Tuesday, August 16, 2011

Unexpected Visitor (Part 1)



“Yela, bye habibi, thank you….,” ang narinig kong sinabi ni Hakeem bago ko tuluyang isara ang pinto ng aming flat.

Ilang minuto narin ang nagdaan mula ng umalis si Hakeem sa flat pero hindi parin mawala ang ngiti sa aking mga labi.


Si Hakeem. Ang aking kaibigan. Wala pa kaming 1 taon na magkakilala pero sa maikling panahon na nakakasama ko siya alam kong naiiba siya sa lahat ng Omani na nakilala ko. Masaya ako pag kasama ko siya at ganun din siya sa akin. Hindi kami nauubusan ng kwento. Kahit may language barrier sa pagitan naming dalawa, hindi ito nagiging malaking problema. Hindi ko alam. Para bang may nag-uugnay sa aming dalawa. Pakiramdam ko may magic. May kiliti. May kilig.

*******************************************************************

STOPOVER.
Bumaba ako ng bus. Nagmasid sa paligid. Marami sa kanila ang pumasok sa isang maliit na restaurant at bumili ng kape at tsaa. Katulad nila, nanginginig narin ako sa lamig ng gabing iyon. Kahit nakajacket ako nanonoot parin ang lamig sa kasingit-singitan ng aking katawan. Hindi naman ako sanay uminom ng mainit na kape o tsaa na kalimitang siniserve sa isang restaurant kaya nanatili nalang akong nakatayo malapit sa bus na aking sinasakyan patungo sa United Arab Emirates.

Nainip ako kaya kinuha ko ang aking cellphone sa bag. Badtrip! Wala namang signal. Saang lupalop na kaya kami ng mundo nakarating at ang natatanaw ko lang ay malawak na kadiliman sa dakong iyon ng Oman? Nakakatakot pero malakas talaga ang loob ko magbyahe kahit alam kong 15 hours ang itatagal nito mula Salalah,Oman to Dubai.

Naramdaman ko ang paglapit ng isang lalake. Nakangiti na agad sa akin si local. Para akong nababato-balani sa kisig at tangkad nito. Hindi masyadong maputi, hindi rin naman masyadong kagwapuhan, saktong-sakto lang pero sapat na ang mga ngiti nya para suklian ko rin ito ng bonggang-bonggang ngiti. Lol!

“Filipini..?” Ang tanong niya sa akin at tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya.

“Your face is familiar to me,” ang karugtong na sinabi pa nya sa akin.

Doon nagsimula ang aming kwentuhan. Nalaman ko na Hakeem ang pangalan nya. Nagtatrabaho sa isang pinakasikat na Bangko dito sa Oman at bilang patunay, binigyan niya ako ng calling card. Nalaman ko rin na kilala niya ang aking employer at ilang beses narin nya itong nakadaupang palad dahil meron itong account kung saan siya nagtatrabaho. At malamang, nasabi nyang familiar ako sa kanya dahil madalas ako ang pumupunta sa bangko para kunin ang bank statement ng aming kompanya. Madali kaming nagkapalagayan ng loob. At ng paalis na muli ang bus, sumakay na kaming dalawa.

Sa may likuran ko pala siya nakapwesto at katabi ko naman ang isa pang lalake na nagpakilala sa akin na Mohammed. Sa terminal palang pagsakay namin ng bus, napapansin ko na, na patingin-tingin sa akin si Mohammed. At hindi na ako nagulat ng sa akin siya tumabi. Naiinis man ako wala akong nagawa. Hindi narin naman ako makalipat dahil okupado na agad ang lahat ng upuan. Iraqui si Mohammed, palagi akong kinukwento at pilit ang aking mga sagot. Hindi ko siya feel, dahil pakiramdam ko lahat ng boylet na katabi namin sa bus ay inaagaw sakin. Napakadaldal. Lahat nalang kinausap. Nagmamaganda ang hitad. Ang gagwapo pa naman ng mga local na kasakay namin at mga fresh pa. Meaning, mga bagets pa. Haha! At hindi ko masyadong matitigan ang mga bagets na ito dahil nakaharang siya. Berde rin kasi ang dugo ni Mohammed Iraqui! Alam ko yun! Kaya kakabadtrip. LOL!

Ilang oras din ang lumipas bago namin marating ang border. Nagising lang ako sa sigaw ng isang omani dahil nangongolekta na ito ng passport at residence card para ito’y matatakan. Pagtingin ko sa labas, lumiliwanag na ang paligid. Pumarada ang bus na aming sinasakyan. Kanya-kanyang diskarte ang mga pasahero. ‘Yung iba, bumaba at ang iba naman nanatili sa loob ng bus at alam ko na dapat maging maingat ako dahil sa bawat sulok ng lugar ay may nakatagong surveillance camera. Pero anong gagawin ko? Ihing-ihi na ako. Kaya nagmamadali akong bumaba ng bus. Sinita pa ako ng driver pero sabi ko naiihi na ako kaya pinayagan narin ako. Pagpasok ko sa toilet room, ako lang mag-isa. Pagkatapos umihi, nanalamin ako. Tiningnan ko sa salamin kung maganda parin ako kahit bagong gising. Charossssss! Naghilamos at nagtoothbrush. Hindi pa ako tapos sa aking ginagawa ng biglang bumukas ang pinto— si Hakeem ang pumasok. Nakangiti sa akin at dumerecho sa isang cubicle....

Kinabahan ako sa ngiti nya kasi parang iba, parang may malisya, o baka naman ako lang ang nagiisip ng ganun. At ewan ko ba, noong oras na iyon, bigla nalang ako nakaramdam ng excitement :)



ITUTULOY.


No comments: