hindi ko parin alam kung ano ako sayo,” ang pagsasalaysay ko.

Tumayo si Mark. Lumapit sa kanyang closet na parang may hinahanap. At ilang sandali pa may kinuha itong plastik sa loob at iniabot kay Eric.

“Ano ito?”

“Para sayo. Buksan mo….” Ang nakangiting tugon ni Mark.

Nagliwanag ang mukha ni Eric ng makita ang laman ng plastik. Napangiti xa. Hawak nya ang isang laruan. Laruang lalake na may hawak na barbel. Isang imahe ni Capt. Barbel na napapanood ko sa TV.

“Para kapag nakikita mo yan maaalala mo ako. Alam mo Eric mahiyain akong tao. Simple. Tahimik. Noong unang makita kita sa gym na nagbubuhat ng barbel, natawa ako sayo kasi nahihirapan ka. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at nilapitan kita noon tapos nakipag-alternate sayo. Siguro para ipakita sayo ang tamang paghawak ng barbel. Simula noon hindi ko narin maintindihan ang puso ko,” sabay tingin sa akin ni Mark.

Muntik ko ng mabitawan si Capt.Barbel este ang munting laruan na hawak ko. Pakiramdam ko biglang humaba ang maigsi kong buhok. Mula sa bayan ng Dasma naglakbay ito at umakyat sa Tagaytay hanggang makarating sa pier ng Batangas at hindi pa nakuntento ang buhok ko. Sumakay pa ito ng barko papuntang Aklan at dumerecho ng Boracay, huminto doon at ipina-braid ang sarili. Sosyal! Anong say ng kahabaan ng Edsa sa Maynila? Ang haba ng hair ko charot!

“Mark……?”

“Yes, i love you too Eric. Sapat na siguro ang nangyari sa atin para mapatunayan ko sayo na mahal din kita. Wala akong pakialam sa nakaraan mo basta ang alam ko ngayon ikaw ang nagpapasaya sa akin na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.”

Wala ng ibang masabi si Eric. Napayakap nalang xa kay Mark at napaiyak sa tuwa.

“I love you Mark. Hindi nagkamali ang puso ko ng mahalin ka,”

“I love you too, Eric…..”

At muling naglapat ang kanilang mga labi...

Kumain silang masaya at naghaharutan. Tila hindi na nila namalayan ang oras. Ganun naman kapag magkasama ang nagmamahalan, parang kanila lang ang mundo. At nang gabing iyon masayang natulog si Eric sa mga bisig ni mark.

Kringg kringg kringg!!
Kringg...!

Nagising c Eric sa isang nakakabinging tunog. Pamilyar na tunog sa umaga. Tinatamad siyang bumangon. Wala narin si mark sa tabi nya. Hinanap nya kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Nakapa nya ang isang matigas na bagay sa kanyang likuran at kinuha ito. Nagulat si Eric! Nanlaki ang mga mata niya!

Alarm clock na pink? Hello Kitty pa?! Teka, sa akin ito ah, paano napunta sa kwarto ni Mark ang alarm clock ko?

Bumangon siya. Luminga-linga. Hinanap si Capt.Barbel na bigay ni Mark sa kanya kagabi. Wala ito. Hindi nya makita. Bigla siyang napatigil at nagsimulang mapagtanto ang mga pangyayari. Hindi siya maaaring magkamali. Nasa loob xa ng kanyang kwarto. At doon na siya tuluyang nahimasmasan.

PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT SA KANILA NI MARK?!

Bumangon si Eric ng may panghihinayang sa puso. Ginawa ang nakasanayang ritwal sa umaga at pumasok na sa trabaho. Pagpatak ng alas singko ng hapon dali-dali na xang nag-ayos ng gamit para mag gym. Pagpasok ni Eric sa gym may hinanap agad ang mga mata nya. Kung ano o sino yun, siya lang ang nakakaalam.

Nagsign in muna xa sa logbook at dumerecho sa isang sulok. Kinuha ang bagay na iyon at inihanda para sa kanyang gagawin.

Hinawakan nya ang barbel para buhatin ito. Napapapikit xa sa bigat nito. Huminto xa. Pumikit muli at binalikan sa isip ang tamis ng bawat sandaling pinagsaluhan nila ni Mark sa kanyang panaginip. Hindi pa xa natatagalan sa ganung posisyon ng may marinig siyang tinig.

"Ehem… Pwede bang alternate tayo?"

Ayaw pa sana niyang imulat ang mga mata niya. Ayaw pa niyang mawala si Mark sa isip niya. Nagsisimula palang ang isip nya na alalahanin ang pagniniig nilang dalawa ni Mark. Ngunit parang may naguudyok sa kanya na imulat ang mata niya. Nagmulat siya at napabangon bigla, nauntog pa nga xa sa barbel sa pagmamadali.

“Aray ko!” at napapahiya siyang tumingin sa lalake. “A…Ah s..sure.. si..sige lang…,” ang nabubulol nyang sagot.

Natatawa naman ang lalake.

Gwapo siya ha? Matangos ang ilong, mapula ang labi, maayos ang buhok, makinis ang mukha at maganda ang tindig. Tantya nya mga 5'8 ang taas nito. Tama lang ang kulay. Hindi maitim hindi ganun kaputi. Nakasando lang ito kaya makikitang maganda na ang hubog ng kanyang katawan. Nakapagpadagdag pa sa appeal nito ang nakausling buhok sa kanyang kili-kili! At napadako ang mata nya sa pagitan ng legs nito. Nakabakat ang ano nya. Harhar!

“Lalakeng-lalake,” nausal nya sa sarili…

Biglang nag-init ang pisngi ni Eric ng maramdaman nya na nakatitig din sa kanya ang lalake. Napahiya siya. Alam kaya nitong lalake na ‘to na napag-aralan na ng mga mata ko ang bawat sulok ng kanyang katawan sa maiksing sandali lamang?

“Aa…. Aaah sori, naghihintay ka pala, sige ikaw na muna, dito ka na,” at nagbgay ng daan si Eric para makapwesto ang lalake.

Ngumiti naman ang lalake sa kanya. Pagkatamis-tamis na ngiti….

Shit!

Kumabog ang dibdib ni Eric. Diyata’t ito ang naramdaman nya ng una siyang ngitian ni Mark sa kanyang panaginip? Bakit ganito ang nararamdaman nya?

Habang pinagmamasdan nya ang lalake sa pagtaas at pagbaba nito sa barbel, lihim na umasam ang puso ni Eric na ito na ang lalakeng matagal na nyang hinihintay. Ang katuparan ng kanyang panaginip. Ang maaaring itinakda ng nasa itaas para sa kanya.

Napangiti si Eric. Sa buong buhay nya, hindi siya tumigil mangarap ng mga bagay na magbibigay ng saya sa buhay nya. Sabi nga nila, libre lang ang mangarap at matutupad ito kung matututo tayong maglandi este magpursige, magpahalaga sa kahit na konti o maliit na bagay na mayroon tayo at magtiwala sa sariling kakayahan.

Tulad ng isang barbel, isang maliit na bagay lang ito pero pwedeng pagsimulan ng inspirasyon na tutugon sa mga pangarap ni Eric.

Sa mga pangarap ko.

Sa mga pangarap mo.

O sa pangarap ninuman.



WAKAS

No comments: