Thursday, August 18, 2011
Unexpected Visitor (Part 2)
Pagkatapos kong magtoothbrush, napatingin ako sa salamin ng di sinasadya. Kitang-kita ko ang repleksiyon ni Hakeem. Nakatingin din siya sa akin kaya nagkasalubong ang aming mga titig sa isat-isa. Lumapit siya sa aking pwesto malapit sa aking likuran sa harap ng salamin. Naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang dibdib sa aking likod at may hatid itong init sa akin at dahil hindi na normal ang kabog ng aking dibdib, binawi ko ang aking tingin at umiwas sa pagkakadikit naming dalawa.
“Ahhh.. excuse Hakeem…,” at kahit nahihiya ako nagawa ko paring ngumiti sa kanya. Nakakatukso ang kanyang mga titig at tingin. Ang malalantik na pilik, ang mapupungay na mata na nakapagpapadagdag ng excitement sa akin. Pero talagang kinakabahan ako sa maaaring maganap sa loob ng public toilet na iyon. Delikado. Kaya nagmadali na akong bumalik sa bus at ilang sandali pa, sumunod narin si Hakeem. Hindi kami nagpansinan. Alam ko nasa likuran ko siya pero hindi ko siya nilingon. Pilit kong binabalewala ang nangyari pero ano bah! Wala pang nangyayari. Kiskis palang yun kaya keri ko pang matulog sa byahe. Hahaha!
12:30 ng tanghali ng marating namin ang Dubai. Bumaba ako ng bus at habang hinihintay kong mabuksan ang compartment para kunin ang aking bagahe, nilapitan ako ni Mohammed na siyang katabi ko sa bus. Kinukuha ang aking mobile number. At dahil gusto kong magpaka-nice, binigay ko naman. Pero sa isip ko, neknek niya! Hindi ko siya rereplyan. Hehehe! At habang kinukuha ko ang aking bagahe, may kamay na sabay kumuha dito. Si Hakeem! Nakangiti sa akin ng bonggang-bongga at hinihila ang aking bagahe palabas ng compartment! Ano pa nga ba, e di nagpalitan kami ng mobile number at nagkasundo na magkikita pagbalik namin sa Oman. haha!
Kinahapunan, nagkasundo kaming magkita ng mga kaibigan ko. Kahit medyo pagod pa ako sa byahe gora ang lola nyo sa Mall of Emirates. Lakad dito, lakad doon, rampa dito, rampa doon. Parang noon lang ulit nakagala sa malalaking malls. Biglang nagvibrate ang aking cellphone. Nakatanggap ako ng message kay Hakeem at nangungumusta. Ipinaalam din nya sa akin kung saang hotel siya tumuloy at anong room number at anytime daw pwede ko siyang puntahan at bisitahin. Bonding daw kami. Hmmm ano kayang klaseng bonding ang gagawin namin? Hahaha!
Hatinggabi narin ng umuwi ako sa flat nina kuya. Text ng text sa akin si Hakeem kung pwede daw akong pumunta sa hotel nya pero dahil pagod na pagod ang aking katawan at gusto ko ng matulog, nangako ako na bukas ko nalang siya bibisitahin….
ITUTULOY
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment