
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Middle East ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash padala sa pinas. Kasi pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila mayaman ka na at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo ang pinapadala mong walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna.
Pag may okasyon sa pinas halimbawa birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad ng panghanda, sarap ng kainan nila di nila alam ikaw ay nagtitiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat. Hay naku! hahaha!
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, kapatid, asawa't anak, mga pamangkin at iba pa na namumulot ka ng pera sa Middle East. Kada may problema text kaagad, kumusta sa una, sa bandang huli kelangan na ng pera! Hay naku… Nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos. Minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa sa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan, dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa nagreply aawayin ka pa!
Akala nila masarap maging OFW na tinatawag na Bagong Bayani. Naku mas masarap pa yong nasa pinas na khit mahirap kasama mo naman ang pamilya mo! Dito sa Middle East utang mo ang kasama mo na lalong dumarami. Di ka na nga makauwi kasi ultimo roundtrip ticket mo kina-cash mo mapadala lang at ibayad sa utang.
Akala nila sosyal ka na sa kulay ng buhok mo na uso at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas ka nalalagas pa!
Pag-uwi mo ng pinas big time ang dating mo kasi mestiso ka na, maputi at mamula-mula na ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay dahil no choice ka, mga kapitbahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alamanan at kung lalabas ka masusunog ang balat mo sa tindi ng init ng araw, sobra!
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse dito maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw. O kaya naman tiyaga kang mag–abang ng Taxi o Coaster o Bus na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo ay amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak. Madami mga pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka pa mga manyakis at rapist na patan at arabo ang makakasakay mo.
Akala nila masarap ang buhay dito, ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho terminated ka, gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo Pilipino. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag kasama mo ang syota mo o bka merong kabayan na magsumbong sayo at ipahuli ka sa pulis dahil kasama mo ang jowa mo, pero madami pa din sa ating mga matatalinong kabayan ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal!
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng mga picture mo na nakakampay hawak ang alak sa loob ng isang sosyal na hotel, picture na sumasandok ka ng masarap na pagkain sa buffet area ng isang sikat na kainan, picture na nakatabi ka sa ferrari, lambhorgini, ducati, sa corniche at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mong ngumiti kase minsan-minsan ka lang makakapagpapicture at para madagdag sa facebook photo album hehehe.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase ibang pera ang sinusweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pag pinalit mo ng peso, pero yun pa rin ang perang ginagastos mo dito. Ibig sabihin ang dirham o riyal mong kinita sa presyong dirham o riyal mo din gagastusin. Ang sardinas P15 sa Pilipinas dito pag nagconvert ka aabot ng P30 ang isa, ang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P25.00, dito aabot ng P70 ang isang kaha, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo abah mamamatay ka sa highblood o hepa nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri, kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice ka na, you have to take the risk .
Akala nila buhay milyonaryo ka na, kasi paguwi mo ng pinas ang dami mong pera, ang mamahal ng gamit mo, ang bango bango mo palagi, bili ka dito bili ka dun, gimik kung saan-saan at libre lahat ng barkada mo. Nag pa-lypo ka pa kay Calayan at nagparetoke kay Vicky Belo, pero ang totoo nagloan ka ng bonggang-bongga sa Bangko na huhulugan mo ng tumatagingting na limang taon, dun na mapupunta lahat ng sahod mo kasi monthly ang bayad sa loan mo, sa credit cards at iba mo pang bills so, wala nang matitira sayo. Hay naku si kawawang Juan one day millionaire pinahawak lang ng pera nakalimutan na ang mga susunod pang mga araw. Ibig sabihin, alipin ka ng luho mo at ng bansang ito. Kasi nga di mo ginamit ng maayos ang perang hiniram mo, magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
Maraming naghahangad na makarating sa ibang bansa. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, dahil sa hirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa mas mahirap pa dito kasi wala kang outlet ng stress mo. Hindi mo kasama ang mahal mo sa buhay - ang pamilya mo at sa katotohanang madaming bawal dito.
Hindi porke't dirhams, rials o ano pa mang pera ang sweldo mo ibig sabihin yayaman ka na, kailangan mo pa din magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa, katulad din ng ginagawa natin sa Pinas.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang sinilangan mo at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot o pinipitas o iniigib ang pera dito. Sana maintindihan yan ng mga pamilya namin, sana maintindihan yan ng mga tao sa Pilipinas lalo na sa mga taong umaasa nalang sa padala namin. Hindi rin ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
Mahirap mangibang bansa at manilbihan sa dayuhan.
Mahirap mawalay sa pamilya.
Hangga’t may OFW, nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay simbolo ng kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Hindi masamang magsaya at gumastos para sa sarili, pero Juan mag-iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!
2 comments:
tama.. d lng nila alam hirap mg abroad lalo n sa una. ultimo tulugan mo ginto ang presyo
tama ka jan! :)
Post a Comment