

Boylet: Kumusta ka na?
Kian: Ok naman, nasa work. :)
Boylet: Miss na kita…
Ayan, sakto naman si boylet oh! May ikukwento na tuloy ako hahaha! At dahil minessage mo ako, ikaw ang topic ko. Hihihi!
Year 2008, umuwi ng Pinas ang isa sa pinakamalapit kong friend galing Dubai-- si Paris. Paldo ang lola mo kaya naman ininvite nya kaming dalawa ni Pakner Diana na pumunta sa Puerto Galera. Syempre kasama ang jowawis ni friend at isa pa naming barkadang lalake. At dahil libre naman ang tutuluyan, gora ang mga uhaw sa gala. Hindi mag-kandaugaga si pakner diana sa bitbit nyang swimsuit. Syempre hindi papatalo ang ating balik-bayang si Paris Hilton.
So, ayan na nga, ininvade ng grupo ang Puerto Galera. Nagenjoy ng husto at parang walang kapaguran na tinakbo ang kainitan ng buhangin. At kahit hindi pa naabsorb ng balat ang Nivea Sun Block na ipinahid sa buong katawan, ang dalawang girlaloo na kasama ko ay nagtatakbo na suot ang kanilang swimsuit na kakampay-kampay pa ang mga kamay. Parang mga gaga. Naiwan tuloy akong nakatulala. Hindi na nahiya ang mga ito. At ng masayaran ng tubig ang kanilang mga paa, automatic na lumublob na sa tubig. Excited much ang mga bruha. At dahil hindi naman ako pakipot, nang ayain nila ako, lumusong narin ako sa tubig na suot ang aking bikining itim. Ang lagay sila lang? Papakabog ba ako? Bwahahaha! Charot lang! Naka boardshorts po ako. Hindi ako bale para magsuot nun. Mawawala ang tubig sa dagat pag nangyari yun hehe!
Sobra kaming nagenjoy sa Puerto Galera. Nanood ng kung anek-anek na show sa beach kapag sasapit ang gabi. Kumain ng paborito kong mango crepe at inihaw. Magpatatoo. Magpabraid. Mamili ng shorts, sando at T-shirt na pwedeng pasalubong hanggang hindi namin namalayan na huling gabi na pala namin doon. Napagdesisyunan naming uminom. Party party kami hanggang sa ako’y senglot na at naghahanap na ng lalake. Shit! Bakit ba kasi ganun ako? Kapag nalalasing na, gusto na ng kayakap at kahalikan. Lumalakas narin ang loob ko. Nawawala na ang pagiging maria clara ko. Parang lahat ng lalake sa paligid gusto kong kaibiganin lalo na ang mga gwapo. Wahhhhhhhhh!
Inaya ko sila sa batuhan. Sabi ng mga friends kong PLU, maraming nangyayaring milagro sa batuhan sa Puerto Galera. Naisip ko tuloy bakit hindi ko itry? At dahil malakas na ang loob ng lola nyo gora ako sa batuhan. Ang KJ naman ni Friend at Pakner, umupo nalang sa buhangin at ako nalang daw mag-isa ang pumunta. Habang tinatahak ko ang kadiliman ng paligid patungo sa batuhan, nakakaramdam ako ng kaba pero mas malakas ang libog. Lol! Ganun talaga siguro kapag nakakainom, tumataas ang libido natin.
Narating ko ang batuhan. Hmmm pansin ko agad, mukhang may milagro ngang ginagawa ang mga nandoon. Lumapit ako. As in nilapitan ko sila talaga. Gusto ko kasing makita kung ano ang ginagawa nila kahit alam ko naman kung ano ang pwede nilang gawin sa isat-isa. Hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila. Bigla kong naramdaman ang paghawak sa akin ng isang lalake, sumunod ang isa pa, hinihimas ang aking……..
Braso!!!!!!!
Kayo talaga. Braso lang. hehehe. Pero umiwas ako kaya sila nalang ang nagkiskisan. Gusto ko lang kasi manood eh! Live show lang ba. Ang natitirang tatlo, ayun, busy sa pagsupsop sa isa’t isa. Tunog palang, parang nagmamadaling sumupsop ng ice cream na natutunaw. OMG! Ang bastos ko naman. Lol!
Aalis na sana ako ng biglang may maramdaman ako sa likod ko. May dumating pa palang isang lalake. Matangkad siya sakin, as if matangkad ako sa height kong 5’5. Haha! Siguro mga 5’7 siya. Binulungan nya ako at kung anuman ang sinabi nya… sa akin nalang yun. Hehe!
Naaninag ko ang mukha nya ng hindi sinasadya dahil sa sinag ng flashlight na nanggaling sa paparating na mga kalalakihan. At sa palagay ko, pasado naman siya sa taste ko kaya ng hinila nya ako sa isang lugar malapit sa batuhan hindi na ako nagpakipot pa. Para kaming bagong pasok sa school, introduce yourself muna sa isa’t-isa. Abah dapat lang noh? Kasi ilang sandali pa, magpapalitan na kami ng laway, maghihimasan at magsusupsupan na tapos hindi namin alam ang pangalan ng bawat isa? Paano nalang pag tinanong ako ni Pakner ng ganito….
Pakner: O ano, may nakatrip ka ba sa batuhan?
Kian: Oo naman ako pa!
Pakner: Talaga? Anong name? Tagasaan? Ilang taon? Maganda ba katawan? Gwapo ba? May trabaho? May kotse? May kapatid bang lalake? Titingnan ko Pakner!!!!!
Jusko. Ganyan talaga si Pakner. Mas excited pa sa akin pag may lalake. Maraming tanong. Kaya dapat kahit basic info lang, alam ko. Haha!
Pagkatapos ng konting chikahan namin malapit sa batuhan, nagsimula na ang kanyang mga kamay. Noong una sa braso ko lang, nagpapakiramdaman kami. Jusko may ganun pa. Bakit ba hindi na agad i-grab at magpalitan na ng ngala-ngala para tapos na. Lol! Hindi pwede. Dapat romantic. Eeeeeh! Hanggang maramdaman ko ang paggapang nito sa aking buong katawan at sumentro doon. Hinalikan nya ako sa leeg patungo sa aking tenga. Shit! Andun pa naman ang aking weakness. Kaya nagpaubaya nalang ako. Ano ba. Hindi ko na kasi kaya ang nararamdaman ko. Sasabog na ang ulo ko. Charot!
……….. at nangyari na nga ang naganap na. Syempre naligayahan din siya. Lol!
Marami akong nalaman sa kanya. Akala ko dayo rin siya sa Puerto Galera, yun pala mismong tagaroon siya. Nakita daw nya akong umiinom at medyo senglot na kaya ng makita nya kami na papuntang batuhan, sinundan niya ako. Hindi lang siya makaporma kasi may kasama ako. Pero ng hayaan nila ako na pumunta sa batuhan na mag-isa, dun na siya nagkaroon ng pagkakataon. Kaya naman pala sa bandang likuran ko siya nanggaling. Ako pala talaga ang puntirya nya. Magaling na boylet ito. Sinigurado na mahuhuli nya ako. Oh well, swerte nya kasi natikman nya ako. Bwahahaha! Kapal ko.
Hanggang ngayon, patuloy parin ang communication namin. Alam ko na hindi maganda ang naging simula ng aming pagkakaibigan dahil ito ay nabahiran ng hindi magandang gawain (pero masarap( ") pero narealize ko din na bakit ko pa ba iisipin ang mga bagay na iyon. Nangyari na ang lahat. Hindi na namin maibabalik. Ang importante dito, natanggap namin ang isa’t-isa at patuloy naming inaalagaan ang aming relasyon bilang isang magkaibigan. Para kasi sa akin, hindi ko titingnan kung paano nagsimula ang isang bagay. Nagsimula man ito sa maganda o pangit, mas bibigyan ko parin ng atensiyon at pagpapahalaga kung paano ito yumabong at paanong magbibigay ito ng inspirasyon sa iba.
Ang pagkakaibigan ay parang mga bato lang din. Subukan mong baybayin ang dalampasigan at makakakita ka ng mapuputi at maiitim na bato. Hindi man natin aminin sa mga sarili natin, madalas puti ang ating napapansin at hinahangaan. Sa simula nasisilaw tayo sa linis at ganda ng mga ito. Pero alam nyo ba na naniniwala ako na maaaring magbago ang lahat sa isang hampas lang ng malakas na alon? Sa paghampas nito, ang batong gustong-gusto mo at iyong hinahangaan ay maaaring madala ng alon sa laot ng dagat at maaaring hindi na makabalik pa sa pampang. Hindi mo na mahanap. Hindi mo na masisid. Hindi mo na maabot. Hindi mo na mahawakan.
Sa kabilang banda, ang mga bato naman na hindi mo madalas napapansin dahil sa dungis nito ang siyang nananatili sa dalampasigan. Sa paglipas ng panahon, hindi man natin maintindihan at maipaliwanag, nagbabago ang kulay at anyo nito. Kung dati maitim ito, nagiging mapusyaw na at pagtagal nagiging maputi narin. Minsan pa nga ang mga ito ay nagdidikit-dikit na at kahit anong pilit mo, kahit anong gawin mong pag-ire, kahit lumabas pa ang alimuranas mo sa pwet (aw!) hindi mo ito mapaghihiwalay. Ganun katibay. Ganun katigas. Ganun katatag.
Ganyan din ang pagkakaibigan. Kahit hindi maganda ang naging simula, pinagtitibay naman ito ng panahon at unos na pinagdaraanan. :)

No comments:
Post a Comment