Sunday, July 31, 2011

The Land of Oman



Sa buong mundo, iisang bansa lang ang nagsisimula sa letrang "O" kaya minsan hindi ito napapansin ng karamihan. Ilan narin ang nakachat ko sa Facebook at YM at kapag tinatanong nila ang location ko, hindi nila alam kung saan ang OMAN. Sinasabi ko nalang na sa Middle East ito at nasa pagitan ng Dubai at Yemen. Oh well, ganun talaga kapag tahimik at maliit na bansa, hindi nababalita :)

"Kuya, may nakilala akong Sheikh dito sa Oman and he's looking for a Filipino daw na willing magwork sa new company niya. Eh ikaw lang naman ang naiisip ko sa mga cousins natin na alam kong highly qualified sa position at hindi ako mapapahiya. Cge na, magwork ka na dito," ang pagpupumilit ng aking pinsan habang kausap ko sa telepono.

"Eh, teka lang. Hindi pa ata ako ready mag-abroad. Pagiisipan ko muna haha!" ang sagot ko naman sa kanya.

Tawa ako ng tawa sa pinsan ko. Bata palang kasi kami napakataas na ng expectation nya sa akin. Siguro dahil nakikita nya noon ang mga nakukuha kong awards kapag recognition or graduation day sa school. Pero nang makagraduate ako ng college hindi ko naman nasungkit ang pagiging Cum Laude at siya pa nga ang unang naging Cum Laude sa aming angkan, at sa UP Diliman pa ha? Kaya ako talaga ang proud na proud sa mga achievements nya.

Masaya naman ang buhay ko sa Pilipinas. Gimik dito, gimik doon. Gala dito, gala doon. Landi dito, landi doon. LOL! Nakakaangat rin naman ang pamilya namin kumpara sa iba. Sa totoo lang lahat ng gusto ko, nabibili ko naman. Sabi nga ng ibang kaibigan ko "rich" daw kami kaya kahit hindi ako magtrabaho, mabubuhay parin ako dahil ako ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian at negosyo ng pamilya. Tinatawanan ko lang sila. Simple lang kasi talaga ang buhay na ipinamulat sa amin ng aming magulang. Kung makikilala nyo ako sa personal, napakasimple kong tao at kung pakiramdam ko nasa itaas ako, agad akong bababa para sayo at kung ikaw naman ang nasa itaas ko, patuloy akong magpapakumbaba. Hindi talaga ako mayabang kasi nagsimula din naman kami sa wala.

Ilang araw ang lumipas, napapayag din ako ng aking pinsan. Naisip ko, tama na ang pageenjoy sa buhay. Dapat ko ng seryosohin ito. Kaya kahit may pagaalinlangan ako, gora ang lola nyo! Wala naman akong naging problema sa immigration sa pinas, kahit visit visa lang ang hawak ko at medyo naghihigpit sila, madali akong nakalusot. Paano pa't naging si Kian ako kung hindi ko gagamitin ang aking karisma. Alam yan ng aking mga lola char! May mga kasabayan ako na nahold sa immigration dahil visit visa rin sila. Naisip ko nalang namagnet ko lahat ng swerte at sila ang minalas na hindi nakalusot. Maaaring hindi kumpleto ang kanilang dokumento kaya hindi sila pinatuloy.

So, fly muna ang lola nyo sa Hongkong. Uso pa noon ang SARS kaya mega takip ako ng ilong at bibig sa tuwing may umuubo sa paligid. LOL! Tapos derecho na ako sa Dubai. 1 month akong naglandi este nagpakasaya sa Dubai habang inaayos ang aking working permit sa Oman na kalapit bansa nito. Andun naman kasi ang kuya ko kaya naenjoy ko ng bongga ang aking pagstay doon. Kung itatanong nyo sa akin kung may nakatrip ako sa Dubai, malaking check ang makikita nyong billboard sa guadalupe. Nike un, NIKE!!!! Tsaka na ang kwento sa mga yun. Basta ang pinakabongga sa Dubai Airport. Yun na yun! Abangan nyo un. hahaha!

To make the story short, nakarating ako ng Oman.

First day ko palang sa Oman, naappreciate ko na agad ang physical features ng mga local. Matangkad, matangos ang ilong, malalantik ang pilik mata, balbon, may maputi at medyo maitim. Para akong nababato-balani sa kanila, napapatitig talaga ako lalo na sa mga gwapong Omani. Pwedeng-pwede silang artista sa Pilipinas kung looks lang talaga ang pag-uusapan. May Omani na nga agad na nahumaling sa aking kagandahan. Lol! Gusto ba namang samahan ako sa hotel at doon matulog. Tabi raw kami. In fairness, may hitsura naman si Omani. Pasado, pero hindi pwede. Barkada siya ng magiging officemate ko. Mamya, i-chikka pa ako. Huwag na lang.

3 nights akong umiiyak sa hotel. Nakakalungkot kasi. Wala akong makausap bago matulog. Mega cry talaga ang lola nyo. Nilampaso ko nga si Judy Ann sa URIAN best actress eh. Sanay naman akong mag-isa pero hindi naman ganito na wala akong kakilalang Pinoy. Basta susunduin lang ako sa hotel, papasok sa office, tapos ihahatid ulit sa hotel. 2 weeks na ganun ang eksena bago ako ilipat sa accomodation. Tapos mag-isa parin pala ako doon at lahat ng nakikita ko sa labas eh Pakistani at Indian. Asan ang mga Pinoy????

Mabuti nalang at tinatawag-tawagan ako ng pinsan ko at tinuturuan kung ano ang aking mga dapat at hindi dapat gawin. Nasa ibang bansa nga pala ako kaya dapat alam ko ang mga rules nila dito. Ilang linggo rin ang lumipas ng magkaroon ako ng mga kakilalang pinoy at bawat makita kong pinoy binabati ko talaga para maging kaibigan ko. Naging friendly nga ako noong mga panahon na iyon kahit hindi ko naman talaga ugali ang bumati sa mga hindi kakilala haha! Pero naisip ko kailangan ko yun. Mababaliw ako pag wala akong kakilalang pinoy dito.

Masasabi kong napakakonserbatibo ng mga tao sa lugar kung saan nandito ako ngayon. Magkahiwalay ang lugar para sa babae at lalake. Hindi mo pwedeng titigan ang mga babae o tabihan sa pampublikong lugar. Hindi mo pwedeng ihagis o punitin ang pera nila. Bawal ang alak. Bawal magsalita laban sa kanilang sultan. Bawal kumain sa kanilang harapan kapag panahon ng Ramadan. Bawal magnakaw. Bawal magsuot ng maiigsi na halos kita na ang singit at dibdib. Bawal ang kalaswaan at bawal ang babading- bading. Ouch! Haha! Basta marami pang bawal. Sigurado kapag ginawa mo ang mga bagay na yan, sa kulungan ang bagsak mo.

Maganda kung tutuusin ang Oman. Malayo sa traffic at ingay ng ciudad. Swak na swak sa mga taong gustong magbakasyon na naghahanap ng katahimikan ng loob, kapayapaan ng isip, sa mga taong naguguluhan, sa mga taong naghahanap ng kasagutan. Sa mga taong nabigo sa pag-ibig at sa kanilang buhay. Yayakapin ka ng ganda ng kapaligiran at iingatan ng kanilang kultura at tradisyon.

Gustong-gusto ng mga turista dito kasi nagaanyaya ang mga mabatong bundok para iyong akyatin, ang mga falls at beaches na parang paraiso sa iyong paningin, ang mga camel na gusto kang kaibiganin, ang mga ibon na sumasabay sa iyong paglalakbay, ang mga bangka na naghihintay para ikaw ay isakay at dalhin sa kweba ng mabatong dagat, sa napakalawak na lugar na buhangin lang ang iyong matatanaw na parang nagsasabing ganito kalawak ang oportunidad na naghihintay sa iyong buhay. Napakayaman.

Dalawang taon na pala ako dito. Matatapos na ang aking paglandi este kontrata. Alam ko maraming oportunidad ang maaaring naghihintay sa akin sa labas ng Oman. Mga oportunidad na pwedeng makapagbigay sa akin ng mas higit na magandang buhay sa hinaharap. Ngunit paano ko ba lilisanin ang napakagandang lugar na ito? Kahit probinsiya ang lugar na aking kinasadlakan, napamahal na ito sa akin at sa tuwing iniisip ko na uuwi na ako o lilipat ako ng bansa, nasasaktan ako.

Alam nyo ba kung bakit?

Kasi alam ko, kapag nangyari iyon, mayroong maiiwan at ito ay aking......





PUSO :)


Saturday, July 30, 2011

Kulang Ako Kung Wala Ka



Heto na naman ako. Naguguluhan. Nagiisip. At kapag ganitong nalulungkot ako, asahang matatagpuan nyo ako sa mga titik at salitang mabubuo sa blog na ito. Kapag nalungkot ka rin, ibig sabihin nun, naramdaman mo ako, malaya mo akong pinatuloy sa puso mo at doon mismo ako'y iyong kinalinga. 


Salamat kaibigan.


Nagsimula akong malungkot kagabi. Nakatanggap kasi ako ng message sa fb ko galing kay Jerwin, sa ex ko. Kahit almost 3 months na kaming hiwalay ngaun, nagkakachat parin kami. Syempre kahit paano nilalagyan ko ng konting pader sa pagitan naming dalawa dahil hindi na kami katulad ng dati. Pero kagabi, hindi ko alam kung bakit pahapyaw nyang sinabi ang nasa loob nya...

Jerwin: :(

Me: Oh bakit?

Jerwin: Wala lng. naiiyak lng aq

Me: Bakit nga?

Jerwin: Basta. :(

Me: Asus, tell me. Maybe i could help you to ease the pain

Jerwin: :( kpg nmatay b aq mamimiss mo aq?

Me: Oo naman. Please don't say that. Ano ba problema mo?

Jerwin: Gusto q n kc mamatay e. auq ng gnitong feelings

Me: Ano ba nararamdaman mo?

Jerwin: Feeling q naiiwan n aq ng civilization

Me: Haha! Bakit naman? Nasa trend ka nga eh nakatwitter ka. hehe

Jerwin: ndi un. kc lahat nka move on n. aq ndi p. :(

Me: Hindi ka pa nakakamove on sa akin? eh di ba ikaw ang bumitaw sa atin?
(Gustong-gusto ko sabihin na ako rin naman hindi parin totally nakakamove-on pero hindi ko ginawa)

Jerwin: Basta.

Me: Tell me.

Jerwin: Basta...

Me: Ok. Ikaw ang bahala kung ayaw mo sabihin. I'm just trying to help you.
(Pero naisip ko paano ko nga siya tutulungan kung maaaring ako ang dahilan di ba? Yun eh kung ako nga ang dahilan, kasi matagal narin kaming wala, malay ko ba kung may iba na siya. Hindi ko rin alam at hindi ko tinatanong)

Jerwin: salamat n lng. tnx s concern

Doon natapos ang conversation. Ganun naman si Jerwin. Hindi lahat sinasabi. Para bang takot malaman ng iba ang tunay nyang nararamdaman at naiintindihan ko naman yun. Kaya nga pakiramdam ko minsan, hindi ko pa siya lubos na kilala, parang meron parin siyang tinatago sa akin. Obviously, magkaiba talaga kami. Kasi open book ang buhay ko sa mga kaibigan ko at sa mga taong nakakakilala sa akin na ganito ako. Anyway, kahit hindi ko man aminin, alam ko sa sarili ko na apektado parin ako kapag siya ang involve. Oo, aaminin ko magaling akong magtago ng nararamdaman kapag kailangan. Minsan nga dinadaya ko pa ang sarili ko pero sa huli ako parin ang nasasaktan, ako parin ang talo.

Mati-trace kahapon sa fb status ko si EMOng. Pero pinipilit kong maging malakas sa bawat salitang binibitawan ko. Minsan pakwela. Ganun ako eh. Ganun ang personality ko. Gusto ko malakas ako, matapang, malupet pero ang totoo, sinusubukan ko lang lumaban at maging positibo sa lahat ng oras at pagkakataon. Sa kabilang banda, sinisiguro ko na sa bawat fb status na ibinabahagi ko sa lahat, nakalagay ang puso ko doon para sa katotohanan.

Bigla nalang naisipan kong buksan ang Fb page ni Jerwin. Tiningnan ko ang lahat ng nakapost doon. Feeling ko malungkot nga siya. It shows sa mga kantang inilagay nya doon. One last cry, Do i have to cry for you, Miss you like crazy, i'll never go, Thank you for loving me at ang pinakagusto nya, ang bagong kanta ni Erik Santos na hinanap ko sa youtube pero hindi ko makita ang music video. Ang title, Kulang ako kung wala ka. Sinearch ko rin ang lyrics at parang nanunukso ang bawat titik nito.

KULANG AKO KUNG WALA KA

Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
Ay laging hanap ka

Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko
Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na

Refrain :
Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Nag-iisa sa bawat sandali
At tila ba biglang nahati ang aking gabi
Umaasa na sana’y maging tayong dalawa muli
Sa puso ko’y wala kang kapalit

Kung gusto nyong mapakinggan, anjan ang link sa ibaba. Click nyo nalang.
http://swift.fm/#!/kiandelacuesta/swift/132433/

Kahit may konting kilig dahil umaasa ako na patungkol sa akin ang lahat ng iyon, (kasi nga malay natin meron siyang iba) nalungkot parin ako. Gusto ko kasi masaya siya. Gusto ko lahat ng nais nya, makuha nya. Gusto ko lahat ng pangarap nya, maabot nya. Kahit siya ang bumitaw sa relasyon naming dalawa, kahit hindi ko maunawaan kung bakit nangyari ang lahat ng ito, kahit pa may iba siyang mahal, hangad ko parin ang kaligayahan niya. Hinding-hindi ako magiging hadlang sa mga pangarap niya.

Hanggang ngaun hindi ko parin magawang isulat ang aming love story. Sa totoo lang, gusto kong isulat at ibahagi iyon sa inyo. Alam ko, maraming aral ang maaaring mapulot sa istorya naming dalawa na magbibigay ng panibagong pagasa sa mga taong katulad ko na umibig at nabigo pero sa tuwing sinusubukan kong isulat, nagaaway ang mga letra. Nagsasabunutan sila. Nagkukurutan sa singit. Nagsasampalan. Kaloka teh! Hindi mabuo. Hindi ko maisulat ang tamang salita. Siguro nga, hindi pa panahon. Masyado pang malalim ang sugat na nilikha ng aming biglaang paghihiwalay.

Alam ko darating din ang tamang oras para mabuo ang nais kong kwento para sa aming dalawa pero higit pa dun, naniniwala ako na darating ang pagkakataon na matatanggap rin namin sa aming mga sarili na wala na kami. Na, magpasalamat nalang kami dahil naranasan namin ang umibig at ibigin ang bawat isa kahit hindi ito lubos na nabigyan ng katuparan. Nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin na sadyang hindi perpekto ang mundo para ibigay ang lahat ng gusto natin sa buhay upang tayo'y lubos na lumigaya. Aw!

Tinutukso tuloy ako ni Juris ngaun...


Thursday, July 28, 2011

Azkals




Naku naman! Laban na naman ng Azkals vs Kuwait. Kahit disappointed ako sa first game, suportado ko parin sila dahil siyempre PINOY AKO. Ipinagmamalaki ko ang pagiging isang PILIPINO sa kahit anong lahi at kahit saan pa ako makarating na bansa. Ganyan kataas ang aking pagpapahalaga sa ating lahi. Sabi nga sa isang kanta, "Taas noo kahit kanino ang Pilipino ay Ako".

At dahil palaging nakataas ang aking noo, napagod at sumakit ang leeg ko. char!

Kaya kahit nahaharap sila sa kontrobersiya ngaun, sana ipagdasal parin natin ang 4-0. Pabor para sa Pilipinas. Kahit ito ay suntok sa buwan, huwag tayong mawalan ng pag-asa.

GO AZKALS! GO!

.

Kalandian












Kinikilig ako sa new friend ko dito sa Salalah. Sorry guys ha,
tinatamad akong magsulat today eh, mas gusto kong maglandi.

hahaha!

Sana may maisulat akong kwento about us in the next few days...


ABANGAN! :)

Wednesday, July 27, 2011

Elevator














Maaga akong nakatulog kagabi kaya maaga rin akong nagising. As usual, pagkagising nagunat-unat ng katawan. Nagbuhat ng dumbel, sit up, push up at jumping roupe para gumaan ang katawan. Ganyan ang aking daily exercise. Mga ilang minuto ang pinalipas ko bago naligo, nagbihis at pumasok sa trabaho. Hindi na ako nakakapagbreakfast sa bahay kasi minsan maaga akong sinusundo ni Prince.

Napakagaan ng pakiramdam ko kanina. Habang binabaybay namin ang daan patungong opisina, pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Buhay na buhay ang mga puno at halaman. Ang bermuda grass sa tingin ko lalong naging kulay berde. Marahil dahil sa isang buwan ng maganda ang panahon dito. Halos araw-araw umaambon at kapag nasa labas ka, mararamdaman mo ang napakabanayad na patak nito. Wala ring traffic dito at napakalinis ng paligid. Sa palagay ko, enjoy na enjoy sa Salalah ang mga turista na nandito ngaun. Oo nga pala, ilang araw nalang matatapos na ang Khareef Festival.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Taimtim kong pinapakinggan ang indian song na nakasalang sa cd player ng sasakyan. Dalawang buwan ko naring service si Prince at sa araw-araw na sinusundo ako nito, natutunan ko ng tanggapin ang kanilang musika na kanya palaging pinapatugtog. Maganda naman ang mga ito at sa totoo lang may paborito ako sa mga pinapatugtog niya. Promise! Hehe!

Bumaba ako ng sasakyan at tinungo ang elevator para pumasok sa opisina. Kumakanta-kanta pa ako.

"Ang ganda-ganda talaga ng umaga," naibulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko ng elevator bigla akong nabadtrip. Ang maganda kong mood ay napalitan ng inis. Kahit mag-isa lang ako sa elevator napapamura ako. Paano ba naman ang ganda-ganda ng umaga ko biglang ang sasalubong sa akin sa elevator ay amoy "ANGHIT!" Naiwang amoy sa loob ng elevator. Fuckshit talaga. Ano yun almusal ko?

Bakit ba kasi ang ibang lahi hindi marunong maligo? Nakakabadtrip. Kung umaamoy ang katawan nila dahil sa klase ng pagkain na ipinapasok nila sa katawan nila, eh di kumain o uminom din sila ng deodorant diba? Para balanse!!!!!!

Hay naku!!!!

Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

Ngayon, andito na ako sa office. Hindi ko alam kung paano ko tatanggalin ang inis na nararamdaman ko.

Help me guys! :)

Tuesday, July 26, 2011

Favorite Songs

Feeling ko ang bobo-bobo ko today. Meron kasi akong gustong isulat na kwento kanina pa pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kaya eto, nood lang ako sa youtube baka sakaling makakita ng inspirasyon. Hehe!

Share ko nalang sa inyo fave songs ko na cover ni Timmy Pavino. :)








Monday, July 25, 2011

Sayaw at Pag-ibig














Linggo kahapon. At dahil wala akong masyadong ginagawa sa bahay, naisipan kong buksan ang TV at manood ng TFC. Tamang-tama naman at magsisimula palang ang peborit ko na ASAP ROCKS. Production number palang talagang enjoy na enjoy na akong manood. Napapasayaw pa nga at napapasabay rin ako sa pagkanta. Tapos minsan napapapalakpak ako. Para akong baliw sa loob ng aking kwarto.

Naalala ko tuloy noong aking kabataan. Sa totoo lang jologs ako. Kasi mahilig ako sa mga artista. Pangarap ko rin na maging artista noon pero sa kasawiang palad, hindi ako biniyayaan ng mukha at kutis na pang-artista. Kaya ayon, nakuntento nalang ako sa panonood sa TV. Hanggang ngaun dala ko parin sa aking sarili na habang kumakanta at sumasayaw ang mga idolo ko, sinasabayan ko rin sila. Noon talaga wala akong pakialam kahit marinig o makita ng kapitbahay ang pinaggagawa ko. Katwiran ko, kahit man lang sa loob ng bahay namin, maging STAR ako! Star na walang ningning. LOL!

Minsan nga, humaharap pa ako sa salamin at tinitingnan ko kung magaling akong umiyak. Ginagaya ko kasi ang peborit kong si Judy Ann Santos pero bakit kapag umiiyak sya sa mga teleserye, maganda parin ang mukha nya kahit saang anggulo mo tingnan? Pero bakit ako kahit saang anggulo tingnan kapag umiiyak, ang sagwa-sagwa? Kaya ayun, binasag ko lahat ng salamin sa bahay. Charot!

Basta noon, gustong-gusto kong sumayaw. Pakiramdam ko kayang-kaya ko ang bawat galaw na nakikita ko at napapanood sa teatro, patimpalak sa fiesta at telebisyon. Kahit paano naman nabigyang katuparan ang lahat ng ito. Sa katunayan, bata palang ako sumasayaw na ako sa mga school programs. Hanggang sa mag-aral na ako sa kolehiyo, kasali parin ako sa ilang organisasyon na humahasa sa bawat talento namin.

Nakapagperform narin ako sa harap ng maraming manonood at nanalo narin sa ilang patimpalak. Hindi ako kontesera ha? Minsan kasi napapakiusapan ng Professor at dahil alam ko naman na may talent ako, gora ang lola nyo! Feel na feel ko pa naman ang mga folk dances lalo na ang mga ethnic churva nayan. As in feel na feel ko na mukha akong native African na parang kinulayan ng itim na tinta ang buong katawan tapos parang igorot ang sayaw! Shit! Trip na trip ko yun! Para lang akong nasa ati-atihan festival ng Aklan, Sinulog festival ng Cebu at Masskara festival ng Bacolod.

Pero minsan mahirap rin pala ang sumayaw lalo na noong matuto akong umibig. Ang inaakala kong 'madali lang' ang nagbigay ng balde-baldeng luha at sukdulang hirap sa aking pagkatao.

Nagsimulang umindak ang aking mga paa. At sa bawat pagkakamali ay may katumbas na parusa. Maraming beses akong nasaktan at nabigo ngunit kaylanman ay hindi ako sumuko. Ganun kasi ako minsan. Matiisin. Minsan pa nga may pagkamartir.

Matagal rin akong naghintay. Matagal ko ring pinangarap na matutong umindak ng naaayon sa galaw ng hangin, na bawat paglapat ng paa ko sa lupa ay parang hibla ng bulak na dumadampi sa aking mukha. Ganun kabanayad. Ganun kaalaga.

At kung noon GUSTO ko lang sumayaw, ngayon natutunan ko na itong MAHALIN dahil tinanggap ko lahat ng hirap para makilala at makabisado ang bawat galaw nito ng naaayon sa tamang ritmo. ‘Yung tipong unti-unti. Hindi biglaan.

Alam kong ganoon ang pag-ibig. Ganun ang tunay na PAGMAMAHAL.

Parang sayaw lang ba. Ikaw marunong ka bang sumayaw?

Sunday, July 24, 2011

Talking Roby



Walaykum assalam!

Talking Tom



Fuck! Ang kulit ng pusa sa iPad2 ko hahaha!
Wala akong naintindihan!!!!

Baliw. Napatsismoso nitong pusa na to. LOL


:)

Dancing Fountain in Dubai (The Prayer)



During Eid Holidays, pumupunta ako sa Dubai kasi medyo mahaba-haba ang bakasyon namin. Gusto ko rin naman kasi makasama ang Kuya ko at syempre mga friends ko. At kapag bumibisita ako ng Dubai, pumupunta talaga ako sa Dubai Mall para manood ng Dancing Fountain. Hindi ako uuwi ng Oman hangga't di ako nakakapanood. haha!

Wish ko nga habang nanonood ako eh sana may kaholding hands at kayakap na ako sa susunod. Parang napakaromantic. Nakakainlove. Pero kahit hindi parin ito natutupad hanggang ngaun, alam ko darating din yun. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Mabait ang Diyos sa akin. Alam ko pinipili pa niya ang taong karapat-dapat sa pagmamahal ko.

Malapit na ulit ang Eid Holidays.

Kung sino ka man, naghihintay parin ako sayo. :)


Patpating Bata

Bumaba ako sa Baclaran kanina. Dumaan sa simbahan at nagdasal. Simula kasi ng makatagpo ako ng maraming katext at kaibigan pakiramdam ko nakaligtaan ko na ang magsimba. Masyado akong nalibang sa cellphone, sa text, sa mga kaibigan, sa gimik ng barkada at sa makamundong pagnanasa. Binago na ng modernong mundo ang dating kaugalian na noon ay binibigyan ko ng mataas na pagpapahalaga.

Ang marriage naging live-in. Ang pagtitipid naging pagwawaldas. Ang pagiging disiplinado naging matigas ang ulo. Panget ako noon ngaun gwapo na! Bwahahaha! Joke lang po!

Bakit nga ba kahit anong gawin natin nanjan parin si God para paalalahanan tau? Bakit ko ba nasabi ito? Kasi kanina naglalakad ako. May nadaanan akong nagtitinda ng kendi. Dumukot ako ng barya para bumili ng may biglang kumalabit sa braso ko. Isang gusgusing bata. Naawa ako. May pasa xa malapit sa labi. May galos ang hapis na pisngi at idagdag pa ang pagiging patpatin nito. Binibigyan ko xa ng piso pero ayaw nyang ibuka ang kanyang mga palad. Napakunot ang noo ko at tiningnan ko ang mukha ng bata. Nakatingin ito sa akin. Hindi kumukurap. Dumukot pako ng piso sa pagaakalang ayaw nya ng piso lang. Pero ayaw parin nyang ibuka ang palad nya. Tiningnan ko siyang muli. Sa aking pagtataka ang batang paslit ay ngumiti.

Doon unti-unti nyang binuksan ang kanyang maruming palad at bumungad sa aking mga mata ang isang bagay na matagal ko na yatang hindi nahahawakan at di nabibigyan ng pansin. Alam nyo ba kung ano ang nakita ko? Nakita ko sa palad nya ang isang maliit na crucifix. Kulay silver. Hindi ako nakapagsalita ng oras na un. Parang nagflashback lahat ng nangyari sakin simula ng makapagtapos ako ng College.

Nagkatrabaho. Nagresign sa work. Humiwalay sa pamilya. Naging independent. Naging mapusok. Nakipaglive-in. Naaksidente. Naghirap. Nakipagbreak. Nagkawork ulet. Naging gimikero. Naging pakawala sa buhay. Naholdap ng dalawang beses. Nahilig sa clan. Nakapag-abroad. Nabigo na naman sa pag-ibig at ngayon patuloy na lumalaban sa buhay.

Hungkag ang buhay. Nais kong maging masaya pero masaya nga ba ako? Parang may kulang....

"Kuya bibili ka ba?" tanong ng tindera.

"ah! Oo, pabili ng storck!" sagot ko.

"Teka, asan na ung bata?"

Lumingon ako pero hindi ko na xa nakita pa. Nagkibit-balikat nalang ako. Ilalagay ko na sana sa bulsa ang binili kong candy ng mahulog ang isa. Pupulutin ko na sana ito ng masulyapan ko rin ang crucifix na kanina lang ay hawak hawak ng patpating bata. Pinulot ko ito at ako'y napangiti.

Ngayon, alam ko na kung ano ang kulang sa buhay ko...

:)

Supah Friend Paris



Ang aking kasama sa lakaran sa United Arab Emirates. Siya ang taong walang kapaguran sa paggala. Madalas siya ang aking 'konsenxa', tumatayong 'guidance counselor' kasi hindi niya kinokonsinte ang aking mga kalokohan. Super friend ko siya kasi nadadala niya ako sa straight na daan. Ayaw nya ng paliko-liko pero kahit ganun siya masaya kaming magkasama.

Siya din ang kauna-unahang kaibigan ko na nagbigay sa akin ng cake noong nakaraang birthday ko kaya memorable para sa akin ang 2010. Kasama namin si Peng at Pye noon. Gusto ko sanang umiyak kaso masyado ng madrama. Pero totoo na mula noong bata ako, wala akong cake kapag nagbibirthday ako. Pansit lang kasi ang niluluto ng Nanay ko. Tapos noong nagwowork na ako, ako ang bumibili ng cake para sa sarili ko. Hindi kasi uso sa bahay noon ang handaan kapag birthday. Sana sa susunod na birthday ko, may magbigay ulit ng cake. Magiging masaya ako nun sigurado.

I love you Friend! Sana 'wag kang magbabago. Pakasal na kayo ni Cho! Gusto ko ng magkaroon ng inaanak.

:)

Saturday, July 23, 2011

Saranggola ni Kuya

Hindi po ako manunulat. Sa katunayan noong bata po ako hilig ko lang ang magbasa ng komiks at pocketbook na ang tema ay love story, pantasya at minsan kapag nakakalusot, nakakarenta ako ng pocketbook na may kalaswaan ang tema. Sa aming lugar iyon sa tindahan ni Aling Nida na ang anak ay grumaduate na Cum Laude sa UP Diliman. At sa halagang limang-piso bawat isang renta ng pocketbook, alam kong kahit paano nakatulong yun sa kanila. Kaya linggo-linggo rumerenta talaga ako ng pocketbook, kinukupitan ko pa ang Tatay ko kasi madalas nakasabit lang ang pantalon nya sa likod ng pintuan. Hihihi! Tsaka katwiran ko, nakatulong na ako kina aling Nida, sumaya pa ako sa pagbabasa kaya kahit bumabagyo at tumutulo sa loob ng bahay namin dahil butas-butas ang bubong, at kahit sinisigawan na ako ng Kuya ko kasi nababasa na ang sahig namin dahil walang sahod na timba, batya o kaserola ang tinutuluan ng ulan, sige parin ako sa aking paghagikhik, pagkakilig, pagkainis at pag-iinit sa mga tagpo sa bawat istoryang aking nababasa. Hindi ko pansin ang kaserolang katabi ko na nakasahod dahil tumutulo sa aking higaan.

Tamad talaga ako magsulat noon dahil nagkakakalyo ako sa daliri. Basta ang natatandaan ko kapag sumasapit ang foundation day sa school namin, palagi akong isinasali ng aking Teacher sa Essay Writing contest tapos madalas nasusungkit ko ang first prize. Nauungusan ko pa yung mga mas majojonda sa akin sa school kaya ayun nakilala ako sa campus at ng magtapos ako ng HS, pinarangalan ako bilang “Makata ng Taon." O db? Simula noon, parang nakahiligan ko nang gumawa ng mga kwento na habi sa aking mga nakikita, personal na nararamdaman pero karamihan talaga base sa mga nangyayari sa aking sarili na nagbibigay sa akin ng mahalagang aral. Lalo na kapag ganitong puno ng dalamhati ang aking puso, naku mabilis akong nakakagawa ng kwento. Ewan ko ba? Parang mismong ang mga titik, ang mga mapanuksong alaala, sila na mismo ang kusang lumalapit upang ako'y yakapin at hagkan para kahit paano ay umimpis ang nadaramang pagkabigo.

"Kuya, miss ko na ang mga kwento mo. Bakit nga ba di ka na gumagawa ng kwento?" Ang tanong ng isang kaibigan ko sa clan noon.

"Ahmm.. Memory low na kasi cellphone ko eh," ang tangi kong sagot sa kanya. Noon kasi cellphone lang ang gamit ko kapag gumagawa ako ng kwento. Tamad akong magsulat di ba? Pero masipag ako magpipindot sa cellphone. Haha!

Hanggang...

Isang malakas na hangin ang humampas sa aking mukha na nagpabalik sa realidad ng buhay. Asan nga ba ako? Ahhh, oo nga pala, pauwi ako sa probinsya namin. Sa ikatlong pagkakataon, bigo na naman ako sa pag-ibig. Ang ilang taon naming pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan. Tapos nawalan pa ako ng trabaho. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay ko. Gulong-gulo ako. Speaking of magulo, lintek na katabi ko binuksan ang bintana ng bus nagugulo tuloy ang buhok kong naka-wax!

Hindi sinasadya napadako ang aking tingin sa katapat na upuan kung saan nakaupo naman ang mag-ina. Sa tantya ko mga 38yo ang nanay at 7yo naman ang batang anak na lalaki. Siguro napansin ng bata na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti ito sa akin habang hawak ang kanyang munting saranggola.

“Mabait na bata,” nausal ko sa aking sarili at napangiti ako.

Naalala ko tuloy si Kuya. Ang Kuya ko na ngayon ay nasa Dubai na at masasabi kong naging maswerte sa landas na kanyang tinahak bilang isang Arkitekto. Nakakatuwang isipin na noon magkasama lang kaming naglalaro ng saranggola sa probinsiya tapos ngayon pareho na kaming nagtatrabaho dito sa Middle East.

"Hahaha! Kuya, antaas-taas na ng saranggola! Makakarating kaya xa sa langit?" Ang inosenteng tanong na namutawi sa aking labi.

"Hindi ah! Matayog lang ang lipad nya pero hndi xa makakaabot sa langit!" Ang natatawang wika ng aking kuya habang patuloy ang paglipad ng laruang di tali sa malakas na hangin.

Nang. . .

"Kuya! Bumabagsak xa!" Ang sigaw ko habang patuloy ang panonood ko sa saranggolang unti-unti bumabagsak sa kaparangan.

Tiningnan ko ang Kuya. Pawisan, nakakunot ang noo habang nakatingala sa langit, hindi alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon hanggang sa tumakbo ito ng mabilis at naiwan akong nag-iisa sa gitna ng parang. Sinundan ko ang kuya. Kahit napagod ako dahil sa pagtakbo nakita ko sa mukha nya ang pagkabigo. Si kuya umiiyak. Bumagsak kasi ang saranggola. Nasira ang sa tuwina’y kasama nya at inspirasyon sa kanyang munting pangarap.

"Alam mo bunso (ako yun), kapag nagpapalipad ako ng saranggola, kapag matayog na ang nararating nito, doon ko natatagpuan ang saya. Naiisip ko na balang araw kapag natupad ko ang mga pangarap ko, kapag matayog na ang narating ko at bigla akong bumagsak, hindi ako susuko. Kahit masakit, pilit ko paring bubuuhin ang aking saranggola, ang aking pngarap," mga katagang sinabi ng kuya noon na hindi ko pa gaanong naiintindihan.

Pier na pala. Natatanaw ko na ang aming isla. Bumaba ako ng bus at sa gitna ng init nilakad ko ang pinakadulo ng sementadong daan dahil nandoon ang aking bangkang sasakyan. Sa aking paglalakad, naaamoy ko ang mga nakabilad na copra. Natatanaw ko rin ang mga mangingisda. Isang oras nalang makikita ko na ulit ang aking bayang sinilangan.

Ang aming isla ay iyong matatanaw sa kahabaan ng Atimonan at Gumaca, Quezon. Kelangan mong tumawid ng dagat para marating ito. Malayo sa nakabibinging busina ng mga sasakyan, sa mga usok ng mga naglalakihang pagawaan at mga tuksong nagkalat sa lansangan. Kaya nga kapag gusto kong magpahinga o magpagaling ng puso, dito ako pumupunta. Pakiramdam ko nandito ang mga alaala na papawi sa aking kalungkutan.

Sumakay ako ng bangka. Nakita ko ang mga pasahero. Ang iba ay pamilyar sa akin, ngumingiti, kaya sinusuklian ko rin ito ng isang malawak na ngiti na parang pinapahiwatig na oo, kilala ko kayo pero ang totoo sa haba ng panahon na hindi ako umuwi, hindi ko sila kilala sa pangalan. Pero magkaganun man, nandoon parin ang espiritu ng pagiging magkakababayan namin.

Sa byahe, ramdam na ramdam ko ang pride ng pagiging isang probinsiyano. Napakasarap damhin ng sariwang hangin na dumadampi sa aking balat na nagbibigay sa akin ng maginhawang pakiramdam, ang bawat tilamsik ng alon na hindi nagpapakaba sa aking dibdib dahil sanay na ako, sa mga mangingisdang kumakaway sa gitna ng karagatan, sa mga isdang sumasabay sa amin at nagtatalunan na parang tuwang-tuwang nakikipaglaro sa amin at sa napakagandang lugar na tumatambad sa aking paligid. Hindi ko kaylanman ikakahiya ang aking pinagmulan.

Isang oras ang nagdaan. Dumaong ang bangka sa pampang. Inililis ko ang aking pantalon at kinuha ang aking gamit. Bumaba ako, lumusong sa tubig at naglakad sa buhangin. Nagpatuloy akong lumakad dahil malayo-layo rin ang aming bahay mula sa pampang. Sa pagdaan ko sa kaparangan, marami-rami parin ang mga batang nagpapalipad ng saranggola. Tumigil ako sa paglalakad. Parang may naguudyok sa akin na manatili muna doon. Umupo ako sa ilalim ng puno. Pinanood ang mga saranggolang lumilipad. Nakakaaliw ang tayog ng kanilang lipad hanggang mapansin ko ang isang saranggolang pula. Naiiba ito sa lahat. Natatangi. Marahil dahil sa kulay at ganda ng design nito. Naalala ko na naman si kuya. Hindi ako magtataka na naging isang magaling na arkitekto ito dahil bata palang siya kakikitaan mo na ito ng husay sa pagdi-desenyo ng mga bagay lalo na sa paggawa ng kanyang saranggola.

“Kuya, bumabagsak na si Pula! Galingan mo! Ilaban mo siya sa hangin. Huwag mong hayaang bumagsak si Pula. Lumaban ka kuya. Lumaban ka!,” ang mga sigaw na rinig na rinig ng tenga ko dahil halos malapit lang sila sa aking pwesto.

Tumingala ako. Unti-unting bumabagsak ang pulang saranggola. Ang kaninang hinangaan ko dahil sa kulay at ganda ng design nito. At habang patuloy ang paglaban ng saranggolang pula sa lakas ng hangin, pinagmasdan ko ang batang nagbitaw ng ganong salita. Mga walong taong gulang siguro. Bata palang pero alam na ang salitang "LUMABAN".

Napailing ako. Bkit nga ba di ko subukang lumaban? Bakit di ko subukang harapin ang mga problema na gumugulo sa akin? Bakit hindi ko tularan ang saranggolang pula na ito na pilit lumalaban sa lakas ng ihip ng hangin upang mas lalong matayog ang marating nito?

Ngayon ko naintindihan ang lahat. Tama ang sabi ni kuya noon na bumagsak man at masira ang saranggola nya, maaari paring buuhin ito o gumawa ng panibago upang muling lumipad para sa mga pangarap.

Ngayon, alam ko na ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa aking isip.

Sa puntong iyon, tumayo ako. Tinanaw ang saranggolang pula na matayog na muli ang lipad at ako’y umusal...



"BUKAS GAGAWA AKO NG SARANGGOLA! KULAY PULA!" PROMISE! Hehehe!


**********************************************************************

Ang kwentong ito ay ginawa ko para sa mahal kong Kuya na walang hinangad kundi ang magtagumpay sa buhay hindi lang para sa sarili niya kundi para rin sa amin. Napakabait ng aking kapatid. Wala siyang hindi ibibigay para sa kaligayahan ko, naming lahat. Happy Birthday Kuya (July 23). Hangad ko ang patuloy na pagtayog ng lipad mo para maabot ang iyong mga pangarap.

:)

Friday, July 22, 2011

Sarimanok

Kakauwi ko lang sa flat and the feeling is heaven parin. Parang nasa ulap pa ako. Haha! Ang OA ko. Sige na nga magkukwento na ako.

Simulan natin sa last relationship ko. We broke up last 2 months ago (May 2011) at talaga namang nasaktan ako when we parted ways. 10 months na umikot ang mundo ko sa kanya at pinilit ko talaga na umuwi ng Pilipinas para magbakasyon at makasama siya but sad to say hindi naging maganda ang kinalabasan. And because masayahin akong tao and very positive in life, dinaan ko nalang sa gala at gimik ang lahat. Nilunod ko ang sarili ko sa gala para malimutan ko ang sakit at pagkabigo.

And now, eto ako ngaun. Pagkatapos ng lahat pinilit kong makabalik sa dati kong buhay, sa dating gawi but this time hindi ko na siya iniisip. Sabi nga nila, there are lots of fish in the sea and this is really totoo!

Kagabi kasi dapat ako makikipagdate. OMG! Minsan ko lang ito gawin sa Oman kasi nga 10 months akong committed. For the record, hindi talaga ako nagloko. Kahit nasa Pilipinas siya at nandito ako sa Oman, never akong tumingin sa iba. Ganun naman ako pag talagang mahal ko ang isang tao, yun nga lang hindi naging successful kaya kalimutan nalang. Aw!

Constant chatmate ko si Local. Open-minded kaya masarap kausap. Dalawang beses narin kami nagkita pero hi and hello lang kasi pareho kaming nandun sa lugar tapos may kasama ako at may kasama rin naman siya, kaya walang time na magkausap kami ng matagal. Minsan naguusap sa phone pero hanggang dun lang. Nakakatakot kasi nga bawal dito ang babading-bading. Mamya mapauwi nalang ako ng Pilipinas ng wala sa oras, paano na ang future ng lola nyo? Baka pulutin ang beauty ko sa kangkungan. Di ko bet yun mga kafatid at kaferasyon! Like ayoko! Hmp! So pa-discreet ang drama ko ditey!

Natuloy ang date namin kanina. Like super kilig ako kasi sa lahat ng nakadate ko siya ang pinakagwapo, pinakahunk (nag gygym kasi) at matalino. Bihira sa mga Omani ang derechong mag-ingles at may sense of humor. Siguro dahil sa nahuhuli ang bansa nila pagdating sa kaunlaran at wala silang maayos na sistema ng edukasyon. Idagdag pa ang kanilang kultura na karamihan ay kakaiba at hindi bukas sa pagbabago na talagang minsan ay mahirap matanggap ng ibang lahing katulad ko pero pinipilit na tanggapin dahil nandito kami. Kaya ang iba dito nagaaral sa Europe or India katulad ni papa este ni Local para mapaunlad ang sarili nila.

Teka, mabalik tayo kay Local, panalo ang sasakyan nya ha? Feel na feel kong sumakay. Nang sunduin nya ako kanina feeling ko nainggit sa akin si Vice Ganda at Anne Curtis dahil sa ganda ng gown ko tapos nagalit sa akin si Boss Vic at Charo Santos Concio ng ABS-CBN kasi sumapi sa buhok ko ang Sarimanok nila naglakbay at nakarating sa bawat sulok ng mundo. Wow! Parang TFC lang. Haba ng aking hair! Bongga!

So joyride date ito. Ginala namin ang Ittin na pasyalan ng karamihan dito. Kahit naninigas na ang panga ko sa lamig ng panahon, tuloy parin ang pagpapacute ko at effective ha? Tumatawa siya sa mga jokes ko.

Bumili kami ng inihaw at fatira pizza so habang namamasyal kami, sige lang kami ng kain at para akong atat na atat na pagsilbihan ang aking future asawa (ano daw?!) kasi sinusubuan ko siya habang nagdadrive. Shit! Ang sweet namin hahaha!

Huminto kami sa mataas na lugar. Kitang-kita namin ang mga ilaw sa buong ciudad ng Salalah. Napakaromantic. Nakakainlove tuloy. Binuksan nya ang likuran ng kanyang sasakyan at dun kami magkatabing umupo. At dahil mahina ako sa lamig, napansin nya na nanginginig na ako. Nakalimutan kong magdala ng jacket e! Pasenxa naman. Haha!

At dahil magkatabi lang naman kami at di uso ang ligawan dito, naramdaman ko ang pagyakap ni Local sa akin. Gosh! Ang init nya.... Or baka naman ako ang taglibog este fertile este mainit. Ano bah!!!! Haha! Hindi na ako nagpakipot pa. Nang simulan akong halikan ni Omani sa pisngi at sa tenga, sumuko agad ang bataan. Ayun na!

Wala na palang oras. Commercial break na hahaha!

So, ngayon matutulog na ako. Ang masasabi ko lang 'napakasarap.'

Napakasarap ng gabi.... :)

Teka, bakit parang masakit ang panga ko? Ahhhh... Baka dahil sa lamig. LOL!



Dubai




June 10, 2009. Unang tapak ko sa Dubai. Parang kailan lang. Ngayon dalawang taon na ako bilang isang OFW.

Masasabi kong isa ako sa maswerteng nakipagsapalaran sa ibang bansa kaya buong puso akong nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa akin. May mga ilan din akong nakilalang tao at kaibigan na nabigo, pero alam ko may magandang bukas na nakalaan para sa kanila. Hindi man sila nagtagumpay sa pangingibang bansa, alam kong may ibang plano ang Diyos para sa kanila.

God truly provides for His people at kapag dumating sa atin ang Kanyang mga biyaya, sana matuto tayong ibahagi ito sa iba.

Si Pakner




Ang aking kasangga. Kasama sa lakaran at gimikan. Para kaming kulangot.
Super madikit sa isa't-isa. So close talaga!

Love you pak!!!!!! ner! :)


hehe!

Thursday, July 21, 2011

First Love


Ang kwentong aking ibabahagi ay inihahandog ko sa taong nagbigay sa akin ng saya at lungkot. Kung nasaan ka man ngayon, gusto kong ipaalam sayo na ikaw ang unang minahal ng puso ko. At kahit hindi nagkaron ng katuparan ang pag-ibig ko sayo, nagpapasalamat parin ako dahil minsan sa buhay ko, natutunan kong umibig.... -alex-

**********************************************************************************

Sa LRT....

Marami nang tao ang nagaabang ng tren. Katulad nila, isa rin ako sa libo-libong pasahero ng Light Rail Transit (LRT) na sa araw-araw ay nakikipagsisiksikan para lang makarating agad sa pinapasukang trabaho. Pero noong umagang iyon, medyo napaaga ako ng konti. Siguro dahil walang masyadong traffic sa Cavite kaya maaga palang nasa LRT Edsa station na agad ako.

Ako nga pala si Alexander. Alex ang tawag sa akin ng mga barkada ko. 22 years old. Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Computer Engineering sa isang kilalang Universidad sa Cavite. May taas na 5'7 at maganda ang tindig. Medyo pumayat nga lang ako ngayon dahil subsob sa trabaho pero noong nag-aaral ako, laman rin ako ng mga gym sa Cavite kaya masasabi kong ok parin naman ang hubog ng aking katawan. Medyo maganda din ang tabas ng aking mukha, may kaputian at medyo balbon. May mga balahibong pusa ako sa dibdib na sabi nila, dagdag pogi points daw. Hindi naman sa pagmamayabang, maraming nagkakagusto sa akin. Hawig ko daw kasi si Sam Milby. Hehe!

"Antagal naman ng tren!" ang naiinis na sambit ng dalagang katabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at napangiti. Hindi naman suplada ang babae dahil nginitian din nya ako na para ngang nahihiya pa dahil sa narinig ko ang kanyang pagmamaktol.

Inilinga ko ang aking paningin. Hindi sinasadya, napukaw ang aking atensiyon ng isang lalakeng nasa bandang dulo sa aking kaliwa. Mga limang dipa siguro ang layo nya sa akin. Kahit hindi ito nakatingin at nakaside view lang, nararamdaman kong kilala ko ang lalakeng iyon dahil sa hindi ko maipaliwanag na kabog ng aking dibdib.

Siya ba yun? Siya ba si Michael? Oo, siya nga un! Para akong sira na kinakausap ang sarili ko na ako lang naman ang nakakarinig sa aking sinasabi.

Si Michael...

Una kong nakita si Michael sa Greenwich (SM Dasmarinas). Working student ako noon. Pagkatapos ng klase ko, derecho na agad ako sa Greenwich para magtrabaho o kaya naman pagkatapos ng duty ko sa Greenwich, tsaka naman ako papasok. Ganun palagi araw-araw. Kelangan kong magtrabaho para matustusan ko kahit paano ang gastos ko sa pag-aaral. Minsan nakakapag gym pa ako kapag may natira sa budget ko.

Masasabi ko na una ko palang nakita si Michael may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Kung love at first sight man ang tawag dun, maaari ngang na love at first sight ako sa kanya dahil mula noon hindi na nya ako pinatahimik. Palagi siyang laman ng isip ko.

Palagi silang nakatambay sa Greenwich kaya naman ganado akong magtrabaho palagi. Alam kong iisang school lang ang pinapasukan namin dahil pareho kami ng uniform kaya simula noon, nagresearch na ako ng tungkol sa kanya.

Hindi naman ako nabigo. Napagalaman ko na 3rd year Nursing student siya at ako naman ay nasa ikalawang taon sa Engineering. Kahit magkaiba kami ng department, gumagawa talaga ako ng paraan para makita siya. Minsan nga sinusundan-sundan ko siya sa school, sa SM, sa Dasma bayan, sa tambayan nila hanggang sa kanyang paguwi. Minsan nga para akong tanga na naghihintay na matapos ang klase nya. Ganun katindi ang aking pagkahumaling kay Michael. At sa mga ginagawa kong iyon, marami naman akong nalaman sa kanya.

Isang gabi, nakatambay na naman sila ng mga barkada nya sa CM Plaza sa Dasma bayan, katapat ng munisipyo. Hinintay ko talaga na magkaroon ako ng pagkakataon para makausap siya kahit sandali lang. At ng makita kong nagiisa nalang siyang nakatayo at naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi, hindi na ako nagatubili pa. Kahit kinakabahan ako at first time kong itotolerate ang nararamdaman ko, ginawa ko dahil gusto ko siya.

Nilapitan ko si Michael.

"Hi! Ano.. Ahhh… Pwede bang makuha ang number mo?" Hiyang-hiya ako ng itanong ko ang kanyang cellphone number. Pakiramdam ko nangangamatis ang aking mukha sa pula.

Tiningnan ako ni Michael. Marahil pinagaaralan ako base sa aking hitsura at tindig. Pagkatapos ay ngumiti.

"Ok sure... 0927967601x." Pakilala ka nalang sa text ha?" Tamang-tama naman na may paparating na jeep kaya sumakay narin si Michael.

Agad ko siyang tinext at ako'y nagpakilala. Mabait naman si Michael. Nagrereply siya sa mga text ko at ito'y nagbibigay sa akin ng ibayong kasiyahan.

Nagkaroon ng Battle of the Bands sa aming University. At dahil marunong naman akong tumugtog ng gitara at may talent ako sa pagkanta, napagdesisyunan ng barkada na sumali. Maliban sa barkada, naisip ko rin na ito na ang pagkakataon para maipakita kay Michael na may talent ako, na kaya kong kumanta. Iyon nga lang hindi ko masabi na kakanta ako para sa kanya. Dyahe kasi! Hindi pa kami gaanong magkakilala. Pero sinabi ko parin sa text na kasali kami at sana makapanood siya.

Sumapit ang araw ng contest. Tinawag na ang aming grupo para magperform sa stage pero hindi parin mahuli ng aking paningin si Michael. Tinitext ko siya pero walang sagot. Nanonood kaya siya?

"Alex, ok ka lang ba? Sino bang hinahanap mo?" ang tanong ni Mark, isa sa pinakamalapit kong barkada.

"Ahhhh.... Wala naman. Andaming tao no?" ang sagot ko naman para hindi makahalata na may hinahanap ako.

Nagperform ang aming banda. Sigawan ang mga tao. Pero hanggang sa matapos ang aming pagtugtog, ni anino ni Michael hindi ko nakita kaya bigla akong nalungkot. Wala rin akong natatanggap na text buhat sa kanya.

Nakuha namin ang ikalawang pwesto. Kahit paano naging masaya naman ako dahil hindi nasayang ang pagpupuyat ng grupo. Nagcelebrate ang barkada sa aming pagkapanalo. Pumunta kami sa 711 sa Dasma bayan para bumili ng alak. Hatinggabi na iyon. Sarado narin ang ibang business establishments pero biglang lumukso ang puso ko ng makita ko si Michael na nakaupo sa tapat ng Munisipyo, sa lugar na palaging tinatambayan ng kanyang mga barkada. Nagiisa. Malungkot.

Habang busy ang aking mga barkada sa loob ng 711, tinext ko si Michael. Tinanong ko kung bakit nagiisa siya...

"Magsleep over sana ako sa bahay ng barkada ko pero hanggang ngaun hindi ko siya makontak. Ayoko pang umuwi." ang text ni Michael sa akin.

Habang pauwi kami sa dorm ng barkada para magcelebrate nagdahilan ako sa kanila na may pupuntahan ako. Saglit lang kako. Pero ang plano ko talaga balikan si Michael sa bayan. Hindi ko naman mainvite si Michael dahil baka magtaka ang mga barkada ko at pagdudahan ako. Walang nakakaalam sa barkada ko na bisexual ako. Pumayag naman sila kaya agad akong bumaba ng jeep at bumalik sa Dasma bayan.

Nandoon si Michael. Malungkot, kaya dinamayan ko siya.

"Hindi ba talaga pwedeng matulog tayo sa bahay nyo?" ang tanong ni Michael.

"Sorry ha, hindi talaga pwede eh. Pasenxa na talaga..." ang sagot ko.

"Ok...." at sumandal siya sa aking balikat.

Inakbayan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganun si Michael. Para bang pasan nya ang mundo. Parang napakabigat ng dala-dala niya. Hindi naman ako nagtanong dahil nahihiya ako. Ang mahalaga sa akin, kasama ko siya at masaya na ako dun. Dumaan ang ilang minuto, inaya nya ako sa likod ng Mcdonalds. Sa lugar na medyo madilim at nagulat ako sa sinabi nya.

"Halikan mo ako..." ang utos ni Michael.

Gusto ko sana. Gustong-gusto kong halikan si Michael. Ikulong siya sa aking mga bisig magdamag. Iparamdam kung gaano ko siya minamahal at pinahahalagahan pero hindi ko nagawa dahil sa maraming tricycle ang nagdaraan. Inis na inis ako sa sarili ko. Pinairal ko ang takot at hiya. Kung sana naging matapang ako.

Nagdesisyon ng umuwi si Michael dahil halos papaumaga na un. Inihatid ko siya sa sakayan para maramdaman nya na gusto ko siya at handa akong alagaan siya. After nun, nagdecide akong bumalik sa mga barkada ko. Malamang kanina pa nila ako hinihintay. At sa nalalabing oras ng gabi, nilasing ko ang sarili ko....

Ilang araw ang nagdaan, hindi ko nakikita si Michael sa school. Hindi narin siya tumatambay o kumakain sa greenwich. Nagtetext ako sa kanya at minsan nagrereply pero madalas hindi. Hanggang puntahan ko na siya sa kanilang department.

Nakita ko si Michael. Nakakubli lang ako sa isang lugar. Kitang-kita ko ang saya sa mga kilos niya kasama ang isang lalake. At hindi ko natagalan ang tagpong iyon. Nasasaktan ako kaya umalis ako at nilunod ang sarili sa trabaho. Pagkatapos ng aking duty sa greenwich, tinext ko si Michael. Gusto kong magkita kami. Gusto ko siyang makausap. Sasabihin ko na sa kanya na mahal ko siya.

Pumayag naman si Michael na magkita kami kinabukasan, kaya pinaghandaan ko iyon. Tamang-tama wala akong duty sa greenwich kaya maluwag ang schedule ko ng araw na iyon. Isinuot ko ang pinakabago kong damit, nagpagwapo ako ng husto at nagwisik ng pabango. This is it! Kelangan ng malaman ni Michael na mahal ko siya.

Naghintay ako sa bayan dahil doon ang usapan namin ni Michael. Ilang sandali pa nasulyapan ko si Michael na paparating. May kasama.

"Hi! Kumusta ka na?" ang casual na tanong sa akin ni Michael.

"Mabuti naman. Eto walang pasok." ang walang kagatol-gatol kong sagot kay Michael kasi naiinis ako.

"Oi sya nga pala si Jefferson, bf ko...." ang pakilala ni Michael.

Hindi na ako nagulat pa. Siya din ang lalake na nakita kong kasama ni Michael kahapon. Naging mabuti naman ang pakikitungo ko sa kanila. Kahit nasasaktan ako, pinilit kong maging ok. Hindi ko na nga alam kung paano natapos ang lahat, basta natagpuan ko nalang ang sarili ko sa dorm ng barkada ko na siyang pinakamatalik kong kaibigan.

Umiyak ako sa harap ni Mark. Tinatanong niya ako kung ano ang nangyari pero wala akong masabi sa kanya. At dahil hindi ko pwedeng idisplay ang sarili kong umiiyak sa dorm, inaya ko ang barkada ko na mag gym. Nagbuhat ako. Hindi ko ininda ang bigat at hirap na ginagawa ko sa gym. Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko kumpara sa bigat ng binubuhat ko.

"Oi pare hinay-hinay lang" ang paalala sa akin ni Mark pero parang wala akong narinig.

Sa locker room, masinsinan akong kinausap ni Mark.

"Pare, ano bang problema? Pwede mong sabihin sa akin. Alam ko mabigat ang dinadala mo dahil first time kitang makitang umiyak. Alam ko marami kang problema sa pamilya mo pero hindi ka naman ganyan dati. Ang alam ko matatag ka," sabay akbay sa akin ng barkada ko.

"Hindi ko alam kung pwede kong sabihin sayo. Hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan kita. Baka pagtawanan mo ako Mark. Baka maiba ang tingin mo sa akin," ang sagot ko.

"Ano ka ba pare, kaibigan mo ako. Kadikit mo ako. Kahit ano pa yan, hindi kita ilalaglag. Hindi kita pagtatawanan pare..."

"Tatanggapin pa ba ako ng barkada pag nalaman nyo na iba ako?

"Paanong iba? Hindi kita maintindihan pare..." ang naguguluhang tanong ni Mark sa akin.

"Nagmahal ako...... Pre, nagmahal ako sa kapwa ko lalake. First time ko ‘to Mark. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito. Kung paano nangyari. Basta nakita ko siya. Basta naramdaman ko nalang. Tapos, ayun na hindi ko na napigilan. Ang masakit pa pre, bigo ako sa first love ko. Kanina lang nakipagkita ako sa kanya tapos pinakilala nya sa akin ung bf nya."

Wala akong narinig. Hindi nagsalita si Mark kaya nagpatuloy ako.

"Pre, kahit ba ganito ako matatanggap parin ako ng grupo? Lalayuan nyo ba ako? Pandidirihan nyo ba ako?

Tinapik ni Mark ang balikat ko at sabi...

"Ano ka ba? Kaibigan kita. Kahit ano ka pa matatanggap kita. Para na tayong magkapatid pare. Pero huwag mo na muna sanang sabihin sa kanila. Tama na ung tayo lang ang nakakaalam. Pag may problema ka, sa akin ka tumakbo. Makikinig ako kahit kabaklaan pa yan. Ok?" ang natatawang sagot ng barkada ko.

"Gago!" at kinutusan ko si Mark.

"Asus! Pare, first love? Tang-inang first love mo yan pare. " ang kantyaw naman ni Mark sa akin kaya sabay kaming nagkatawanan.

Ilang linggo ang lumipas, ginawa kong normal ang buhay ko. Trabaho, school, bahay, barkada at gym. Doon ko pinaikot ang mundo ko. Pero kapag mag-isa lang lang ako, naaalala ko parin si Michael. Nakagawa pa nga ako ng kanta tungkol sa pagibig na naranasan ko sa kanya pero ngaun hindi ko na makita kung saan ko naisulat. Sayang!

Hanggang sa makatanggap ako ng text sa hindi inaasahang tao--- kay Jefferson, sa bf ni Michael.

Siguro dala narin ng galit at pagkabigo pumayag akong magkita kami. Inaya nya ako sa isang motel sa Bacoor. Noong una si Michael ang pinaguusapan namin. Sinabi nya sa akin na nagkakalabuan na sila. Hindi ko na masyadong pinakinggan pa ang mga kwento ni Jefferson at ng mapansin nya iyon gumawa na siya ng move. Hinayaan ko siya sa gusto nyang mangyari. Hinahalikan nya ako pero hindi ko magawang suklian ang halik nya kaya hindi na siya nagpumilit. Hinubaran nya ako at malaya nyang nagawa ang gusto nya sa akin. Nakaupo lang ako sa sofa. Nakatingin sa kisame habang patuloy si Jefferson sa kanyang ginagawa. Nagpaubaya ako pero ng sandaling iyon si Michael parin ang nasa puso't isip ko.

"Gusto kita. Kaya kong hiwalayan si Michael para maging tayo..." ang pagbasag ni Jefferson sa katahimikan.

Tumayo ako at pinulot ang aking mga damit. Nagbihis tsaka ako nagsalita.

"Hindi ko kayang magkaroon ng relasyon sayo. Pasenxa ka na. Si Michael ang mahal ko noon pa man. Siya lang!" tuluyan na akong umalis at di na pinakinggan pa ang sasabihin ni Jefferson.

Ilang linggo pa ang nagdaan ng mabalitaan kong wala na rin sila. Mismong si Mark ang nakapagsabi sa akin. Noong panahong iyon, naging manhid na ang puso ko. Kinalimutan ko na si Michael at matagal na panahon kong inalagaan ang puso ko. Hindi ako umibig. Hindi ko binigyan ng puwang ang anumang atraksiyon o libog na nararamdaman ko sa kapwa ko lalake. Kahit maraming nagpaparamdam, hindi ko sila pinansin at binigyan ng katiting na pag-asa.

Mabilis lumipas ang mga taon, naging busy ako sa buhay ko. Nakapagtapos na rin ako at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho na bilang isang graphic artist sa Makati.

Napukaw ako sa aking malalim na pagiisip ng mag-unahan ang mga tao sa pagsakay sa Tren. Nasa Lrt Edsa nga pala ako at papasok sa trabaho. Sa tagpong iyon, bumalik ang isip ko sa realidad ng buhay. Nagawa ko ring ihakbang ang aking mga paa at makipagsiksikan sa loob.

Maingay sa loob. Kanya-kanyang kwento. Umagang-umaga chismisan sila. Kumapit ako sa bakal ng tren ng magsimula itong umandar. Nakatayo ako, okupado ang isip kaya hindi ko alintana ang aking katabi. Naramdaman ko ang pagdikit ng braso sa akin ng aking katabi. Inilayo ko ang aking braso at sinulyapan ang aking katabi...

Shit! Diyata't si……

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Ramdam ng ramdam ko ang pagkabog nito. Katulad ng pagkabog ng puso ko noong una kong makita ang aking first love....



Wakas.


*****************************************************************************
Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay na sadyang pinagawa sa akin ng isang katalik este matalik na kaibigan. Binago namin ang mga pangalan subalit halos lahat ng pangyayari ay totoo.

Sa taong nagrequest nito, eto na ang kwento ng una mong pag-ibig. Waaahhhhh!

Barbel (Part 3)














Mga alas-4 na ng hapon. Magkayakap si Mark at Eric habang nakahiga sa malambot na kama. Tulog si Mark. Marahil napagod ito sa ginawa nila.

Napapangiti si Eric sa tuwing naaalala ang lahat ng nangyari kanina lang. Pinagmasdan niya si Mark. Napakaamo ng mukha nito. Sino ba naman ang di magkakagusto sa lalakeng ito? Nang magsabog ata ng kagwapuhan ang Diyos sa sanlibutan, isa sa pinakamapalad na nakasalo nito ay si Mark. Hindi lang pisikal, dahil base sa mga kwento nito sa kanya, totoo na isa itong mapagmahal na anak.

Maswerte nga ba siya kay Mark? Pero hindi pa nya alam kung ano ba siya sa buhay nito. Mahal ba siya ni Mark katulad ng pagmamahal nya dito? Kung hindi siya mahal nito bakit may nangyari? Bakit si Mark pa ang unang gumawa ng hakbang para mangyari ito? Nakakatakot isipin na trip lang ito ni mark na baka pinaglalaruan lang xa nito. Pero nagpupumiglas at sumisigaw ang puso nya.

Hindi!!!!

Nararamdaman ko mahal din nya ako. Ang kanyang mga halik. Ang kanyang mga yakap. Ang kanyang mga haplos. Diyata’t naramdaman ko ang lahat ng iyon sa kanya ng walang halong pagkukunwari? Hindi nagsisinungaling ang nararamdaman ng puso.

Marami pang tanong ang nasa isip ni eric at dahil hindi nya ito mahanapan ng sagot napagod na ito at nakatulog.

Wala na si Mark sa tabi nya ng magising siya. Nagsimula siyang kumilos. Isinuot ang kanyang mga damit. Napasulyap siya sa bintana, nagsisimula narin palang dumilim.

Biglang bumukas ang pinto. Si Mark may dalang isang tray ng pagkain. Nakashorts lang ito pero walang suot na pang-itaas. Pinagmasdan niya ito at muling napalunok. Paano ba naman bakat na bakat ang ari nya sa suot nyang hapit na shorts.

“Gising ka na pala. Tara kain muna tayo.” Nakangiti si Mark.

Umupo naman c Eric sa gilid ng kama. Hindi nya masalubong ang tingin ni Mark. Napansin ito ni Mark kaya tinabihan siya nito. Hinawakan siya nito sa braso at nagsalita.

“Bakit Eric may problema ba?

“A....Ah wala ito…..” ang nahihiya kong sagot.

“Anong wala? Sabihin mo na. Makikinig ako.”

Bumuntong hininga si Eric bago muling nagsalita.

“Alam mo na naman kung ano ang feelings ko para sayo di ba? Pero until now hindi ko parin alam kung ano ako sayo,” ang pagsasalaysay ko.

Tumayo si Mark. Lumapit sa kanyang closet na parang may hinahanap. At ilang sandali pa may kinuha itong plastik sa loob at iniabot kay Eric.

“Ano ito?”

“Para sayo. Buksan mo….” Ang nakangiting tugon ni Mark.

Nagliwanag ang mukha ni Eric ng makita ang laman ng plastik. Napangiti xa. Hawak nya ang isang laruan. Laruang lalake na may hawak na barbel. Isang imahe ni Capt. Barbel na napapanood ko sa TV.

“Para kapag nakikita mo yan maaalala mo ako. Alam mo Eric mahiyain akong tao. Simple. Tahimik. Noong unang makita kita sa gym na nagbubuhat ng barbel, natawa ako sayo kasi nahihirapan ka. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at nilapitan kita noon tapos nakipag-alternate sayo. Siguro para ipakita sayo ang tamang paghawak ng barbel. Simula noon hindi ko narin maintindihan ang puso ko,” sabay tingin sa akin ni Mark.

Muntik ko ng mabitawan si Capt.Barbel este ang munting laruan na hawak ko. Pakiramdam ko biglang humaba ang maigsi kong buhok. Mula sa bayan ng Dasma naglakbay ito at umakyat sa Tagaytay hanggang makarating sa pier ng Batangas at hindi pa nakuntento ang buhok ko. Sumakay pa ito ng barko papuntang Aklan at dumerecho ng Boracay, huminto doon at ipina-braid ang sarili. Sosyal! Anong say ng kahabaan ng Edsa sa Maynila? Ang haba ng hair ko charot!

“Mark……?”

“Yes, i love you too Eric. Sapat na siguro ang nangyari sa atin para mapatunayan ko sayo na mahal din kita. Wala akong pakialam sa nakaraan mo basta ang alam ko ngayon ikaw ang nagpapasaya sa akin na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.”

Wala ng ibang masabi si Eric. Napayakap nalang xa kay Mark at napaiyak sa tuwa.

“I love you Mark. Hindi nagkamali ang puso ko ng mahalin ka,”

“I love you too, Eric…..”

At muling naglapat ang kanilang mga labi...

Kumain silang masaya at naghaharutan. Tila hindi na nila namalayan ang oras. Ganun naman kapag magkasama ang nagmamahalan, parang kanila lang ang mundo. At nang gabing iyon masayang natulog si Eric sa mga bisig ni mark.

Kringg kringg kringg!!
Kringg...!

Nagising c Eric sa isang nakakabinging tunog. Pamilyar na tunog sa umaga. Tinatamad siyang bumangon. Wala narin si mark sa tabi nya. Hinanap nya kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Nakapa nya ang isang matigas na bagay sa kanyang likuran at kinuha ito. Nagulat si Eric! Nanlaki ang mga mata niya!

Alarm clock na pink? Hello Kitty pa?! Teka, sa akin ito ah, paano napunta sa kwarto ni Mark ang alarm clock ko?

Bumangon siya. Luminga-linga. Hinanap si Capt.Barbel na bigay ni Mark sa kanya kagabi. Wala ito. Hindi nya makita. Bigla siyang napatigil at nagsimulang mapagtanto ang mga pangyayari. Hindi siya maaaring magkamali. Nasa loob xa ng kanyang kwarto. At doon na siya tuluyang nahimasmasan.

PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT SA KANILA NI MARK?!

Bumangon si Eric ng may panghihinayang sa puso. Ginawa ang nakasanayang ritwal sa umaga at pumasok na sa trabaho. Pagpatak ng alas singko ng hapon dali-dali na xang nag-ayos ng gamit para mag gym. Pagpasok ni Eric sa gym may hinanap agad ang mga mata nya. Kung ano o sino yun, siya lang ang nakakaalam.

Nagsign in muna xa sa logbook at dumerecho sa isang sulok. Kinuha ang bagay na iyon at inihanda para sa kanyang gagawin.

Hinawakan nya ang barbel para buhatin ito. Napapapikit xa sa bigat nito. Huminto xa. Pumikit muli at binalikan sa isip ang tamis ng bawat sandaling pinagsaluhan nila ni Mark sa kanyang panaginip. Hindi pa xa natatagalan sa ganung posisyon ng may marinig siyang tinig.

"Ehem… Pwede bang alternate tayo?"

Ayaw pa sana niyang imulat ang mga mata niya. Ayaw pa niyang mawala si Mark sa isip niya. Nagsisimula palang ang isip nya na alalahanin ang pagniniig nilang dalawa ni Mark. Ngunit parang may naguudyok sa kanya na imulat ang mata niya. Nagmulat siya at napabangon bigla, nauntog pa nga xa sa barbel sa pagmamadali.

“Aray ko!” at napapahiya siyang tumingin sa lalake. “A…Ah s..sure.. si..sige lang…,” ang nabubulol nyang sagot.

Natatawa naman ang lalake.

Gwapo siya ha? Matangos ang ilong, mapula ang labi, maayos ang buhok, makinis ang mukha at maganda ang tindig. Tantya nya mga 5'8 ang taas nito. Tama lang ang kulay. Hindi maitim hindi ganun kaputi. Nakasando lang ito kaya makikitang maganda na ang hubog ng kanyang katawan. Nakapagpadagdag pa sa appeal nito ang nakausling buhok sa kanyang kili-kili! At napadako ang mata nya sa pagitan ng legs nito. Nakabakat ang ano nya. Harhar!

“Lalakeng-lalake,” nausal nya sa sarili…

Biglang nag-init ang pisngi ni Eric ng maramdaman nya na nakatitig din sa kanya ang lalake. Napahiya siya. Alam kaya nitong lalake na ‘to na napag-aralan na ng mga mata ko ang bawat sulok ng kanyang katawan sa maiksing sandali lamang?

“Aa…. Aaah sori, naghihintay ka pala, sige ikaw na muna, dito ka na,” at nagbgay ng daan si Eric para makapwesto ang lalake.

Ngumiti naman ang lalake sa kanya. Pagkatamis-tamis na ngiti….

Shit!

Kumabog ang dibdib ni Eric. Diyata’t ito ang naramdaman nya ng una siyang ngitian ni Mark sa kanyang panaginip? Bakit ganito ang nararamdaman nya?

Habang pinagmamasdan nya ang lalake sa pagtaas at pagbaba nito sa barbel, lihim na umasam ang puso ni Eric na ito na ang lalakeng matagal na nyang hinihintay. Ang katuparan ng kanyang panaginip. Ang maaaring itinakda ng nasa itaas para sa kanya.

Napangiti si Eric. Sa buong buhay nya, hindi siya tumigil mangarap ng mga bagay na magbibigay ng saya sa buhay nya. Sabi nga nila, libre lang ang mangarap at matutupad ito kung matututo tayong maglandi este magpursige, magpahalaga sa kahit na konti o maliit na bagay na mayroon tayo at magtiwala sa sariling kakayahan.

Tulad ng isang barbel, isang maliit na bagay lang ito pero pwedeng pagsimulan ng inspirasyon na tutugon sa mga pangarap ni Eric.

Sa mga pangarap ko.

Sa mga pangarap mo.

O sa pangarap ninuman.



WAKAS

Wednesday, July 20, 2011

San ka? Sa Mahal mo o Mahal ka?



















Marami ng nagtanong sa akin nito. Siguro hindi lang lima o anim na beses na may nagtanong sa akin kung sino ba ang pipiliin ko.

Well, for me doon ako sa gusto ko, sa mahal ko. Doon sa taong magpapasaya ng mundo ko. Yun bang tipong kapag kasama ko xa, lahat ng pangit sa mundo maaapreciate ko, ung mkikita ko ang kagandahan at kahalagahan nito.

Masarap magmahal...

At kahit paulit-ulit pa tayong masaktan, patuloy parin tayong nagmamahal.

Natatandaan ko pa ang sabi ni lola noong ipinapasyal nya ako sa malawak naming hardin sa probinxa na ang mga paru-parong tulad natin, bago makuha o masimsim ang bango at nektar ng mga bulaklak, kelangan nating magtiis at maghintay. Dahil ang katumbas ng sakripisyong ito ay walang humpay na kaligayahan.

At bago xa malagutan ng hininga, ibinulong nya sa akin na huwag akong mabubulag sa mga bulaklak na ang tanging pang-akit ay ang kanilang angking kagandahan o kagwapuhan sapagkat maaaring ang dala nito ay tinik na magbibigay sa akin ng ibayong pighati at pagdaramdam.

Kasabay noon ang pagdampi ng kanyang palad sa aking mukha.
Umiiyak ang mahal kong lola at pakiramdam ko, hinahabol na nya ang kanyang paghinga.

Aniya. . .

"aaan.. ang cute t..tlga ng a..apo ko k..kaso b..b..ba.bading-ba..ding!" ü


hahahaha!

Barbel (Part 2)













Ang nakaraan...

“Open your eyes Eric….” Malamig ang boses ni Mark. Malumanay. Masuyo pero lalakeng-lalake ang timbre.

Ramdam na randam ko ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung ano ang pakulong ito ni Mark. Pakiramdam ko maiihi ako sa kaba. Kasi nanginginig ako ng mga sandaling iyon. At dahan-dahan ko na ngang ibinaling ang aking katawan paharap kay Mark…

Nagulat ako sa tumambad sa akin. Napalunok. Pakiramdam ko ilang boltahe ng koryente ang dumaloy sa aking katawan. Nakakapag-init. Nakakasabik.

Si Mark nasa aking harapan. Nakahubad. Wala ni isa mang saplot. Titig na titig ako kay Mark, sa kahubdan ni Mark, sa bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Ngayon ko lang nakita ng buong-buo ang katawan ng lalakeng sa una palang ay pinagpantasyahan ko na.

Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Hindi rin ako makakilos sa kinatatayuan ko. Para akong naistatwa sa ginawa ni Mark. Hindi ko inaasahan ito.

Lumapit si Mark.

Ngayon, magkadikit na ang aming katawan. Pakiramdam ko nanunuot sa aming katawan ang init ng bawat isa. Ramdam na ramdam ko ang kaba at excitement ng sandaling iyon. Naaamoy ko ang mabangong hininga ni Mark at ang natural na amoy ng kanyang katawan. Lalo itong nagpabaliw sa akin. Paano ba naman magkalapit na magkalapit ang aming labi. Naghihintay. Nais magpaubaya. Nais na may matikman. Idagdag pa ang sensasyon na dulot ng matigas na bagay na nararamdaman ko sa aking hita.

Pumikit ako. Naghihintay sa mga susunod na magaganap.

Kasunod noon ang mainit na labi, ang masuyong halik ni Mark na iginawad sa akin. Hindi natapos ang lahat sa halik. Yumakap ako kay Mark habang dinadama ko ang kanyang mainit na katawan. Naghalikan kami at nalasahan ko ang laway ni mark, masarap. Naramdaman ko ang paglaban ni Mark ng halikan. Malikot ang kanyang dila. Parang may hinahanap. Parang may gustong puntahan. Parang may gustong marating. Wala na akong pakialam pa kahit kapusin ako ng hininga sa matinding pagniniig ng aming mga labi. Pareho kaming nasasabik na tikman ang katawan ng bawat isa.

Tinulungan ako ni mark na hubarin ang lahat ng suot ko. Ngaun pareho na kaming walang saplot. Inihiga nya ako sa kanyang kama at sa pagkakataong ito mas naging agresibo na ako. Alam ko na kasi ang gagawin ko dahil labing-apat na lalake na ang dumaan sa buhay ko ng panahon na iyon. Alam ko na kung paano magpaligaya ng lalake pagdating sa kama, lalo na sa taong minamahal ko. Ako kaya pang-ilan na sa buhay ni mark?

Nagsimula akong kumilos. Tantyado ang bawat galaw, alam ko na sa bawat lapat ng labi ko sa katawan ni mark ay may katumbas na kiliti at sarap. Pinag-aralan ko ata ito. Minaster na parang kurso sa kolehiyo. Isa itong uri ng art na sa paniniwala ko ay mahalaga sa relasyon ng dalawang tao. Alam ko magaling ako sa foreplay kaya gagawin ko ang lahat para masiyahan si Mark.

Sinimulan kong halikan si Mark sa noo, sa labi, sa pisgi hanggang gumapang ang aking mga halik sa kanyang tenga. Dinilaan ko iyon hanggang sa kasulok-sulukan. Malakas ang ungol ni Mark na halatang gustong-gusto ang nangyayari. Hanggang bumaba ang aking dila sa kanyang dibdib at napadako sa kanyang nipples. Dinilaan ko ito na parang humihimod ng natutunaw na ice cream. Napaigtad si Mark. Alam kong napapaso siya sa init ng aking dila. Napapabangon si Mark at napapaungol sa ginagawa kong paglalaro sa kanyang nipples. Napapasabunot siya sa akin at lalo naman akong ginanahan. Ibinaba ko ang aking mga halik hanggang sa dumako ito sa kanyang pusod, puson, pababa ng pababa, sa hita, sa singit, hanggang sa daanan patungo sa kanyang pwet ay dinilaan ko. Napapasigaw si Mark sa ginagawa ko. Nagsusumamo ang bawat tingin ni Mark sa akin na parang nagsasabi na sige na gawin mo na, angkinin mo na. At hindi ko ipinagkait kay Mark ang gusto niya. Ipinaramdam ko sa kanya ang sarap ng aking pagmamahal.

Isinubo ko ang naghuhumindig na sandata ni Mark. Tirik na tirik. Mula sa ulo nito, pinadausdos ko ang aking mainit na bibig pababa, pataas, pababa, paulit ulit at napapalakas ang ungol ni Mark kapag sumasagad ito sa aking lalamunan.

“I love you mark... Nakakabaliw ka...” ang anas ko habang patuloy ang paglasap namin sa ligayang dulot ng pagniniig naming dalawa.

Nang mangawit na ako sa pagchupa, nilaro muli ng aking dila ang tyan ni mark, ang pusod, ang puson, at dinila-dilaan ko ang kanyang abs. Hinihimas ko rin at pinipisil-pisil ang dibdib nito na pinatigas ng araw araw na pagwowork-out sa gym. Lahat na ata ng parte ng katawan ni mark eh hinalikan ko. Dinilaan ng walang alinlangan. At ang gustong-gusto ko kay mark ay ang maayos na tubo ng kanyang buhok sa kili-kili. Fetish ko kasi ang maayos na buhok sa kili-kili. Hindi masyadong makapal ha? Siguro mga 200 pcs na buhok lang. Char!

Pinagmasdan ko ito. Tunay na nakakabaliw c mark. Tunay na isang adonis ang nasa harapan ko ngaun. Maya-maya pa'y hinawakan kong muli ang tirik na tirik na ari ni Mark at isinubo ito. Nilaro-laro ng dila ko ang kabuuan ng pagkalalaki ni mark.

Halos mabaliw naman si Mark sa gnagawa ni Eric sa kanya. Minsan sinusulyapan nya si Eric sa ginagawa nito at nakita nya na para itong bata na kumakain ng lollipop. Dila dito, supsop doon at sarap na sarap xa sa tuwing isinusubo itong lahat ni Eric. Pero un lang ang nakita nya dahil madalas nakapikit xa.. Hehehe!

Nang magsawa si Eric, si Mark naman ang kumilos. Niromansa nya ito at buong-puso namang nagpaubaya si Eric. Hinding-hindi nya bibiguin si Mark. Ibibigay nya lahat ng gugustuhin nito. Napuno ng ungol ang silid. Mahigit isang oras nilang ninamnam ang tamis ng sandaling iyon. Para kay Eric, iyon na ang pinakamasayang sandali ng kanyang buhay.

Hanggang sa umabot na silang dalawa sa sukdulan...



ITUTULOY...

Tilamsik ng Ulan













Para sa mga bigo.
Waaahhhhh!


****************

Tag ulan na naman madilim ang kalangitan
Dala sa puso ko ay ibayong kalungkutan
Paano nga ba kita malilimutan?
Kung sa bawat tilamsik nito
Alaala mo ang siyang nangingibabaw.

Sa lamig ng panahon syang init ng magdamag
Tila noo'y di makaahon sa ligayang nasa hapag

Ngunit...

Pagkatapos ng lahat ikaw ay lumisan
ako'y pinaasa sa lintek na kasinungalingan
Unti unting nawala ang aking pagasa
Na sa bandang huli tayo paring dalawa.

Kasabay ng pagluha ang buhos ng ulan
Nakikisimpatya ata sa pusong sugatan

Shit..

Ang damuhong ulan!
Kakambal ata tlga ng kapighatian!



Kape tayo.
Masarap magkape kapag umuulan...... at kapag bigo... hehe!

Kabiguan











Sa kabila ng ngiti ay ang kabiguan
Ramdam ng sugatang puso sa kaibuturan
Itinakda bang siya sa iyo ay lumisan
Upang mapagtanto mo ang mga bagay-bagay?

Sa madilim na silid doon malayang isinigaw
Ang lahat ng sakit na iyong nararamdaman
Sa silid ring iyon malaya mong ipinakita
Ang pagdaloy ng luha sa iyong mga mata.

Pinilip mong pumikit upang siya ay mayakap
Masagi ng isip ang mga sandaling lumipas
Ngunit parang kaylupit ng mga alaala
Pilit kang itinataboy sa kawalang pag-asa.

Napagod ang puso sa kanyang paghinga
Hindi nakayanan ang lungkot na nadarama
Tuluyang nahapo at dina makagulapay pa
Paalam sa pagibig na di na babalik pa...

:(

A man's journey


I found this in my old USB. Gusto ko lang i-share! :)


*********

Nakakatawa how one falls inlove then falls out of it.
It’s funny rin how one would die looking for it while one would just let it die.

It’s ridiculous how each and every one of us is very much affected by love.
And it’s a wonder how everyone lives/dies because of love.

Well, here is a story...

In a dream, God told me that I could pick up any girl I like from his field. But I have to choose only one. Once na nakapili na ako, I have to raise my hand as a signal that I finally found her, then go back to God for praise.

But hey!

May isa pang kondisyon. I could never turn back. Once na nalampasan ko, I should move on.

So sabi ko, God surely won’t give me rotten crops of women. I've been a good son and I deserve to be with a good woman.

I was confident I’ll get the best pick! So my journey began…

As I went through the field, nakita ko ang ibat-ibang klase ng babae. Some were tempting me to pick them up. And some were indeed tempting to pick up. Pero sabi ko baka sa dulo ng field na ito may mas maganda, mas mabait, mas matalino, mas masipag at mas mahal ako so, I let go.

Once…
Twice…
Thrice…

I believe frequently that in the end of the field is my princess, waiting for my open arms.

Then I saw a girl. She looked at me straight in the eye and blew a kiss. Our gazes met and I don’t know why. Pero there was something in her that I longed for. I felt as if something was drawing me to her. Pero di pwede! Hindi maaari! I have to make it to the end of the field. Baka sabihin ni God, atat ako tsaka wala akong patience. Naisip ko, habang lumalayo ako, makakakita pa ako ng mas mataas na klase ng babae, na baka as I move further eh may mas hihigit pa sa kanya until I reached the end of d field. At wala akong nakita at nakuha.

God asked me...

"Di ba napakakulit mo (Ay! ako pala un!), araw-araw na ginawa ng Diyos eh nagdadasal ka na magkaron ng perfect partner in life, bakit ngaun wala kang dala? My crops are all fresh and good. There's nothing there not ready and good for pickin’…."

I answered,

"I thought I would see someone in the end of d field eh! Juskupow! Wala na pala. Hmp! I thought that each step I took brought me closes to perfection when in fact, each step brought me closer to nothingness!"

I remembered that girl who was looking at me. I know she's the one but I let her go, believing na there's someone better at the end of the field.

God said,

"I’m sorry my child, but I have given you enough time to choose. You should face the reality and its consequences."

With my head bowed down I said,

"I’m sorry, I wasn't brave enough to raise my hand in the middle of the field and commit myself to someone. I was not ready to face the challenges of life with someone I thought was of lesser value than me. I'm sorry."

Nagising akong umiiyak, saying sorry to G0D and feeling sorry 4 myself and my life. Then I realized that God is giving me another chance to choose but not in his field but in the field of uncertainty.

Now I’m thinking about that girl in the field, the girl I felt was for me, wondering what might have been if I raised my hand the moment I saw her. Haysss….

What is the meaning of all my hardships to be successful and wealthy? I may become the most powerful and successful person on earth but if I don’t have that someone whom will I share my love and happiness with, then it will not be worth anything.

Para sa ating lahat ito.

Think about it. We are not getting any younger. Explore God's field. I'm sure nanjan lang xa sa tabi-tabi. Maaaring in the beginning, in the middle or in the end. It’s for you to find out. But most importantly, it’s for you to choose. It’s a part of the whole concept of love.

It’s a risk you have to take, a decision you have to make. And once you have decided on it, there's no turning back. Bear in mind that from this, you’ll have the courage to raise your hand and declare that you’ve found your match whether you are at the beginning, in the middle or at the end of your journey. Or else you'll regret it.

At ang huling phase ng lahat ng yan e ito lang.

Once you’ve raised your hand, go back to God and thank Him. In short, maging kuntento ka sa napili mo. Ikaw naman ang pumili nyan eh. All He did was to give you options. And since, He gave you that privilege, consider it a blessing!

Kuha mo???!

Barbel (Part 1)

Matagal na akong naghahanap at naghihintay. Mabait naman ako. May maayos na trabaho. Hindi naman ako panget pero hindi din kagwapuhan. Cute daw ako ang sabi nila. Ewan ko ba kung bakit napakailap ng tunay na pag-ibig sa akin. Kaya ng dumating si Mark (isang Amboy) sa buhay ko, kinapalan ko na ang mukha ko. Niligawan ko talaga siya.

“Bro, pwede ba kitang ligawan?” sabay titig kay Mark na halos kalahating dipa lang ang layo sa akin kaya alam kong malinaw na narinig nya ang sinabi ko.

“Ha? Ano ka ba?! Are you serious? ang sagot ng nangingiting si Mark.

“Oo nga, seryoso ako. Dati kasi wala naman akong pakialam sa mga naggy-gym dito. Basta ang sa akin lang, maggy-gym ako. Pero noong inapproach mo ako at makipag-alternate sa barbel na ‘yan at nginitian mo ako ng pagkatamis-tamis para akong natulala bro at tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Tulad ngaun, magkausap tayo. Ewan ko ba, the feeling is so strange. Minsan nga pumupunta lang ako dito hindi na para mag gym kundi para lang makita ka. Di ba nakakatawa? Dati wala akong pakialam pero ng makilala kita bigla nalang nagbago ang lahat.

Ngumiti si Mark, tandang tanda ko, iyon ang ngiting ibinigay sa akin ni Mark noong una kaming magkakilala.

Nakakatunaw…

Nakakabaliw…

Minsan pa, inukit ko sa isip ko ang ngiting bumulabog sa puso’t isip ko.

“Tara na nga, mag gym na tayo Eric. Alternate ulit tayo sa barbel ha…?” ang anyaya ni Mark sa akin.

Kinagabihan, hindi ako mktulog. Kanina lang kasi sinabi ko na kay Mark ang aking nararamdaman. Wala naman nagbago. Ganun parin ang pakikitungo nya sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone at nagdesisyong itext si Mark.

“Gising ka pa? Di kasi ako mkatulog eh… (Message sent)

Ilang sandali pa at tumunog ang aking cellphone. Excited kong binuksan ang inbox kung kanino ba galing ang text. Napangiti ako. Si Mark nagreply sa text ko.

“Yup. Bkit naman? Iniisip mo ako? Joke!” ang mensahe ni Mark

“Oo. Hehe! Di ka naman nagcomment kanina noong sabihin ko na....” (Messege sent)

“Dapat ba akong magcomment agad? Sige, gusto mo talaga magcomment ako?”

Kinabhan ako sa reply ni Mark. Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko. Bakit ba kasi naitext ko pa un? Haist! Nagreply ako…

“Ok, di bale nalang. Kapag ready ka na tsaka mo nalang sabihin kung anuman ung sasabihin mo.”

Beep! Beep!

“Ready na ako, ikaw, ready ka na bang marinig ang sasabihin ko?”

Kabadong kabado na ako. Hindi na ako mapakali sa pagkakahiga ko. Nasa isip ko parin ang mukha ng lalaking itinatangi ko ngayon. Ang ngiting una kong minahal dito. Atubili man akong sumagot, sumagot ako at nagawa ko ring pakalmahin ang sarili ko.

“Ok ready nako…..”

“Sige wait lang ha...” ang sagot ni Mark.

Matagal bago muling sumagot si Mark sa text. Naisip ko baka marami rin siyang sasabihin sa akin. Sari- sari ang naiisip ko. Gusto rin kaya ako ni mark? Paano kung hindi? Shit! Mahihiya na siguro akong maggym kapag andun siya… Waahhhhh!

Tumunog ang aking cellphone. Kinakabahan man ako na basahin ang message ni Mark, may halo paring excitement ang nararamdaman ko.

“Ok, ganito… Ang masasabi ko lang sayo… Hatinggabi na po mapupuyat ka kaya matulog na tayo. Ok? See you tomorrow. Goodnight Eric.” At may smiley pang kasama sa dulo ng message nya.

Bigla akong natawa na kinikilig na naiinis kay Mark. Un lang pala ang sasabihin ng Amboy na ‘to pinaghintay at pinakaba pa ako. Paulit-ulit kong binasa ang text ni Mark at sobra akong kinilig talaga dahil sa sinabi niya… "Hatinggabi na po mapupuyat ka."

Nagki-care ba siya sa akin? Hay!

At niyakap ko ang unan na nasa tabi ko na parang nasisiraan ng bait. Papikit-pikit pa. Hahaha! At nakangiti akong natulog ng gabing iyon na puno ng pag-asam sa lalaking nagpatibok ng aking pu........ so! Charot!


Malayo palang tanaw ko na ang kakisigan ni Mark. Wala akong maipipintas sa hubog ng katawan nito. Para siyang si Machete sa pelikula na inukit ni Rosanna Roces. Lumilipad pa ang utak ko sa isiping un ng biglang merong tumapik sa balikat ko.

“Hoy! Bkit tulala ka dyan? Tanghaling tapat nagpapantasya ka. Sino bang pinagpapantasyahan mo? Ako? Uyyyy… Ako ang pinagpapantasyahan mo no? Ano? Ano? Umamin ka!” ang kantyaw sa akin ni Mark habang tinutulak at kinikiliti nya ako.

“Gagong ‘to! Kapal mo ha? Hmm pero may tama ka nga pero slight lang! Hahaha!” ang sagot ko naman habang sinasalag ko ang mga kamay ni mark na kumikiliti sa akin.

Para kaming mga bata na nagkukulitan sa overpass malapit sa isang mall sa Cavite. Walang pakialam sa mga taong nakakakita sa amin. Para sa akin, si Mark lang ang mahalaga ngaun sa buhay ko. Si Mark lang at wala ng iba.

Pagkatapos naming kumain nagyaya si Mark sa bahay nila. Malapit lang naman ang subdivision nina mark kaya madali kaming nakarating doon. Simple lang ang bahay nina mark. May maliit na bakuran at pagpasok ng bahay, ang maayos na sala. Sa corner ang TV set at may aquarium na maliit sa kabilang dulo. Naisip ko tuloy masinop siguro sila sa gamit. Eh si Mark kaya? Ano kaya ang hitsura ng kwarto nya? Maayos din kaya o magulo? May mga posters kaya ng mga babae o katulad ng sa kwarto ko na mga lalake? Pink kaya ang kurtina nya tulad ng sa akin? Charot lang! Kayo naman! Binibiro ko lang kayo. Hehe!

“Hoy! Tara na sa taas! Wala ka na naman sa sarili mo.” Ang wika ni Mark.

“A…. Ah sorry naman. Sa taas? Di ba nakakahiya sa parents mo?

“Wala sila dito. Bukas pa uuwi si Mama. Kailangan kasi ni Mama na pumunta sa Ternate kina lola. Si Papa naman, hindi ko alam. Bata palang kasi ako ng iwan kami ni Papa dahil may pamilya din ito sa Amerika at hanggang ngaun wala na kaming balita sa kanya.

“Ahhhhh.. Pasenxa na bro… So, mag-isa ka lang pala dito ngayon?

“Oo, bakit natatakot kang reypin kita? Hehe!

Hindi kaagad ako nakasagot sa panunukso ni Mark. Pero ng makabwelo ako..

“Hindi ako takot marape! Lalo na kung ikaw ang mangra-rape sa akin. Tara sa taas! Hahaha!” ang panunukso ko ring sagot sa kanya.

“Aha! Hinahamon mo ako ha? Tara pala sa taas ha? Lagot ka sakin ngayon!”

At naghabulan kami sa hagdanan pataas. Napatigil lang ako sa pag-akyat ng mapansin ko na 3 kwarto ang nandoon. Natunugan naman agad ito ni Mark.

“ Hmmm… Eric kapag nahulaan mo kung alin ang room ko jan, may kiss ka sa akin. Ganito oh… UmmmmMmmmwah! “ Nakanguso si Mark na parang nang-aakit ng halik.

“Teka, sure b yan? Naku! Magaling ako manghula. Mapapalaban ka sa akin. Hahaha! Sige ha i-try ko. Hmmm… pero teka…. May kiss ba talaga?

“Hmmmm… oo nga e! Bilisan mong sumagot baka magbago ang isip ko.” sagot ni Mark na may kasamang paghahamon.

“Ok! Ok! Relax. Pag-iisipan ko muna. Sayang ang kiss pag nagkamali ako haha!” at itinuro ko ang kwarto na sa palagay ko ay kay Mark.

“Oh! Well, Let’s see……”

Binuksan ni Mark ang kwarto. Tumambad sa akin ang isang maayos na kwarto. Naamoy ko agad ang air freshener sa loob. May bookshelf, may closet at double size na kama. Blue ang motif ng kwarto at wala akong makitang poster ng lalake o babae kundi isang Chinese Calendar na nakadikit sa pader. Mayroon din na side table at lampshade na nakapatong dito. At napangiti ako ng bonggang bongga ng makita ko ang picture frame ni Mark na nakapatong doon. Shit! Jackpot ito! Haha!

“Hahaha! Paano ba yan Mark? Tama ang hula ko! Asan na ang kiss ko? Haha!”

Napakamot lang c mark sa ulo.

“Pumikit ka muna. Dali na! Tumalikod ka tsaka pumikit ok?” ang sagot ni Mark.

“Teka lang, bakit may ganun pa? Kiss mo nako ung ganito oh… UmmmmMmmwwah!”
Habang iningunguso ko ang labi ko katulad ng ginawa ni Mark kanina.

“Pipikit o walang kiss?” ang pananakot ni Mark.

“Pipikit na po….” ang natatawa kong sagot kay Mark at tumalikod na nga ako ng nakapikit.

Para lang akong taya sa taguan. Habang nakatalikod ako kay Mark at nakapikit, naglalaro na agad ang isip ko. Paano kayang kiss ang gagawin ni Mark sa akin? Baka naman pinagloloko lang ako nito ni Mark. Pero sa kabilang banda, nsasabik ako sa maaaring mangyari. Kinakabahan din ako.

Narinig ko ang paglapat ng pinto. Isinara ito ni mark. Sumunod ang mga kaluskos pagkatapos ay katahimikan. Konting sandali pa at….

“Open your eyes Eric….” Malamig ang boses ni Mark. Malumanay. Masuyo pero lalakeng-lalake ang timbre.

Ramdam na randam ko ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung ano ang pakulong ito ni Mark. Pakiramdam ko maiihi ako sa kaba. Kasi nanginginig ako ng mga sandaling iyon. At dahan-dahan ko na ngang ibinaling ang aking katawan paharap kay Mark…



ITUTULOY…..