
"BANGKA"
Naglakbay ang diwa ng isang makata
Habang nakasakay sa maliit na bangka
Hagupit ng alon sa puso'y nagbabadya
Hindi maiwasang sa mahal ay mangulila.
Sa lakas ng hangin ako'y napasinghap
Nalasahan sa labi ang tubig sa dagat
Tunay na kay alat ang dulot sa puso
Kapag di nakikita ang iyong kasuyo.
Sa tagal ng pagduyan sa bangkang sinasakyan
Hindi ko maiwasan na mapaisip ng lubusan
Sadya bang ang pag-ibig ay dapat dumaan
Sa mga pagsubok na inihain ng ating kapalaran?
Sabagay...
Ang pag-ibig talaga ay parang bangka sa karagatan
Na kailangang dumaan sa mahabang paglalakbay
Dahil doon siya titibay, Dahil doon siya tatatag
Matututong maghintay sa pag-ibig na wagas.
Dumaan man ang ulan, dumaan man ang bagyo
Sa nais na daan doon siya tutungo
At kung sakaling maglayag ang puso kong nangungulila
Sana sa pagdaong ko....
Ikaw parin ang naghihintay na sa akin
ay kakalinga...
No comments:
Post a Comment