Friday, June 20, 2008

"Baby"


"BABY"


Noon, akala ko sa radyo at telebisyon lang maririnig at mapapanood ang drama.
Wala pa akong alam sa mga nangyayari sa paligid. Pero nang matutunan kong
harapin at makisabay sa agos ng buhay dito ko nalaman ang itinatagong misteryo
ng ating mundo. Isang misteryo ng buhay na hindi ko akalain na darating ng mga
oras na iyon.

Gabi noon, pasado alas-11 ng gabi. Galing ako sa trabaho.
Nilalakad ko ang kahabaan ng street na un pauwi samin ng madaanan ko ang isang
malaking bahay.

Umaambon.
Tumatahol ang mga aso.

Nang di sinasadya nasulyapan ng aking mga mata ang isang basket.
Sa aking pagtataka, gumagalaw ito. At lalo akong nagulat ng makarinig ako ng isang
munting tinig..

Isang BABY.
Kaygandang baby.

Tila isang angel na umiiyak.
Nakabalot sa isang puting tela. Iginala ko ang aking paningin, walang katao-tao at sa
pagaakalang matutulungan ako ng malaking bahay na iyon, nagdorbel ako.

Isa.
Dalawa. .
Tatlo. . .
Apat. . . .

Kung hindi ako nagkakamali dalawanpo't isang beses kong pinindot ang buton na iyon
pero kahol ng aso lang ang sumagot sa akin.Wala akong nagawa kundi iuwi ang baby
sa aming munting tahanan.

Lumipas ang maraming taon, lumaki si baby na isang mabuting bata.
Itinuring namin xang isang tunay na kapatid. Mas binigyan ng atensiy0n, pagmamahal
at pagaaruga na kailanman ay hindi na nya mararanasan sa kanyang tunay na mga magulang.

Ngayon heto ako sa isang lugar.

Nakatayo...

Nararamdaman ko ang lamig na nanunuot sa kaibuturan ng aking kalamnan.
Ang hangin na humahalik sa aking mukha. Ang nakabibinging katahimikan..

Naalala ko tuloy. .

"uya, maanda b a-o?"
Ang tanong ni baby sakin..

"Syempre naman! Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kasi ikaw ang baby namin..."
ang wika ko sa kanya.

"uya, e-e mana a-o i-yo?"
ang sabi ni baby nung labing isang taon pa lamang xa.

"Hahaha! Ang baby ko tlaga. Mana ka talaga sakin. Bolero ako, bolera ka nman!"
ang natatawa kong sagot.

Napangiti ako. Marahan kong inilagay ang kumpol na puting rosas sa ibabaw ng puntod
ni baby. 0o, wala na xa. Namatay si baby dahil kinakailangan xang operahan noon dahil
nagkaron ng kumplikasyon sa kanyang karamdaman. Bata palang kasi meron na xang
sakit. Pero ganunpaman ang nangyari, mananatili sa puso namin si baby dahil sa ligayang ibinigay nya sa aking pamilya. Hindi man namin xa kadugo, hindi man nya naramdaman
ang pagmamahal ng tunay na magulang, alam ko na masaya xang lumisan baon ang
pagmamahal na buong puso naming ipinagkaloob sa kanya. .

No comments: