Thursday, August 25, 2011
TORETE
Magisa lang ako sa kwarto at dahil may sarili akong computer, lahat ng gusto kong tingnan, panoorin, basahin at isulat dito, nagagawa ko.
Mahilig ako tumingin ng mga pictures ng mga artista lalo na kung mga nakahubad ito, manood ng porn, magbasa sa mga blogs lalo na kung m2m stories at dahil isa ako sa mga nahihilig magsulat sa mga panahong ito, nagkaroon din ako ng sariling blog kung saan naibabahagi ko ang aking mga karanasan, nasasaloob, pinapangarap at pinagpapantasyahan. Totoo man o hindi ang aking mga sinusulat, wala na kayong pakialam dun. Charot! Basta ang sa akin lang, may makuha sana kayong aral hindi puro kalandian. :)
Habang nasa ika 22 email address na ako para ivote si Shamcey Supsup sa nalalapit na Miss Universe na gaganapin sa Brazil, biglang nagdatingan ang aking mga pamangkin. Miss na miss ako ng mga bulinggit dahil minsan lang naman sila bumisita sa bahay at minsan lang nila makita ang tito nilang ubod ng gwapo. Ehem! Charing lang! Pero dahil ang concentration ko ay nasa Miss Universe Website, Telemundo at Missosology na sinabayan pa ng facebook at twitter, hindi ko sila masyadong pinansin at sige parin ako sa pagboto kay Shamcey Supsup, 25, PHILIPPINES!
Sa madaling salita hindi ko pinansin ang mga bulinggit kong pamangkin.
Lumipas ang kalahating minuto, naririnig ko silang nagsasagutan ng iyak. Talo pa nila ang mga nagsisigawang fans kapag Miss Universe pageant na o kaya kapag amateur singing contest sa aming barangay na puro panget namang magsikanta kaya nauuwi lang sa malakas na kantyawan at ang gagawin ko naman uuwi nalang ako sa bahay at manonood ng porn. Masarap pang pakinggan ang tunog ng ohhhh… shittt…. Ahhhhh… I love it baby, fuck me hard charot!
Teka, mabalik tayo sa mga pamangkin kong nagpapaligsahan pagiyak, pataasan sila ng tono. Ang iingay, nakakatorete at kapag ganyan na ang eksena sa bahay, madaling maginit ang ulo ko. Pinapagalitan ko sila at sa tuwing gagawin ko naman un lalo silang nagiiyakan na parang inagawan mo ng candy.
Kaya ayun, talo parin ako. So, ako nalang ang aalis ng bahay at magmamall. Kapitbahay lang kasi namin ang SM DASMA kaya ilang kembot lang, rampa na ang lola mo. Pero kapag andun na ako, wala naman akong masyado nagagawa. Patingin-tingin, naghahanap ng gwapo, tumitingin ng damit at sapatos hanggang mapagod ako kalalakad. Tapos habang tumatagal, maiinis narin ako dahil wala akong makitang gwapo na pwede kong titigan at sundan-sundan. Lol!
Gawain ko rin ang tumambay sa Odessey tapos pasimpleng papasadahan ng tingin ang mga nakahilerang indie film tapos maingat na dadampot ng cd na ang title “Barako” at pagkatapos basahin ang summary ng story sa likod, hindi parin nakuntento, pasimpleng dadampot ulit ng isa pa na ang title naman “Wanted: Male Boarders” hahaha! Pagkatapos noon, pupunta naman sa mga albums ng bagong artista na sumisikat sa larangan ng Musika.
Napansin ko tuloy sa mga nakahilerang bagong album ang larawan ni Jaco Benin. Noong isang araw lang napanood ko siya sa KrisTV at kapag nakafocus sa kanya ang camera kinikilig ako sa kagwapuhan nya. Madalas inaabangan ko rin siya sa ASAP Rocks kaya kahit wala akong balak bumili, napabili ako ng album nya na ang carrier single ay TORETE.
Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Nagsisimula palang akong magkamuwang noon pero napakahilig ko nadaw kumanta. Inilalagay daw ako ng nanay at tatay ko sa ibabaw ng lamesa tapos pinapakanta nila ako. At habang lumalaki ako, hindi lang pagkanta ang ginawa ko, pati pagsayaw at pagtula ginawa ko rin kaya pala andami kong ribbon at medal na nakadisplay sa bahay. Dahil daw yun sa mga pinaggagawa ko noong bata palang ako sa school. At natatandaan ko pa, grade 5 ako noon, sumali ako sa isang singing contest sa bayan. Birit kung birit ang kinanta ng lola mo. Parang sa akin ang moment na iyon. Nanalo naman ako. Mantakin nyo ‘yun, third placer ako. Tatlo kaming naglaban :)
Bigla ko tuloy naisip ang mga pamangkin ko. Siguro, ganun din ako noong bata pa ako. Mahilig makipagpaligsahan sa pagiyak.
Napangiti ako.
Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa Jollibee at bumili ng chikenjoy para sa mga pamangkin kong nakakatorete pero labs na labs ko. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
natawa ako dun sa may Shamcey SUpsup 25 philippines... heheheh.... ako din bumoboto sa kanya kaso 10times lang perday.. mas nagaganahan akong magbasa sa MISSO...
kakatuwa kasi magbasa about mga candidates.. Miss Universe Fever ika nga lol..... hahahah
Ako din boto lang ng boto pati sa telemundo kasi baka hindi counted ang votes ko dito sa middle east. pero ok lang. vote parin.
Post a Comment