Tambayan ko ang Turkish
Restaurant kapag umaatake sa akin ang homesick. Sanay naman akong mag-isa sa
buhay pero sadyang hindi maalis ung ganitong pakiramdam na minsan nangungulila talaga
ako sa mga mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas. Ibang-iba talaga ang buhay
kapag nasa gitnang silangan ka. Lahat kasi ng kilos mo kontrolado, hindi
katulad sa atin na meron tayong tinatamasang demokrasya. Kaya kahit anong gusto
nating gawin, magagawa natin.
Marami narin akong mga naging
kaibigan dito. Sa mahigit dalawang taon ng pagtatrabaho ko dito sa Middle East,
marami talaga akong natutunan. Natutunan kong maging palakaibigan hindi lang sa
mga kapwa ko Pinoy kundi maging sa ibang lahi narin na nakikita, nakakasama at
nakakasalamuha sa loob at labas ng aking trabaho. Pakiramdam ko, kailangan ko itong gawin para
kahit paano ay maibsan paminsan-minsan ang pangungulila sa puso ko.
Kung may nakakatawa man sa aking
sarili ngaun dito sa M.E., iyon ay ang pagkain ko ng shawarma. Sa totoo lang
noong nasa Pilipinas ako, kahit merong restaurant na nagtitinda ng shawarma sa
tapat ng aming tindahan, never ko itong
tinikman. Mas concern ako sa cute na boylet na waiter na nagtatrabaho doon at
mas gusto ko pa yata siyang tikman kesa sa shawarma. Lol! Kidding aside, dito
lang talaga ako natutong kumain ng shawarma. Siguro dahil wala naman kasing
masyadong pagpipilian dito at isa pa, very affordable naman kaya swak na swak
pantawid gutom. Hahaha!
Madalas mga kaibigan kong pinoy
ang kasama kong kumain dito. Pero kapag senti ako at gusto kong mapag-isa,
limang kembot lang nasa Turkish Restaurant na ako. Oorder ng big shawarma at sisimulan ko na ang pagbibilang ng mga
gwapong Omani at foreigner na papasok at lalabas sa restaurant.
Minsan sinuswerte, maraming gwapo
kaya bukod sa nabusog ako dahil sa malaking shawarma na kinain ko na
nagkakahalaga ng 700 baiza na katumbas ng P79 sa pera natin, busog rin ang mata
ko at naligayahan ako. Pero minsan bokya din naman! Kaya ayun, uuwi akong
mabigat parin ang pakiramdam. Hahaha! Madalas ganyan lang ang ginagawa ko
habang nakatambay. Pampaalis ng homesick kumbaga at take note, more than two
years ko ng ginagawa yan. Lol!
Pero kanina, parang nag-iba ang
ihip ng hangin. Napansin ko parang mas sumarap ang shawarma nang tikman ko.
Hindi ko na nga nagawang magbilang ng gwapo na kalimitan kong ginagawa. Mas
naging concern na ako sa shawarma ngaun. O diba? Totoo! Totoo talaga! Promise! Ewan
ko ba?!
Nang hawakan ko naman, ganun
parin kalaki kaya nagtataka talaga ako kung bakit mas sumarap. Naisip ko tuloy,
ganun ba talaga un? Mas masarap kumain ng shawarma kapag nasa loob ng kotse? Kaya
sabi ko kay Salem, bukas ulit ha? Sunduin mo ulit ako. :)
No comments:
Post a Comment