What to do yani?
Madalas yan ang nasasabi ko kapag
wala akong magawa sa office at nangingiti lang si Bangali sa akin. Kung
tutuusin para akong senorito dito sa trabaho ko. Kapag gusto ko ng kape or tea,
ipagtitimpla ako. Kapag gusto ko ng tinapay, ibibili ako sa bakery. Kapag
naubusan ako ng load, ibibili ako ng recharge card. Kapag kailangan ko ng taxi,
siya ang tatawag para sa akin at nang minsang nalimutan ko ang ipad2 ko sa
office, isang tawag ko lang, kahit off duty na siya, dinala talaga nya sa bahay kahit medyo
malayo-layo rin ang tirahan ko.
Basta kapag may kailangan ako
kahit tirik na tirik ang araw, anjan si Bangali para sundin lahat ng utos
ko. Hindi ko na kailangang lumabas pa ng
opisina. Taray diba? Kaya I’ll make sure
na kapag kukunin ko na ang sahod ko sa boss ko, dapat may sahod din si Bangali.
Malas lang talaga ako pagdating
sa ulikba kong boss. (Patawarin ako sa mga susunod ko pang sasabihin, hahaha!).
Kahit nasa kanya na ang pera pambayad sa lahat ng bills namin dito sa office,
ayaw nyang ibayad. O diba may pagkatanga? Gusto pa yata magpapicture hawak ang
perang bigay ni Sheikh o di naman kaya, gagastusin muna nya sa pagpapa-lypo or
pagpapableach ng maitim nyang balat. Kaya eto kami ngaun, putol ang linya ng
telepono, internet, maging tubig namin walang tulo!
Kalurki!
Mukha kaming kawawa dito sa
office dahil sa katangahan ng boss ko. Wala naman akong magawa kundi i-follow-up
nalang at magpaka-angel kunyari kapag kausap ko sa phone baka sakaling maawa at
bayaran na lahat ng bills namin. Ang plastic ko talaga but it works! Binayaran
niya ang tubig at telepono namin except internet! Shit talaga! Katwiran nya,
wala kaming project ngaun kaya di namin need ang internet at i-oopen lang nya
ito once na nakareceive kami ng info sa client na magstart na ulit ang project
sa port.
So, habang mega wait ako sa info
para maopen ang internet connection namin, lahat ng files ko inupdate ko. Lahat
ng klaseng paglilinis sa loob ng opisina ko, ginawa ko. Nagtapon ako ng mga
papel na hindi na kailangan, inayos ang mga supplies, ang mga folders at
business cards inilagay sa dapat kalagyan. Nagawa ko rin ayusin ang lahat ng
files ko sa PC, naglagay ng backup sa drive D. Lahat ng pwede kong magawa dito
sa office na hindi kailangan ng internet, ginawa ko.
Pagdating ko sa bahay, abah!
Nagkaron ng extension. Parang ung katawan ko gusto pang magayos at maglinis.
Kaya tuloy lahat ng papeles ko, naayos din at napagsama-sama. Kinabukasan, un
naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Lahat ng papeles ko, iniscan at inisave sa
hard disk ko. As in lahat-lahat para kapag kinailangan ko ulit, madali ko
mai-email.
Kahapon, nagkaron ako ng chance
na makita si Sheikh, amo ni ulikba, business partner naman ng sponsor ko. Buti
nalang may dumating na cheque kaya pinapunta ako sa bank. Pagkaabot ko ng
cheque sinabi ko na putol parin ang linya ng internet namin at di parin
binabayaran ni ulikba. Hindi ko na kasi matiis. Miss ko na kasi mga kalandian
ko sa Facebook, YM, at Twitter. Kaya kahit pagalitan ako ni ulikba dahil
nagsumbong ako, wapakels! Hahahaha!
Halos kababalik ko lang sa office
ng tumawag si ulikba. Tinatanong kung magkano ang babayaran namin sa internet.
Bwahahaha! Napangiti ako. Malamang nasabon ni Sheikh! Pasalamat siya at hindi
ako nagsumbong sa sponsor ko na may-ari ng kompanya. Kasi kung ginawa ko un,
malamang nasabon din siya.
On the other hand, mabuti nalang
din at naputulan kami ng internet pansamantala, at least nagawa ko lahat ng
dapat kong gawin at naayos ang dapat kong ayusin dito sa opisina. Hehe! May
advantage din naman pala ano?
Lulubusin ko na ang pagka-mean ko
today. Minsan lang ‘to promise! Wish ko
lang kasi na sana, hindi na maputol internet connection namin. Mas bongga
siguro kung sungay si ulikba ang tuluyang maputol para naman umayos siya. Wala
kasi sa wisyo palagi! Maitim at mataba na nga, may pagka-shunga-ers pa!
Hays…..
Sorry naman!
No comments:
Post a Comment