
GLOBE CYBERKADA CLAN (ELITES)
"PINTUAN NG KATOTOHANAN"
Featured Story No.1
Kuya Kian, itago mo nalang ako sa name na "LIGAYA". Ligaya dahil sa totoo lang naging masaya naman ako sa GCC. Noong una libangan lang ang hanap ko pero sa dami ng nagtetext sakin napabayaan ko na pagaaral ko. Naging simula iyon ng pagabsent ko sa school at pagtakas ko sa bahay. Cguro pagrerebelde ng matatawag yun kasi kapag nasa bahay ako pakiramdam ko sampid lang ako. May bago ng kinakasama ang nanay ko at may tatlo akong kapatid sa ina. Ang stepfather ko naman lasenggero at minsan binabastos ako. Nanay ko naman walang pakialam sakin hindi nya alam na nagdadalaga na ako. Marami ng pagbabago ang nangyayari sakin at tulad ng ibang kabataan, minsan naiinggit ako sa iba na may maayos na pamilya.
Hindi ko makakalimutan ng minsang pagtangkaan akong pagsamantalahan ng tiyuhin ko. Andami kong iyak pero dahil sa takot na hindi ako paniwalaan ng nanay ko, hindi ko nalang sinabi. Sa school ko natatagpuan ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko din sinasabi sa kanila. Ayaw kong malaman nila na ganun ang pamilya ko. Hanggang sa malaman ko sa isang kaibigan ang clan. Marami nga daw ako magiging kaibigan. Maraming makakausap at masaya daw. Ako naman sumali din, ikaw pa nga kuya ang unang nagentertain sa akin noon at nagbigay ng form. Hanggang sa iyon na nga dumami ang kaibigan ko sa text. Tapos nakilala ko si Carlo (hindi tunay na pangalan).
Si Carlo. Siya ang unang nagpatibok ng puso ko. Dalawang beses lang ako umattend ng GEB at dun ko siya nakita. Nagtext kami sa isa't isa at habang tumatagal naging ok ung samahan namin sa text. Hanggang sa nagdesisyon kaming magkita na hindi alam ng mga kaibigan ko. Hindi din alam ng GCC un. Inaya nya ako sa bahay nila. Noong una ayaw ko dahil nakakahiya sa pamilya nya pero sabi nya wala daw tao sa bahay nila. Dahil gusto ko din naman si Carlo sumama ako. Noong una nagkukwentuhan lang kami sa bahay nila, naghaharutan hanggang ayain na niya ako sa kwarto nya. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya kahit nagtatalo ang puso't isip ko. Siya ang unang lalakeng nakakuha sakin. Naulit pa un ng naulit. Nagagawa namin un kapag walang tao sa bahay nila. Minsan umaabsent ako sa school para lang makipagkita sa kanya. Minsan naman tumatakas sa bahay.
Dumating ung time na nagquit ako sa GCC. Natakot ako na malaman nyo na buntis ako. Hindi ko hinayaang lumabas ang totoo na nagbunga ang kapusukan namin ni Carlo. Ang masakit pa dun gusto ni Carlo na ilaglag ko ang bata nung sinabi ko sa kanya ang aking kalagayan. Hindi paraw siya handang maging ama at sa katangahan ko naman pumayag ako. Isang linggo akong hindi umuwi. Sa kaibigan ni Carlo ako tumuloy. Itinago muna nila ako. May pinainom sakin si Carlo na gamot. Nung una ayaw ko talagang gawin pero naisip ko bata pa ako at hindi pa panahon na magkaroon ako ng anak. Kaya ginawa namin ang hindi dapat gawin. Dinugo ako. Nahulog ang sanay batang mabubuo sa sinapupunan ko at sa tulong ng barkada ni Carlo naitago namin ang lahat. Bumalik ako sa bahay at tulad ng dati, sermon lang ang inabot ko kay nanay. Walang pakialam sakin ang nanay ko, iyon ang totoo at isa un sa mahirap tanggapin.
Dahil nga nagstop na ako sa pagaaral ko, umuwi ako sa probinsiya ng tatay ko. After ng nangyari sa akin hindi narin nagparamdam si Carlo. Nalaman ko nalang meron na siyang iba sa GCC. Nalaman ko ang lahat dahil kahit quit na ako sa clan marami paring nagsesend ng GM sa akin. Masakit na ang taong pinag alayan mo ng lahat e bigla ka nalang tatalikuran pero kailangan kong tanggapin un.
Ngaun nandito ako sa poder ng tatay ko. Masasabi kong ok naman ang kalagayan ko ngaun sa kabila ng mapait na karanasan sa buhay ko. Hindi ko maaaring sisihin ang GCC sa lahat ng nangyari sa akin kasi kagustuhan ko naman ang nangyari. Masaya sa clan totoo un. Marami kang magiging kaibigan pero konti lang ang taong iyong masasandalan kapag nasa gipit ka ng kalagayan. Nagpapasalamat din ako sa GCC dahil sa inyo naging matatag ako. Salamat sa mga naging kaibigan ko, at sa iyo Carlo, kung mababasa mo ito alam mong ikaw ang nasa kwentong ito. Hindi na kita sisisihin dahil alam ko na hindi ko na maibabalik ang buhay ng batang pinatay natin na sana ay anak natin ngaun at inaalagaan.
Oo, nadapa ako dati, pero magkaganun man ang mahalaga nakabangon ako at patutunayan ko sa sarili ko na makakaya kong makabuo ng isang masayang pamilya sa kabila ng dilim ng nakaraan.
Kuya Kian salamat.
No comments:
Post a Comment