Ilang tulog nalang at birthday ko na. Pinaka-memorable sakin eh last year when i celebrated it with my friends in United Arab Emirates. Nataon kasi noon na magkasunod ang eid holiday at national holiday sa Oman so i had the chance na magbakasyon at mabisita sila especially my only brother who is working in Dubai. Medyo mahaba-haba rin kasi ang bakasyon kaya sinulit ko na.
At dapat sana ay makakasama ko siyang magcelebrate on that very special day but unfortunately, he was there in Abu Dhabi for the Architecture Board Examination. So, late na namin naicelebrate ni Kuya at ng wife nya ang birthday ko. Double celebration naman kaya bung-ga! Lol!
At dapat sana ay makakasama ko siyang magcelebrate on that very special day but unfortunately, he was there in Abu Dhabi for the Architecture Board Examination. So, late na namin naicelebrate ni Kuya at ng wife nya ang birthday ko. Double celebration naman kaya bung-ga! Lol!
Memorable, kasi that was the first time na merong nagbigay sakin ng cake. At si friend Paris un. Gusto kasi talaga nya na maging masaya at memorable ang birthday ko. Kaya super love ko ang kaibigan ko na un.
Ang babaw ko no but yes, it's true. Hindi lang halata sa personality ko pero walang drawing 'yan. Sa buong buhay ko yata, wala akong maalala na may nagbigay sakin ng cake sa birthday ko until before 2010. Ako lang 'yung madalas na bumibili para sa sarili ko tapos ipapakain sa mga saleslady at boy sa furniture shop namin. Syempre may kasamang pancit malabon un o kaya naman ay palabok. Lol!
Ang nanay at tatay ko kasi nasa province kasi andun ang work nila, si kuya naman nasa abroad at si ate lang ang madalas kong kasama kasi kaming dalawa ang nagmamanage ng business. Siya ung pinakamalapit sakin pero dahil may pamilya narin siya at magkahiwalay rin kami ng tirahan, tumatawag lang siya sa telepono para batiin ako at sabihin na kumuha nalang ako ng pera sa kaha para panghanda sa birthday ko. O’ diba ansaya? Masyado kasing focus un sa pagpapaunlad ng aming tindahan.
So, madalas kapag sumasapit ang birthday ko, nauubos lang ang oras ko sa mall. Nililibang ang sarili at wala talaga akong matawag na kaibigan. Ang mga kaibigan ko lang noon, e di mga tauhan lang din namin sa tindahan, eh hindi ko naman sila maisamang magmall dahil may mga trabaho silang dapat gawin.
Sa totoo lang, bata palang ako nakakulong na ang buhay ko sa isang maliit na lalagyan. Sa isang maliit na kahon na doon lang dapat sa apat na sulok iikot ang aking mundo. Kung ano ang tama, un ang dapat mong gawin. Kung ano ang iutos, iyon dapat ang susundin. Kung ano lang ang kailangan, iyon lang ang dapat bilhin. At kung ano lang ang meron na nakahain sa harapan mo, iyon lang talaga. Dapat mo itong tanggapin, makuntento ka at huwag ng maghanap pa. Bawat galaw talaga, dapat may disiplina.
Kaya bata palang ako, kahit pancit at tinapay lang ang handa sa birthday ko, ok na sa akin. Masaya na ako. Wala talagang cake o bonggang party. Parang ordinaryong araw lang din na magkakasama ang buong pamilya sa hapag-kainan. Un nga lang nadagdagan ng fried chicken. Tapos may pancit kasi sabi ng nanay ko, pampahaba raw iyon ng hmmmm………. buhay!
Until I realized na ibang-iba pala talaga ang buhay ko sa mga taong nasa labas ng kahon na iyon. Ang sakin napasimple. Sobrang PAK! lang este payak kumpara sa ibang tao. Hindi ko talaga naiwasan na magisip habang nasa gitna ako ng kasayahang aking nadaluhan. Hindi sa naiinggit o kung anupaman kundi nakita ko ang ibang mukha ng buhay, kung paano nila ito binigyan ng kakaibang kulay at kung ano ang naging epekto nito sa kabuuan ng kanilang pagkatao. Wow! Pagkatao talaga. Chos!
Meron lang talagang bumabagabag sa akin pagkatapos noon. Naisip ko, kailangan ba talaga ang cake kapag may birthday para sumaya? Kasi nga hindi namin nakaugalian un. Hahaha!
So, noong time na kumikita na ako para sa self ko, bumibili na ako ng cake kapag birthday ko. Hindi ko alam. Baka nakikiuso lang ako hahaha! Pero hindi eh. Naramdaman ko kasi na masaya pala lalo na kapag nakikita ko ung mga saleslady at boy namin na sarap na sarap kumain sa binili kong cake. Minsan nga kapag pakiramdam ko sad ako, kumakain lang ako ng cake, masaya na ako. Haha baliw diba?
Pero iba kasi ung pakiramdam kapag ikaw na ung binigyan ng isang bagay na alam mong napakasimple lang, napakababaw lang, napaka-common, na kayang-kaya mong bilhin pero for the first time in your life, merong isang tao na nag-abala at nakaisip magbigay nito para sayo. Tapos alam mo un, nasanay ka na sa maraming taon na ikaw lang ang bumibili nun para sa sarili mo at sa mismong birthday mo pa na isang beses lang dumarating sa bawat taon.
You know, in both ways ha (giving & receiving), there’s a certain feeling talaga of true happiness that you will remember for the rest of your life everytime na gagawin mo ‘to. But in my case, sobrang naapreciate ko talaga nung makarecieve ako ng birthday cake last year kasi most of the time naman ako ung nagbibigay. Pero hindi ko sinulat 'to ha para bigyan nyo ako ng cake sa nalalapit kong birthday. Lol. Kahit walang gift okey lang no? hahahaha!
So, I think we should always practice the christian act of giving to make people happy and let's enjoy it. Kahit ba maliit na bagay lang ‘yun basta alam natin na magiging masaya sila :)
Sabi nga ni twitter, “enjoy the little things in life because one day, you’ll look back and realize that they were actually big things.”
Kuha mo?????

No comments:
Post a Comment