Thursday, August 25, 2011

Ulikba


Hay naku!

Napasulat na naman ako dahil badtrip ako sa amo kong ulikba. Kung masama lang akong empleyado, matagal ko na siyang sinumbong sa Ministry of Labor tsaka sa Philippine Embassy para makulong kaso masyado kasi akong mabait. Charot!

Hindi kasi binibigay lahat ng sahod ko. Nakakabadtrip. Palagi nalang may balanse. Kahit sabihin ko na may emergency sa bahay at kailangan ko na ng sahod ko, hindi parin binibigay kaya tuloy minsan tumatalim ang tabas ng dila ko kapag kausap ko ang ulikba kong boss. Sa totoo lang may pagkamabait ako na spoiled sa employer. Teka, may ganun ba?

Mabait, kasi lahat ng utos nila sinusunod ko. Kahit hindi na sakop ng trabaho ko ginagawa ko para lang mapatunayan ko na magaling ako, na multi-tasker ako. Ganun! Minsan nga pati pagxexerox ginagawa ko rin kasi wala naman masyadong trabaho pero kapag sumusobra na, inuutos ko na kay banggali. Abah, pinoy ako pero di ako papayag na masyado naman akong alilain. Pati nga ballpen, calculator at white paper, hindi pa nila makuha e kalapit lang nila. Ihagis ko nga minsan. Lol!

Spoiled, kasi kapag gusto ko magbakasyon at ok naman ang schedule, pinapayagan ako at libre lahat ng pamasahe pati pagstay ko sa Bangkok, Thailand ng ilang araw, eh libre din. Abah, san ka makakakita ng employer na ganun? Napakabait ng employer ko ‘yun nga lang may pagkasaltik din minsan :)

Maluwag din sa office. Kapag tinatamad ako, nagdadrama ako. Kunyari masama ang pakiramdam ko kaya ayun uuwi ako ng maaga yun pala magbobolakbol lang ako sa Lulu Hypermarket, Centerpoint at Maxx. Minsan aabsent pero walang kaltas yun sa sahod. O db bongga?

Ang kinaiinisan ko lang talaga ay ang ulikbang nandito sa office na walang ginawa kundi magkape sa panahon ng Ramadan at maghintay ng pera sa may-ari ng kompanya namin tapos kapag oras na ng sahuran, hindi naman binibigay ang aming full salary. Matatanggap ko pa sana kung gwapo siya eh kasi sisipagin akong magfollow up kaso kung mukhang ulikba naman diba nakakasura un? Sa halip na masaya ang araw ko eh masisira lang dahil araw-araw akong magfofollow up kay ulikba na saksakan ng itim at taba na nauuna ang tyan kapag lumalakad. Hmp! Shit siya.

Kaya minsan nagkakasagutan kami ni ulikba, pinapamukha ko sa kanya na mali ang ginagawa niya pero paulit-ulit namang ginagawa. Malapit na siyang bumingo sakin pero alam nyo ba, last time na nagtalo kami at nagpasa ako ng resignation letter, kinabukasan pagpasok nya may dalang personal cheque at ibinigay sa akin. Napangiti naman ako. Minsan pala, kahit gaano kakapal ang balat ng ulikba, tinatablan parin ito ng talim ng aking salita. Lol!


********************

No comments: