Sunday, August 28, 2011
Eid Holidays
Hanggang tenga ang ngiti ko ngaun. Siguro halos lahat ng mga nagtatrabaho sa middle east ay ganito rin ang pakiramdam dahil last day of work na. Medyo mahaba-haba rin ang holiday (6days- Aug30-September4) kaya naman ang mga kaibigan ko dito ay abala na sa pagpaplano maliban sa akin.
Kawawa naman ako. Plano sana ng lola nyo na gumora sa UAE kaso hanggang ngaun hindi parin narerenew ang working visa ko kaya for sure hindi ko masyadong maeenjoy ang aking bakasyon. Pero di bale na, eenjoyin ko nalang ang mga local na lalake dito sa Oman. Charot!
Eid-Al-Fitr!
Pagkatapos ng halos isang buwang pagtitika ng mga Muslim para malinis ang kanilang mga sarili, ipagdiriwang na nila ang Eid-Al-Fitr na ang ibig sabihin ay "Bagong Simula" o "Bagong Buhay". Dito na magsisimula ang panibagong pagkakataon para sa lahat ng kapatid nating Muslim.
At habang sinusulat ko ang mga titik sa pahinang ito ng aking blog, busy na ang mga kaibigan nating Muslim. Kwento nga sa akin ng tagatimpla namin ng kape at tsa-a dito, kapag daw sumasapit ang eid, malaki-laki daw ang ipinapadala nyang pera sa pamilya nya sa Bangladesh dahil talaga daw naghahanda ng masasarap na pagkain ang kanyang ina. Ito rin daw ang panahon na bumibili sila ng mga bagong damit at ibang kagamitan tulad ng relo at sapatos. Kumbaga sa atin, katumbas ito ng Pasko at Bagong Taon.
Sa panahon din daw na ito, maaari akong humingi ng eideya (regalo) sa mga Muslim na makakasalubong o makikita ko. Parang aginaldo lang sa atin. At talaga daw nagbibigay sila, dahil ito ay naaayon sa kanilang tradisyon na hindi pwedeng tanggihan. Nakakatuwa naman. Hmmm ma-itry nga sa Tuesday! Lahat ng makakasalubong ko na Omani na type ko, hihingan ko ng kiss! hihihi!
Pero bakit wala man lang kaming bonus?
Inutangan pa ako ng officemate ko na Omani at nangako na babayaran ako after eid. At dahil mabait ako, pinahiram ko naman ng kinse-mil dahil naiintindihan ko na mahalaga ang okasyon na ito para sa kanila. Basta bayaran nya ako after eid dahil kung hindi, babalatan ko siya na parang sibuyas. Hmp!
Sana makagala ako sa eid… :(
Eid Mubarak!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment