Saturday, August 27, 2011
Trip Lang
Araw ng sabado, nakaharap ako sa computer sa loob ng aming opisina. Bawat tikatik ng kamay ng orasan ay aking naririnig. Kahit hindi ko ito bilangin, kusang gumagana ang ugat ng aking utak at naghuhumiyaw na sana ay sumapit na ang alas-5 ng hapon.
Ako nga pala si Josh. Nagtatrabaho dito sa Middle East. Medyo maputi, matangkad at masasabi ko rin na malakas ang appeal sa mga local at kapwa ko pinoy na nagtatrabaho dito. Mababae man, lalake o bading ay malapit sa akin. Hindi naman sa mayabang ako pero simula ng mapunta ako dito sa Middle East parang tumaas ang self-confidence ko dahil sa ipinapakita nilang pagkagiliw sa akin, pagkagiliw na sa bandang huli pala ay may motibo na minsan ay hindi ko matanggihan kaya ako’y nagpapaubaya na lamang sa kama. Hanggang sa dumating ang araw na akin na itong hinahanap-hanap at nagugustuhan.
Sumapit ang alas-5 ng hapon, niligpit ko na ang aking gamit at nilisan ang opisina. Magkikita kasi kami ng aking kaibigang si Lynette sa Lulu Hypermarket. Nagpapasamang mag-grocery. Matagal ko ng kilala si Lynette pero hindi parin nya alam ang aking mga extra-curricular activities. Masyado kasi akong father figure para sa kanya, responsable at tapat na kaibigan.
Habang nasa Lulu kami at busy sa pagkuha ng mga kakailanganin ni Lynette sa kanilang flat ng kanyang kinakasamang British national, napalinga ako sa aking bandang likuran. Hindi sinasadyang napansin ko ang isang lalakeng nakatingin sa akin. Isang local na pakiramdam ko, hinuhubaran ako sa aking kinatatayuan. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi at dahil hindi na naman ako bago sa ganun, nginitian ko rin siya. Hmmm, i-trip ko kaya? Cute naman eh.
Mga ilang sandali pa, nagpaalam ako kay Lynette na mag CR muna dahil parang puputok na ang pantog ko pero ang totoo, gumagawa ako ng paraan para magkasarilinan kami ni Local. Sinulyapan ko muna si Local na nasa bandang likuran ko parin at sinigurado ko na susundan niya ako kung saan man ako pumunta at di nga ako nagkamali. Sumunod ito sa akin.
Walang tao sa loob ng CR at tinungo ko ang isang cubicle doon. Pero bago ako pumasok sa loob, hinintay ko muna si Local na makita nya ako kung saan ako papasok. Iniwan kong bukas ito at sumunod naman siya. Maluwag ang loob kaya kahit dalawa kami doon maayos parin kaming makakagalaw. At kahit kabang-kaba ako noong sandaling iyon hindi ko ito pinansin dahil type ko rin naman siya. Naramdaman ko agad ang paghimas nya sa aking buong katawan. Nagpaubaya lang ako. Initaas nya ang T-shirt ko at malaya nyang nahalikan ang aking makinis na katawan at dalawa kong utong. Napapikit ako ng paglaruan ito ng kanyang dila habang patuloy naman ang paghimas nya sa aking harapan. Nagsisimula ng umapoy ang aming mga damdamin. Kumbaga sa bulkan, nagsisimula ng mag-init ang bukana at ilang sandali nalang ay kukulo na ito at maaari ng sumabog. Huhubarin na sana nya ang pagkakakabit ng aking sinturon pero bigla kaming napatigil sa aming ginagawa ng may pumasok sa kalapit naming cubicle. Sinenyasan ko siya na huwag maingay dahil baka mahuli kaming dalawa kaya sinikap namin na huwag makagawa ng kahit ni isang kaluskos.
Pero parang nananadya ang pagkakataon dahil simula noon hindi na natapos ang pagpasok at paglabas ng mga tao. At dahil dito, parang natauhan ako kaya nagmamadali kong inayos ang aking sarili at mabilis na lumabas sa cubicle na walang lingon-lingon. Iniwan kong nakatulala si Local sa loob.
Halos patakbo kong tinungo ang supermarket. Pinagana ko ang aking mga mata upang matagpuan agad si Lynette at mga ilang estante pa ang nalagpasan ko ng masulyapan ko siya. Dali-dali ko siyang inaya sa second floor, nagtatanong man siya sa akin, hinila ko na agad siya para hindi na siya makapagreklamo pa. Mabuti nalang at may escalator paakyat sa second floor kaya kahit bitbit namin ang basket na pinamili ni Lynette na ang laman lang ay sandamakmak na buto ng pakwan, madali kaming nakaalis doon.
Idinahilan ko nalang kay Lynette na nakita ko si Ex na iniiwasan ko na dahil patuloy parin itong nagtetext sa akin. At madali ko naman itong napaniwala.
Hindi ko na nakita si Local.
Magkrus man ulit ang aming landas, ngiti nalang ang ibibigay ko sa kanya.
Isang nakakaakit na ngiti. Lol!
NEXT!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment