O xa eto na talaga. Habang naglalakad ako papunta sa shop, napansin ko bakit parang walang tao? Nasa city ako ha, main road, naglalakad pero pakiramdam ko nag-iisa ako. Napakatahimik ng lugar. Walang taong gumagala eh 7pm palang naman. Bigla tuloy akong natakot. Hindi ko kasi dala ang residence card ko (Pataka), e kahit naman dala ko pa yun, expired narin dahil hanggang ngaun hindi parin ako narerenew. Sarado din ang ibang business establishments. Parang mga takot ang tao na lumabas sa kanilang mga lungga. Naisip ko tuloy ganito ba ang eksena pag martial law? Pakiramdam ko talaga, anytime, bigla nalang may dadampot sakin na police, o may sasabog na bomba o babaril sakin tapos bang! Tsugi na ang beauty ko sa Oman. Wahhhhh kaya minadali ko ang paglalakad. Hanggang may nakita akong isang sasakyan sa lumagpas sa crossing.
Mabibilang ko talaga sa daliri ko ang nakita kong tao at sasakyan simula ng lumabas ako ng flat at pumunta sa shop nina Nyoks. Nakakapanibago. As in!
Pagdating ko sa shop, natatawa ako kasi alam ko naman ang dahilan kung bakit pero hindi ko lubos mapaniwalaan na halos lahat sila nasa loob ng bahay at kumakain. Naisip ko tuloy, bakit hindi ko rin subukan magfasting? Hindi ako kakain from 5:00am until 6:45pm. Kahit tubig hindi ako titikim. Hmmmm.. Siguro kung magagawa ko yun sa loob ng isang buwan, matatalo ko ang waistline ni 2010 fourth runner up Ms.Universe Venus Raj. Hehe! Pero alam ko suntok sa buwan ang iniisip ko. Like hindi ko talaga keri yun!
Isang oras din akong nagstay sa shop. Nang lumabas ako at pauwi na, nakita ko normal na ang lahat. Halos hindi nga ako makatawid sa daan sa dami ng sasakyan na humaharorot. Mga nagyayabang. Nasabi ko tuloy sa sarili ko...
"Abah! Busog na ang mga Omani. Mukhang nakadighay na sila ng bonggang-bongga!"
O xa mga shupatid, babush na at tatawagan ko muna ang employer ko. Siguro naman nakadighay narin siya at sana makausap ko na siya ng matino tungkol sa renewal ng aking visa. Ayokong matagpuan ang sarili ko sa Oman na nakahawak sa mga rehas na bakal. Aw!
No comments:
Post a Comment