Tuesday, July 5, 2011

Alias

I noticed na bago na pala akong panganak dahil bago narin ang aking ALIAS. Pero sino ang malas na nag-ire sa akin sa pangalang KIAN DE LA CUESTA? hmmm

Malamang naaamoy na ng aking kapatid ang kakaibang pangalan na ginagamit ko sa aking mga panulat maging sa mga social networking sites na sinasalihan ko kaya iniba ko ito. Naaalala ko pa nga noong nasa MRT station kami at nagmamadali dahil manonood kami ng concert ni Aiai Delas Alas at guest si Sarah Geronimo na fan na fan ang aking shupatid, merong discreet gay na nasa likuran namin at medyo sinisigaw ang pangalan ko. Kian! Kian! Kian Den De Guzman! Para akong walang naririnig kasi kasama ko ang aking shupatid na babae. Hindi ko talaga siya nilingon pero ang ate ko parang naaamoy nya na ako ang tinatawag ni bading! Wapakels! Hindi ko talaga siya nilingon. Echuserang frog na un! Ibubuking pa ako sa ate ko eh hanggang ngaun nagtatago parin ako sa cabinet. haha!

Mabalik tayo sa pangalan ko, simula ng mauso ang text, chat sa cellphone, friendster at GEB, nakilala ako sa pangalang "KIAN" dahil noong mga panahong iyon sikat ang WESTLIFE at peborit ng inyong lingkod ang member na si Kian. Kaya doon ko isinunod ang aking namesung! Den naman ang tawag sakin ng aking auntie na nasa States. At De Guzman dahil kalove team ni Juday (Peborit actress ko) si Wowie! hahaha! Ansaya saya noh? LOL

At dahil nga pakiramdam ko naaamoy na ang aking ALIAS sa bahay, binago ko ito. Uso na rin si Piolo noon. Laos na si Wowie so dapat ko na talagang palitan ang aking apelyido. Dapat lumelevel up din. Wala namang kinalaman kay piolo ang bago kong apelyido, hindi ko na rin alam kung saan ko nakuha, parang tunog surname siya ng isang athlete sa track and field. Hayaan nyo na nga. Mapapagod lang ako pagiisip.

So simula ng mauso ang facebook, KIAN DELA CUESTA na ang ginamit kong pangalan. Hindi ko narin masyadong pinapansin ang Friendster noon. Feeling ko kasi simula ng maglevel up ang pangalan ko, naisip ko na dapat ko naring iwan ang friendster na natalbugan ng bongga ng facebook. Right????

No comments: