Wednesday, December 14, 2011

Hindi Ako Si Elisa!


Hindi ako nawawala!!!!

Ilan na ang nagtanong kung asan na ba ako? Hindi naman ako nagtatago. In fact, nakakapagonline parin naman ako sa facebook, yun nga lang hindi na katulad ng dati na everyday maingay ako. 

Masyado kasing masalimuot ang buhay ko ngayon. Masyadong masikip, mahirap, nakakainis, nakakastress, nakakadepress, nakakapuyat at nakakapangit. Hindi ko alam kung bakit ako dumadaan sa ganitong pagsubok basta ang alam ko lang, matatapos din ito, matatapos din ang paghihintay ko. Anuman ang nasa dulo ng lahat ng ito, ang iniisip ko nalang, may magandang bagay o pangyayari na naghihintay sa akin. Sabi nga ng matandang kapitbahay namin noon sa probinsiya na ngaun ay ilan taon ng nakabaon sa lupa, may kayamanan sa dulo ng bahaghari. Sana nga. Sana nga totoo dahil kung hindi..... Hay naku ibabaon ko ulit siya sa lupa! Charot!

Sa kabila ng lahat, nakakangiti parin ako. Bakit nga ba ganun ang buhay? Madalas hindi laging balanse. Minsan ok ang trabaho pero bokya naman sa pag-ibig. Kapag namumukadkad naman ang pagibig, bokya naman sa trabaho. Sus ginoo! Pero para sakin, lahat ng pangit ipinagpapasalamat ko parin kasi hindi ko makikita at maaapreciate ang ganda ng isang bagay kung wala akong nakikita o nararanasang pangit sa buhay ko.

Wish ko lang at patuloy kong ipinagdarasal na matauhan na sana si Elisa este ang mga taong nagpapaasa at nagbibigay sakin ng konsumisyon. Hindi naman ako demanding na tao. Hindi ako palahingi. Hindi ako reklamador. Kinukuha ko lang ang para sa akin. Ngaun, kung hindi nila maibigay, bakit hindi nila ako kausapin? Nandito lang naman ako, naghihintay. Hindi naman ako nagtatago, at isa pa madali naman akong kausap. Hay naku Elisa! Basta ako, ayokong manghingi. Ibigay nalang kung ibibigay talaga.

Hindi ko nga hiningi ang jowa kong 'to! Basta nagkabanggaan lang kami at nagkatinginan. Tapos ayun, may spark pala. May koryente. Lol! 




Hindi rin ako nagdemand na dapat ganito siya, dapat ganun, dapat gwapo. Hindi ako mareklamo talaga. Kung sinong dumating at naramdaman ko na mahal ko, e di siya na. Kung anong ibigay sakin, e di un lang. Dapat kong tanggapin, mahalin at alagaan.

Hindi talaga ako demanding, promise! Ewan ko ba?!  :)  :)  :)

Basta love ko habibi ko at ayaw ko siyang iwan. Kapag pwede, dadalahin ko rin siya paguwi ko ng Pinas! Hahaha! Chos!


Wednesday, November 23, 2011

So Sick And Tired...


Message to myself today:
Don't be depressed about losing something. You are strong enough to face all the challenges of life. If you can't get what is right for you today, think that you can get more in the future.  
Circumstances can certainly make life unhappy but i know you have the power of positive behavior and the strength to magnetize all the goodness in life. Don't let anyone ever make you feel like you don't deserve to be happy. 
Life is about taking chances so take your chance...




***************************

I'm so depressed tonight... 

Ilang days nako naghihintay. Sumasakit narin ang ulo ko kaiisip. I really don't know if i'll still be able to get what is just right for me after my more than 2 years in the company. There were nights na hindi ako dalawin ng antok. Nagkakasakit  narin ako. I really wanna go back to Philippines pero hindi ako makauwi dahil expired na ang visa ko. 

Marami sa inyo, ibang mukha ang nakikita nyo sa akin sa facebook. Very positive sa buhay, lively, friendly, maharot, malandi, parang walang problema, ang gaan gaan ng buhay. Most of the day naman ganun talaga ako. Gusto ko kasi palaging masaya, gusto ko everyday meron akong napapasayang tao, gusto ko nakakapagbigay ako ng inspiration at gusto ko may natututunan sila sakin sa bawat kilos at salitang ibinabahagi ko sa kanila. Kahit mga simple deeds lang 'yun, i want to feel na kahit paano nagkakaron 'yun ng impact sa kanila.
   
Sa office naman masunurin ako. Hindi ko ugaling magdemand. Hindi ko ugaling makipagtalo at lalong hindi ko ugali na umabsent. Pero nakalimutan ko, tao rin pala ako. Napapagod, nauubos ang pasensya, sumasabog, nagkakasakit. 

If you could only see my face tonight, wala kang makikitang bahid na saya. Sa sobrang inis ko sa mga bagay-bagay at mga taong iresponsable sa paligid ko, umiyak ako. Sinabayan ko si Aiko Melendez at Christine Reyes sa reputasyon habang nagkakapatawaran na sila. Feeling ko kasi kailangan ko naring umiyak. Masyado ng matagal na hindi ako nagpalabas ng luha dahil nawili ata ako sa happy go lucky life ko. 

May nagtetext na naman sa akin ngaun, new number. At dahil wala ako sa mood ngaun, sinabi ko nalang na busy ako. 

Me against the world ata ang drama ng life ko nowadays.  

Hays...

Monday, November 21, 2011

Happy Birthday To Me!


I would like to thank everyone who greeted me on my special day.
It means so much to me.

Special thanks to all my friends who made birthday fansign for me.
Y'all really made me happy.

To my loving family and relatives, thanks for the birthday wishes.
Y'all made my day!

Most importantly, thank you Oh Dear Lord for all the blessings you
have showered upon me, for this precious life and for allowing me to
feel and experience the many joys of love.

I love y'all! :)











































Sunday, November 13, 2011

Love! Love! Love!


Had a special date last night @Pizza Hut. 

So happy when I heard his voice again and asked me out after not seeing him- my beloved, for a month. 

We talked and shared a lot of things, we laughed out loud not minding other people and that shows how much we've missed each other's company.

I also finally got the chance to introduce him to my friends and that really means a lot to me... :) 


Love! Love! Love! 

"I'm very happy and I love you so much!" 

That was his message when I reached home last night.



Then, I smiled sweetly. :)


Another gift on my birthday from our Almighty. 

Sunday, October 30, 2011

Pizza Hut


Last thursday, nagdadalawang-isip pa akong pumunta sa Lulu Hypermarket. Hindi kasi ako tinext ng kaibigan ko na madalas kong kasama sa tuwing mago-grocery ako. Night shift siguro siya ngaun kaya madalang magparamdam. Sumapit ang alas-2 ng hapon nang makatanggap ako ng text galing kay Ate, isa sa mga  kasama ko sa bahay, humihiram ng 20 Omani rials (Php2,240) dahil wala raw siyang dalang pera at gusto nyang mamili sa Lulu kaya nagdecide narin ako na pagkatapos ng trabaho, dun narin ako dederetso.

Doon nga kami nagkita at nagrocery dahil kinabukasan wala kaming pasok. Sobrang daming taong namimili. Payday nga pala (Shit! Hindi ko maramdaman kasi delay palagi ang sahod ko wahhhh!). Gumala rin kami sa loob ng mall at napansin ko ang malaking pagbabago simula noong unang dating ko dito.

Kahit marami kaming bitbit ni ate, nagdecide kaming magliwaliw. Tutal, wala namang pasok bukas e. At dahil may discount coupon kami sa bagong bukas na Pizza Hut malapit sa UAE exchange, gora ang beauty namin ni ate. Kasehodang makipag-away si ate sa taxi driver dahil sa mahal ng sinisingil na pamasahe. Hahaha!

Aha! Pagpasok palang namin sa bagong bukas na Pizza Hut store, parang feel na feel ko na. Mukhang maraming aura. Hahaha! At habang naghihintay kami sa inorder namin, ligayang-ligaya ako sa mga nakikita ko pero nang ihain na sa amin ang pizza, sobrang nadisappoint si ate. Biglang sumimangot at nagmaktol hahaha! Paano ba naman kasi, thin crust pizza ang inorder namin pero ang sabi, un lang daw pizza na inihain sa amin ang pwede sa discount coupon. Hindi pwede ang thin crust pizza! Eh bakit hindi naman agad sinabi sa’min diba? Nagca-crave pa naman si ate sa thin crust pizza at isa pa, gutom na kami. Lol! Kaya ang ate ko, masamang-masama ang loob at parang nawalan ng gana dahil halos hindi nya nagalaw ang pizzang ibinigay sa amin. Nakuntento nalang siya sa salad. Bwahahaha!

At eto pa, ang lalakeng indianong bagets na nasa kabilang table, tingin ng tingin sa akin. Kasama niya ang mama at papa nya at isa pang kapatid na lalake. Hahaha! Napagtanto ko nasa facebook ko nga pala siya, siya ung inaccept ko noong nakaraang araw, pati ang isang local sa katapat naming table ay nasa fb list ko rin.

My Goodness! Hindi na ako magtataka kung isang araw may tatawag nalang sa pangalan ko habang naglalakad ako sa kahabaan ng 23 Road July Street!

Kalurki! Nagkalat ang friends ko sa Facebook! J





Saturday, October 29, 2011

Parking Lot


Maalinsangan ang gabi na ‘yun. Pakiramdam ko nakikisabay ang init ng aking katawan sa kasalukuyang panahon. Nanunuyot ang aking labi. Bawat buga ng aking hininga ay parang nakakapaso. Paminsan-minsan ay hinahabol ang paghinga. Di yata’t nag-uumapoy na naman ang aking pakiramdam at kinakailangan ng pakawalan ang nagbabagang damdamin na ito.

Bigla akong nakatanggap ng text mula sa isang estrangherong numero. Ilang sandali pa, natagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang parking lot. Naghihintay. Kinakabahan dahil sa unang pagkakataon ay makikita ko na ang matagal-tagal ko naring nakaka-chat sa isang sikat na networking site.

Nahihiwagaan talaga ako sa lalaking ito sa tuwing nagkaka-chat kami. Ayaw niyang sabihin ang kanyang pangalan. Sapat naraw ang alias na ginagamit nya. Hindi nya rin ibinibigay ang kanyang numero sa tuwing sinusubukan kong kunin ito. Siya nalang daw ang tatawag kapag nagkaroon siya ng oras na i-meet ako. Pakiramdam ko talaga, sinusubukan ng lalaking ito ang haba at tibay ng aking pisi. At dahil lumaki ako na sinisikap makuha ang lahat ng aking gusto (achiever), na ugali kong sumuong sa isang laban na hindi sigurado ang panalo (risk taker), na ang tingin ay positibo sa mga bagay- bagay (positive thinker), at ang pinaka- sa lahat, naniniwala ako na hindi lang umiikot ang mundo natin dahil kadalasan, kaya nitong kumembot ng kumembot para makuha ang atensyon ng sanlibutan (flirt). Dahil sa bonggang huling paguugali ko na yan, mukhang nahuli ko ang kiliti  ni mokong. Lol!

Kaya pala…..

Ngaun alam ko na kung bakit may pagka-misteryo ang lalakeng ito. Isa pala siyang lokal na may dugong maharlika. Lumaki at nakapag-aral sa London kaya magaling magsalita ng ingles, ang binatang anak ng isang kilalang negosyante sa bansa kung saan naman ako nandito para magtrabaho (Eh, ano naman sakin ngaun? Hello?!!! Si Kian kaya ako. Hahaha charot!). Kaya nang tawagan nya ako, nagdesisyon narin akong makipagkita.

Bahala na. Kaya ko ‘to!

Isang magarang sasakyan ang nakita kong pumarada sa isang sulok ng parking lot sa tapat ng malaking gusali. Kahit medyo malalim na ang gabi, may mga tao parin sa paligid na napapadako sa lugar na iyon. Hindi pa kasi sarado ang supermarket. At sa lugar kung saan ako naghihintay, nagmamasid lang ako at hindi nagpapahalatang may hinihintay. Mahirap na. Nasa gitnang silangan ako. Masyadong delikado lalo na sa mga katulad kong naghahanap.

Tumunog ang aking telepono at sinagot ko ang tawag nya. Siya na nga ang nasa parking lot. At habang papalapit ako ng papalapit sa kanyang magarang sasakyan, ramdam na ramdam ko naman ang lakas ng pintig ng aking puso.

Halos dalawang metro nalang ang layo ko sa kanyang sasakyan nang biglang bumaba ang bintana nito at bumugad ang mukha ng isang lalakeng nakangiti sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kitang-kita ko ang maaliwalas nyang aura. Para tuloy akong napako sa kinatatayuan ko, doon mismo sa parking lot na iyon.

KIAN:
Oh, my goodness! Na-starstruck talaga ako Tito Boy! Siya na nga! Siya na talaga!

BOY ABUNDA:
Really? Pero teka Kian, ang gusto ko lang naman sabihin sa iyo ay ganito…. Ikaw na!!!!



LOL.



Thursday, October 27, 2011

A Birthday Cake


Ilang tulog nalang at birthday ko na. Pinaka-memorable sakin eh last year when i celebrated it with my friends in United Arab Emirates. Nataon kasi noon na magkasunod ang eid holiday at national holiday sa Oman so i had the chance na magbakasyon at mabisita sila especially my only brother who is working in Dubai. Medyo mahaba-haba rin kasi ang bakasyon kaya sinulit ko na. 

At dapat sana ay makakasama ko siyang magcelebrate on that very special day but unfortunately, he was there in Abu Dhabi for the Architecture Board Examination. So, late na namin naicelebrate ni Kuya at ng wife nya ang birthday ko. Double celebration naman kaya bung-ga! Lol!

Memorable, kasi that was the first time na merong nagbigay sakin ng cake. At si friend Paris un. Gusto kasi talaga nya na maging masaya at memorable ang birthday ko. Kaya super love ko ang kaibigan ko na un.

Ang babaw ko no but yes, it's true. Hindi lang halata sa personality ko pero walang drawing 'yan. Sa buong buhay ko yata, wala akong maalala na may nagbigay sakin ng cake sa birthday ko until before 2010. Ako lang 'yung madalas na bumibili para sa sarili ko tapos ipapakain sa mga saleslady at boy sa furniture shop namin. Syempre may kasamang pancit malabon un o kaya naman ay palabok. Lol!

Ang nanay at tatay ko kasi nasa province kasi andun ang work nila, si kuya naman nasa abroad at si ate lang ang madalas kong kasama kasi kaming dalawa ang nagmamanage ng business. Siya ung pinakamalapit sakin pero dahil may pamilya narin siya at magkahiwalay rin kami ng tirahan, tumatawag lang siya sa telepono para batiin ako at sabihin na kumuha nalang ako ng pera sa kaha para panghanda sa birthday ko. O’ diba ansaya? Masyado kasing focus un sa pagpapaunlad ng aming tindahan.

So, madalas kapag sumasapit ang birthday ko, nauubos lang ang oras ko sa mall. Nililibang ang sarili at wala talaga akong matawag na kaibigan. Ang mga kaibigan ko lang noon, e di mga tauhan lang din namin sa tindahan, eh hindi ko naman sila maisamang magmall dahil may mga trabaho silang dapat gawin.


Sa totoo lang, bata palang ako nakakulong na ang buhay ko sa isang maliit na lalagyan. Sa isang maliit na kahon na doon lang dapat sa apat na sulok iikot ang aking mundo. Kung ano ang tama, un ang dapat mong gawin. Kung ano ang iutos, iyon dapat ang susundin. Kung ano lang ang kailangan, iyon lang ang dapat bilhin. At kung ano lang ang meron na nakahain sa harapan mo, iyon lang talaga. Dapat mo itong tanggapin, makuntento ka at huwag ng maghanap pa. Bawat galaw talaga, dapat may disiplina.


Kaya bata palang ako, kahit pancit at tinapay lang ang handa sa birthday ko, ok na sa akin. Masaya na ako. Wala talagang cake o bonggang party. Parang ordinaryong araw lang din na magkakasama ang buong pamilya sa hapag-kainan. Un nga lang nadagdagan ng fried chicken. Tapos may pancit kasi sabi ng nanay ko, pampahaba raw iyon ng hmmmm………. buhay!

Until I realized na ibang-iba pala talaga ang buhay ko sa mga taong nasa labas ng kahon na iyon. Ang sakin napasimple. Sobrang PAK! lang este payak kumpara sa ibang tao. Hindi ko talaga naiwasan na magisip habang nasa gitna ako ng kasayahang aking nadaluhan. Hindi sa naiinggit o kung anupaman kundi nakita ko ang ibang mukha ng buhay, kung paano nila ito binigyan ng kakaibang kulay at kung ano ang naging epekto nito sa kabuuan ng kanilang pagkatao. Wow! Pagkatao talaga. Chos!

Meron lang talagang bumabagabag sa akin pagkatapos noon. Naisip ko, kailangan ba talaga ang cake kapag may birthday para sumaya? Kasi nga hindi namin nakaugalian un. Hahaha!

So, noong time na kumikita na ako para sa self ko, bumibili na ako ng cake kapag birthday ko. Hindi ko alam. Baka nakikiuso lang ako hahaha! Pero hindi eh. Naramdaman ko kasi na masaya pala lalo na kapag nakikita ko ung mga saleslady at boy namin na sarap na sarap kumain sa binili kong cake. Minsan nga kapag pakiramdam ko sad ako, kumakain lang ako ng cake, masaya na ako. Haha baliw diba?

Pero iba kasi ung pakiramdam kapag ikaw na ung binigyan ng isang bagay na alam mong napakasimple lang, napakababaw lang, napaka-common, na kayang-kaya mong bilhin pero for the first time in your life, merong isang tao na nag-abala at nakaisip magbigay nito para sayo. Tapos alam mo un, nasanay ka na sa maraming taon na ikaw lang ang bumibili nun para sa sarili mo at sa mismong birthday mo pa na isang beses lang dumarating sa bawat taon.

You know, in both ways ha (giving & receiving), there’s a certain feeling talaga of true happiness that you will remember for the rest of your life everytime na gagawin mo ‘to. But in my case, sobrang naapreciate ko talaga nung makarecieve ako ng birthday cake last year kasi most of the time naman ako ung nagbibigay. Pero hindi ko sinulat 'to ha para bigyan nyo ako ng cake sa nalalapit kong birthday. Lol. Kahit walang gift okey lang no? hahahaha!

So, I think we should always practice the christian act of giving to make people happy and let's enjoy it. Kahit ba maliit na bagay lang ‘yun basta alam natin na magiging masaya sila :)


Sabi nga ni twitter, enjoy the little things in life because one day, you’ll look back and realize that they were actually big things.”



Kuha mo?????




Wednesday, October 26, 2011

Taxi Drivers















Kahapon lang, kasama ng mga housemates ko, nagtaxi kami pauwi ng bahay. Medyo malayo-layo rin kasi ang pinanggalingan namin. At dahil open naman ako sa mga kaibigan ko dito, kapag cute ang taxi driver, ako ang pinapaupo nila sa unahan. Trip ko un eh, ang landiin ang mga cute na taxi driver dito sa Oman. Lol! Paminsan-minsan lang naman 'yun. Oh, yes. I'm so sorry. It is only me who’s trying to convince myself. Bwahahaha!

Nakakatawa nga, dahil sa liit ng lugar kung saan nandito ako ngaun, may mga taxi driver na nakakakilala na sa akin. Katulad last week, sumakay ako ng taxi at tahimik lang ako kasi medyo sumasakit ang ulo ko. Biglang nagtanong ang mamang driver. Asan naraw ung malaki kong computer na lagi kong dala-dala.  Kahit medyo wala ako sa mood makipagkwentuhan dahil hindi ko siya type, di ko napigilan mapatawa. Ang tinutukoy pala nya eh ang iPad2 na palagi kong dala-dala na nataon naman na nasa bag ko lang noong time na ‘yun. So, obviously naisakay na niya ako dati, kaya ayun, hindi ko na kinailangan na ituro pa sa kanya kung saan ako bababa.

Nakakatuwa lang din dito kasi ung iba talagang taxi driver, hindi lang talaga cute pero totoong gwapings. Pwedeng ihilera sa mga sikat na artista sa atin at hindi nila alam 'yun. I mean, hindi sa kanila 'yun big deal samantalang sa atin sa Pinas, mostly, ang hitsura natin ang nagiging basehan ng ating pagkatao. Masakit man aminin pero ganun ang karamihan sa kalahi nating Pinoy. Mapanghusga sa hitsura. Kapag mukhang Max Alvarado ang driver (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa), hindi tayo sasakay kasi iisipin natin na baka may kasabwat siyang holdaper o gawan ka ng di maganda. Minsan nga pakiramdam ko ganun rin ako, pero kapag nagmamaldita lang naman. Lol! 

Dito naman kasi, 'yung iba ginagawa lang nilang sideline ang pamamasada after work. Ung iba pa nga sa palasyo nagtatrabaho at mga bagets pa kaya swerte ko kapag ganun ang nasasakyan ko. Lumalabas ang pagkabibo ko o talaga nga atang bibo na ako nung ipinanganak ako. Haha! At madalas hindi ako bumababa ng taxi na walang nangyayaring milagro. Milagro talaga no? Magagalit sakin ang superstar Nora Aunor dahil sinabi nya walang himala! Eh, gaga pala siya e! Meron kaya. Hindi lang siya marunong magpalabas ng milagro. Charot! Hahaha!

Marami-rami narin sila. Isa, dalawa, tatlo, lima....
Marami-rami narin silang nasa phonebook ko. Minsan nga katext, katawagan kahit di ako masyado marunong magsalita ng arabic, at ka-whatsapp! Kayo talaga kung anu-ano na naman iniisip nyo. Hahaha! Pero dahil sa lintek na latest software na inilabas ng Sony Ericsson, lahat ng contacts ko nawala. Kaya ngaun, back to scratch ang drama ko. Huhuhuhu!

Wala na tuloy akong makulit. :(



Not New To Me


Tamaaaaaah!

Putol na naman ang internet connection namin kaya napasulat na naman ako. Kaynes! Nuknukan ng tanga talaga ang boss ko, ayaw magbayad kahit naibigay na ni Sheikh sa kanya ang pambayad sa mga bills. O xa sige, magtiis tayong lahat. Mayaman ako eh sila ba? Hahaha! Kaya kong bumili ng load para makapag-internet ako. Charot!

Anyway, napanood nyo ba si Anne Curtis sa showtime? Dami kong tawa habang pinapanood ko ang nakakagulantang na performance nya. Manghang-mangha talaga ako dahil hindi ko iniexpect na ganun kagaling at kaganda ang panlaban nya kina Vice Ganda, Vhong Navaro, Billy Crawford at iba pang kasamahan sa showtime. Todo palakpak at sigaw talaga ako habang pinapanood ko siya at text-text pa kami ng kaibigan ko dito dahil pareho kaming may TFC. It was really an excellent performance from “The Other Woman” and as expected, si Anne ang nakakuha ng grand prize. Buti nga, naungusan nya si Vice Ganda! Hindi sila bagay ni Derek, mas bagay kami. Haha charot lang!

Isa pang big event sa ABS-CBN na pinanood ko recently ay ang Pilipinas Got Talent. Hindi ko ‘to palagi napapanood kasi busy ako sa mga aura dito, LOL! Pero syempre iba na kasi kapag grandfinals. Kaabang-abang talaga. I admit, gwapo si Khalil. Napapatili ako kapag napapa-focus sa kanya ang camera. Magagaling naman sila pero isa ako sa mga kumi-kwestiyon sa pagkapanalo ng TRIO na ‘yun. Nagalingan ako sa kanila before pero on that final night, parang anghina ng boses nila, parang kulang sa hagod, kulang sa dating, kulang sa timpla. Basta, nakulangan ako. Mas magiging kuntento ako sa result kung si Khalil ang nanalo or ung magkapatid na lalake na nasama sa top 3. Oh well, botohan naman kasi un, so wala na akong magagawa kundi tanggapin kung sino ang nanalo. Hehe!

Madako tayo sa mga aura. LOL! Hindi ko alam pero marami pala talaga dito. Sabagay, noon kasi hindi naman ako naghahanap talaga. Kasi naman halos 1 year na nakulong ako sa long distance relationship at doon talaga ako nakafocus. Hay… Maraming nangyari sa akin these past few days. Busy talaga ako hahaha! Tingnan nyo naman at hindi ko maupdate ang blog ko. LOL! Finally, napasok na ng aking karisma ang tatlong unibersidad dito. Hindi ko na kelangan maghanap dahil sila na mismo ang naghahanap sa akin. Haha! Super like. :P

But the saddest part is, 30 days nalang ang natitira sakin dito. Most probably, hindi na dito ang next working destination ko but I’m still hoping that I could get a good job offer here na talagang makikita kong may mapapala ako, na meron akong future. Meron namang nagoffer sakin, kaso feeling ko, it’s not fair or good enough. You know… Lol!

Sayang ang mga maiiwan ko dito. Hindi 'yung ref or speaker ko ha? Basta, sayang talaga! Kaya dapat sulitin ko na ang mga nalalabing araw. Hihihi!

Wednesday, October 12, 2011

Shawarma


Tambayan ko ang Turkish Restaurant kapag umaatake sa akin ang homesick. Sanay naman akong mag-isa sa buhay pero sadyang hindi maalis ung ganitong pakiramdam na minsan nangungulila talaga ako sa mga mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas. Ibang-iba talaga ang buhay kapag nasa gitnang silangan ka. Lahat kasi ng kilos mo kontrolado, hindi katulad sa atin na meron tayong tinatamasang demokrasya. Kaya kahit anong gusto nating gawin, magagawa natin.

Marami narin akong mga naging kaibigan dito. Sa mahigit dalawang taon ng pagtatrabaho ko dito sa Middle East, marami talaga akong natutunan. Natutunan kong maging palakaibigan hindi lang sa mga kapwa ko Pinoy kundi maging sa ibang lahi narin na nakikita, nakakasama at nakakasalamuha sa loob at labas ng aking trabaho.  Pakiramdam ko, kailangan ko itong gawin para kahit paano ay maibsan paminsan-minsan ang pangungulila sa puso ko.

Kung may nakakatawa man sa aking sarili ngaun dito sa M.E., iyon ay ang pagkain ko ng shawarma. Sa totoo lang noong nasa Pilipinas ako, kahit merong restaurant na nagtitinda ng shawarma sa tapat ng aming tindahan, never  ko itong tinikman. Mas concern ako sa cute na boylet na waiter na nagtatrabaho doon at mas gusto ko pa yata siyang tikman kesa sa shawarma. Lol! Kidding aside, dito lang talaga ako natutong kumain ng shawarma. Siguro dahil wala naman kasing masyadong pagpipilian dito at isa pa, very affordable naman kaya swak na swak pantawid gutom. Hahaha!

Madalas mga kaibigan kong pinoy ang kasama kong kumain dito. Pero kapag senti ako at gusto kong mapag-isa, limang kembot lang nasa Turkish Restaurant na ako. Oorder ng big shawarma  at sisimulan ko na ang pagbibilang ng mga gwapong Omani at foreigner na papasok at lalabas sa restaurant.

Minsan sinuswerte, maraming gwapo kaya bukod sa nabusog ako dahil sa malaking shawarma na kinain ko na nagkakahalaga ng 700 baiza na katumbas ng P79 sa pera natin, busog rin ang mata ko at naligayahan ako. Pero minsan bokya din naman! Kaya ayun, uuwi akong mabigat parin ang pakiramdam. Hahaha! Madalas ganyan lang ang ginagawa ko habang nakatambay. Pampaalis ng homesick kumbaga at take note, more than two years ko ng ginagawa yan. Lol!

Pero kanina, parang nag-iba ang ihip ng hangin. Napansin ko parang mas sumarap ang shawarma nang tikman ko. Hindi ko na nga nagawang magbilang ng gwapo na kalimitan kong ginagawa. Mas naging concern na ako sa shawarma ngaun. O diba? Totoo! Totoo talaga! Promise! Ewan ko ba?!

Nang hawakan ko naman, ganun parin kalaki kaya nagtataka talaga ako kung bakit mas sumarap. Naisip ko tuloy, ganun ba talaga un? Mas masarap kumain ng shawarma kapag nasa loob ng kotse? Kaya sabi ko kay Salem, bukas ulit ha? Sunduin mo ulit ako. :)



No Internet Connection


What to do yani?

Madalas yan ang nasasabi ko kapag wala akong magawa sa office at nangingiti lang si Bangali sa akin. Kung tutuusin para akong senorito dito sa trabaho ko. Kapag gusto ko ng kape or tea, ipagtitimpla ako. Kapag gusto ko ng tinapay, ibibili ako sa bakery. Kapag naubusan ako ng load, ibibili ako ng recharge card. Kapag kailangan ko ng taxi, siya ang tatawag para sa akin at nang minsang nalimutan ko ang ipad2 ko sa office, isang tawag ko lang, kahit off duty na siya,  dinala talaga nya sa bahay kahit medyo malayo-layo rin ang tirahan ko.

Basta kapag may kailangan ako kahit tirik na tirik ang araw, anjan si Bangali para sundin lahat ng utos ko.  Hindi ko na kailangang lumabas pa ng opisina.  Taray diba? Kaya I’ll make sure na kapag kukunin ko na ang sahod ko sa boss ko, dapat may sahod din si Bangali.

Malas lang talaga ako pagdating sa ulikba kong boss. (Patawarin ako sa mga susunod ko pang sasabihin, hahaha!). Kahit nasa kanya na ang pera pambayad sa lahat ng bills namin dito sa office, ayaw nyang ibayad. O diba may pagkatanga? Gusto pa yata magpapicture hawak ang perang bigay ni Sheikh o di naman kaya, gagastusin muna nya sa pagpapa-lypo or pagpapableach ng maitim nyang balat. Kaya eto kami ngaun, putol ang linya ng telepono, internet, maging tubig namin walang tulo!

Kalurki!

Mukha kaming kawawa dito sa office dahil sa katangahan ng boss ko. Wala naman akong magawa kundi i-follow-up nalang at magpaka-angel kunyari kapag kausap ko sa phone baka sakaling maawa at bayaran na lahat ng bills namin. Ang plastic ko talaga but it works! Binayaran niya ang tubig at telepono namin except internet! Shit talaga! Katwiran nya, wala kaming project ngaun kaya di namin need ang internet at i-oopen lang nya ito once na nakareceive kami ng info sa client na magstart na ulit ang project sa port.

So, habang mega wait ako sa info para maopen ang internet connection namin, lahat ng files ko inupdate ko. Lahat ng klaseng paglilinis sa loob ng opisina ko, ginawa ko. Nagtapon ako ng mga papel na hindi na kailangan, inayos ang mga supplies, ang mga folders at business cards inilagay sa dapat kalagyan. Nagawa ko rin ayusin ang lahat ng files ko sa PC, naglagay ng backup sa drive D. Lahat ng pwede kong magawa dito sa office na hindi kailangan ng internet, ginawa ko.

Pagdating ko sa bahay, abah! Nagkaron ng extension. Parang ung katawan ko gusto pang magayos at maglinis. Kaya tuloy lahat ng papeles ko, naayos din at napagsama-sama. Kinabukasan, un naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Lahat ng papeles ko, iniscan at inisave sa hard disk ko. As in lahat-lahat para kapag kinailangan ko ulit, madali ko mai-email.

Kahapon, nagkaron ako ng chance na makita si Sheikh, amo ni ulikba, business partner naman ng sponsor ko. Buti nalang may dumating na cheque kaya pinapunta ako sa bank. Pagkaabot ko ng cheque sinabi ko na putol parin ang linya ng internet namin at di parin binabayaran ni ulikba. Hindi ko na kasi matiis. Miss ko na kasi mga kalandian ko sa Facebook, YM, at Twitter. Kaya kahit pagalitan ako ni ulikba dahil nagsumbong ako, wapakels! Hahahaha!

Halos kababalik ko lang sa office ng tumawag si ulikba. Tinatanong kung magkano ang babayaran namin sa internet. Bwahahaha! Napangiti ako. Malamang nasabon ni Sheikh! Pasalamat siya at hindi ako nagsumbong sa sponsor ko na may-ari ng kompanya. Kasi kung ginawa ko un, malamang nasabon din siya.

On the other hand, mabuti nalang din at naputulan kami ng internet pansamantala, at least nagawa ko lahat ng dapat kong gawin at naayos ang dapat kong ayusin dito sa opisina. Hehe! May advantage din naman pala ano?

Lulubusin ko na ang pagka-mean ko today.  Minsan lang ‘to promise! Wish ko lang kasi na sana, hindi na maputol internet connection namin. Mas bongga siguro kung sungay si ulikba ang tuluyang maputol para naman umayos siya. Wala kasi sa wisyo palagi! Maitim at mataba na nga, may pagka-shunga-ers pa!

Hays…..

Sorry naman!


Sunday, October 2, 2011

Isang Maletang Cadbury


Sa tuwing araw ng biyernes, hindi na bago sa akin na maghapon lang akong nakahiga at nakatunganga sa harap ng laptop habang bukas rin ang TV sa kwarto. Paminsan-minsan kasi sumusulyap din ako sa mga programang pinapalabas sa TFC. Para sa akin, ito ang pinakamasarap na araw dito sa Middle East dahil maaari akong magpahinga, magrelax at magenjoy na walang iniisip na trabaho.

Bandang alas-3 ng hapon ng maisipan kong makipagchat sa Facebook. As usual, kapag napapatingin ako sa mga thumbnails sa chatbox, bumabalandra ang mga hubad na katawan ng mga pinoy, mapa-lalake, mapa-bi, mapa-bayot at mapa-girlaloo.

Sus-ginoo santisima de trinidad and tobago!

Marami-rami rin naman ang mga nakaonline na lokal kaya sila nalang ang pinag-tuunan ko ng pansin. Tsaka ko na lalandiin ang mga nakahubad na yan paguwi ko ng Pinas. Lol!

************

Nasanay na ako na kapag nakikipagchat ako sa mga lokal, namimili talaga ako. Taray diba? Pagkatapos ng simpleng Hi and Hello, garapalan na. hahaha! 


PAK kung SUCK! PAK kung FUCK! PAK na PAK! Wasak! Lol!


At hindi pwedeng walang google translate, dahil ang ibang natatype-an ko, hindi masyado marunong makaintindi ng ingles. Kaya ako nalang ang mag-aadjust sa ngalan ng pangangarir sa gitnang silangan. Lol!


Karamihan sa mga lokal, madali naman kausap.  Kailangan ko lang manghingi ng totoong picture kasi 90% sa kanila ay poser. Well, acceptable naman yun kasi hindi talaga ina-allow sa kanilang kultura ang magpost ng litrato sa mga networking sites. Masyado silang sensitive sa mga ganyang bagay.
Kabaliktaran naman sa atin dahil tuwang-tuwa tayong ibalandra ang ating mga katawan at mukha sa lahat ng networking sites na meron tayo. Ung iba pa nga, kinakarir talaga. Papicto-pictorial pa na halos ibuyangyang na nila ang kanilang katawan para lang maging sikat at malakas ang dating sa facebook. Ung tipong ang dating ng kanilang picture ay parang pang-magazine tulad ng Cosmo at Valentino para sa mga lalake at FHM at Playboy naman para sa mga babae. Hahaha! Peace!
Naalala ko tuloy si Bagets na kachat ko the other day. Masyado akong nawili sa pagtatanong sa kanya kaya hindi sinasadya pati story ng primary photo niya naungkat ko. At dahil aliw na aliw si bagets sa akin, pumayag siya na i-share ko dito sa blog ko kahit pahapyaw lang ang karanasan nya sa likod ng primary photo nya.
Ang kwento sa akin ni bagets, dahil nga daw uso ang mga picto-pictorial na iyan o photo-photoshoot na iyan at marami siyang natatanggap na invitation at gusto rin nyang magkaroon ng magagandang kuha ng litrato na ipopost nya sa kanyang facebook, napapayag siya ni photographer “kuno” na ito. At noon ding gabing iyon, napagkasunduan nila kung kelan at saan sila magkikita.
Kaya si photographer “kuno” naman na ipinagmamalaki sa tuwi-tuwina ang kanyang DSLR kay bagets at sa kanyang mga kachat sa facebook group na kinabibilangan nila, ay napatalon daw sa tuwa.  Bakit kamo? Eh syempre, dahil sa wakas nagbunga ang pagbibida nya sa bagong bili nyang camera. Nakasungkit siya ng gwapo at maganda ang katawan na gagawing nyang modelo sa kanyang photoshoot. Taray!!!!
So, noong gabi ngang iyon, busog na busog daw ang mata at super kinikilig na tila may kumikiliti daw kay photographer “kuno”.  Hindi raw mapakali sa kanilang photoshoot. Hindi maka-concentrate sa ginagawa dahil nakabuyangyang ang buhok sa kili-kili, dibdib, sa ibaba ng pusod, singit at nakabukakang binti ni bagets, isama narin ang lumilitaw na abs at nagmamalaking umbok doon. Swerte ni baklang photographer. Inggit ako. Lol!
Ok lang naman daw kay bagets na magpapicture na underwear lang ang suot dahil may ipagmamalaki naman daw siya. In fairness naman kay bagets ha, totoo naman talaga na malakas ang dating nya kasi kahit ako, nasilo ng kanyang karisma. Yun nga lang. Kada shot daw, pagtingin ni bagets, minsan ok pero karamihan, blurred. Shet! Hahaha! Pinapawisan na daw siya wala parin siyang mapiling picture na pwedeng ipost sa facebook. Lol!
Hay… Ganyan talaga. Akala nila kapag may DSLR na sila, pwede na silang tawaging photographer. Hamo, pagtagal siguro gagaling na siya. Haha!
At eto pa ang nakakalokang chika ni bagets.  Nang medyo marami-rami nadaw ung picture na gusto niya, tumigil na siya kakaastang modelo at nagbihis na. Pero after daw ng photoshoot at ipinapasave na nya ung mga kuhang litrato sa USB niyang dala, bigla daw nagdrama itong si photographer  “kuno”.

Kalurki!!!!!

Ayaw  daw  siyang bigyan ng kopya ni photographer “kuno”. Pinagbabayad daw siya nito ng 50 pesos kada isang kopya ng picture nya samantalang ang usapan, papayag siyang maging model nito basta bigyan siya ng copy. At ang katwiran pa daw…….
“Mahal kaya ang bili ko sa DSLR…...”  --- sabay simangot daw ni photographer “kuno” sa kanya.
“Kung gusto mong makakuha ng kopya, dito ka matulog, sex muna tayo….”

Omg!!!!!

At dahil hindi daw masikmura ni bagets ang biglang pag-iiba ng ugali nito, wala raw sabi-sabi na umalis nalang siya sa tinutuluyan nitong pad. Hindi naman daw siya natatakot kahit ilabas or ipost ni photographer “kuno” sa kanilang facebook group ung mga pictures. Hindi naman daw siya totally naghubad dahil lahat ng kuha, may suot siyang underwear.  Hindi naman daw panget si photographer “kuno”, kung naging mabait lang daw sana ito kay bagets at tumupad sa kasunduan, baka sakaling napagbigyan pa nya ito sa gusto nyang mangyari. Pasalamat nalang daw siya dahil bago pa nya i-block si photographer “kuno” sa facebook account nya,  isang picture nya ang nasight nya na nakapost sa wall nito kaya dali-dali nya itong inisave. At ito nga ang primary picture na gamit nya ngaun.
Naku ha?! Kaya sabi ko sa kachat kong bagets, may DSLR din ako at baka nga mas mahal pa ang bili ko sa camera ko. Kaya pag-uwi ko ng Pinas, invite ko siya sa photoshoot at hindi ako aarte ng ganun. Pagkatapos na pagkatapos namin, icocopy ko na agad ung mga kuha nya sa USB at ibibigay ko sa kanya sabay pakiusap na kung pwede, sa akin na siya magpalipas ng gabi kasi gusto ko siyang makasex!

Omg!!!!!  Ang laswa ko, Hahahaha!

Si bagets naman payag na payag at tawa ng tawa. Kahit nga daw hindi na kami mag photoshoot, basta daw makauwi ako ng safe,  wag kalimutan ang cadbury chocolate na ipapasalubong ko sa kanya at sure na sure na papayag siya sa gusto ko. Kahit nga daw ulit-ulitin pa namin.  
Waaahhhhhhhh! Ulit-ulitin daw! Hindi ko keri itoooooo! I’m sooooo excited ng umuwi. Lol!
Kaya isinulat ko na sa listahan ng mga dadalahin ko paguwi ng Pilipinas ang.....

Isang maletang Cadbury!!!!!!!!!  

Kasehodang iwan ko lahat ng damit ko dito sa Oman.  Mas magiging masarap at masaya ang buhay ko kung uulit-ulitin namin iyon kesa ulit-ulitin kong isuot ang mga maiiwan kong damit.  Di ba may katwiran naman ako?

Bwahahahahahaha! Kalurki!

Saturday, October 1, 2011

My Beloved Salem


Almost 24 hours palang kami na hindi nagkikita pero namimiss ko na agad siya. Alam ko naman abala siya sa school kasi nga nagsisimula palang ang klase. Pero sige na nga, tutal nakachat ko naman siya kanina habang nasa office ako at nasa computer class siya kaya ok na sa akin ‘yun.

Medyo nag-aagaw tulog na ako nang makatanggap ako ng SMS from my beloved Salem. Alas-dose na ng hatinggabi, pero nang mabasa ko ang message niya, kahit antok na antok na ako, hindi ko parin napigilan ang mapatawa at mapahagikhik.


“I am tird today and very pusy.. I very sory my love! Goodnight…”


Sabi ko naman sa inyo, hindi siya magaling sa ingles! Kaya intindihin nyo nalang. Hahahaha! Minsan nga kino-correct ko siya kasi nasasabi or nabibigkas naman niya ng maayos ang words pero kapag isinulat na, namamali na. Parang katulad lang rin namin dito sa middle east. Alam namin magsalita ng Arabic pero hindi namin kayang isulat ng tama sa paraan na alam nila. Sigurado ako kung tuturuan ako magsulat ng Arabic letters, magagawa ko pero kapag words na at kailangan na itong pagdikit-dikitin, pagsama-samahin para makabuo ng isang sentence or paragraph, abah! Goodluck sa akin! Baka isang truck na tissue ang kailangan kong ipadeliver bago ko matutunan yan dahil for sure, hindi matitigil ang pagdugo ng ilong ko. Hahaha!

Sa totoo lang, manghang-mangha ako sa tuwing tinitingnan ko ang mga titi ng arabo. Ay mali! TITIK pala. Ano ba ‘yan! Hahaha! Para kasing anghirap isubo este subukan na isulat at imemorize. Tinitingnan ko palang, nangingiwi na ang mukha ko sa hirap. Bwahahaha!

Baka naman isipin nyo hindi ako nagmemessage sa kanya. Siyempre nagtetext rin naman ako ng mga sweet messages. Ako pa! Kaya sumunod na gabi, nakatanggap na naman ako ng SMS. 


“Are you free tonight? I miss you…”


Oha! Natuwa naman ako sa habibi ko, tama at buong-buo ang spelling nya. Good job! So, ako naman reply agad. Papakipot pa ba ako e halos 48 hours na kaming hindi nagkikita.


“Ok, habibi. Pick me up @7:30pm”


At nang gabing iyon, pinagsaluhan na naman namin ang lamig ng aircon--- este ng gabi. J



You Already


I just realized na napakabilis pala talaga ng araw. Napalitan na naman ang buwan at hindi ko namalayan na 12 days na pala akong walang entry sa blog ko. I am hoping na kahit paano, may nakakamiss ng mga kwento ko.

Anyway, sa loob ng 12 days na hindi ako nakapag-share sa inyo, nanatili paring matingkad at kaakit-akit ang buhok kong blonde. Hahaha! Bakit ko ba nasabi?


Kasi naman masyado akong naging busy sa taong nagbibigay ng saya at excitement sa buhay ko ngayon. Oo. Tama. Tumpak. Naman! Hindi nyo na kailangang isigaw, ipamukha at sabihin sakin na “Kian, you already….!” Kasi ako na talaga! Bwahahahaha!

Checking message details in my inbox. Omg! Lol!


******************


Dahil simula na naman ng klase sa Dhofar University and Salalah College of Technology, buhay na buhay na naman ako. Sa dami ng mga estudyante na lokal na nakakachat ko sa facebook mula sa ibat-ibang sulok ng Oman na nagaaral dito, mayroong ilan sa kanila na nakatawag ng aking pansin at nakakapagpasaya ng aking araw. Isa na dito si Salem.
(For sure ichecheck ng mga beki ang namesung ni lokal sa facebook ko. Hahaha! Sorry hindi yan ang codename nya sa facebook, mga belat! :)

Pagdating palang ni Salem sa Salalah, tinawagan na niya agad ako. Para bang sabik na sabik makita ang matagal na niyang ka-chat sa facebook. Syempre ako ‘yun. Hehe! At dahil hindi naman siya ganun kagaling mag-ingles, minsan hindi kami masyado magkaintindihan sa telepono. 

Unang kita ko palang kay Salem napa-wow na agad ako. Parang gusto ko na tuloy kantahin ang awit na nagpasikat kay Sheryl Cruz noon na hanggang ngayon ay peborit na peborit at idol na idol ng aking Ate at hate na hate naman namin ni Kuya dahil may pagkamalaki ang hita at may pagka-palaka kung magsalita at kontrabida noon sa loveteam ni Romnick Sarmienta-Jennifer Sevilla at super maarte kung umasta sa Tv at pelikula at nagtataglay ng demonyitang mata at kilay at ano pa ba? Hmmmm andaming AT! Imbierna siya! Basta ‘yung kanta ----------- Mr. Dream Boy! :)


"Engineering student, full-blooded Omani, 21 years old, 5’7 ang taas, medyo maputi, medyo balbon, matangos na ilong, malantik na pilik, mapungay na mata, nakakaakit na ngiti, perfect set of teeth at hindi papahuling hitsura. Swak na swak sa pinapangarap kong boyfriend na lokal."


Hays…. Kung siguro nakikita nyo ako nung mga oras na iyon habang nakasakay ako sa kotse nya, matatawa kayo sa akin. Kilig na kilig ako pero pigil na pigil. Kapag tumitingin siya sa akin, hindi ko masalubong ang tingin nya. Kapag ako naman ang tumitingin sa kanya, nakikita ko na siya naman ang nahihiya. Kapag nagkakahulihan kami ng tingin, mangingiti nalang kami pareho. That time, parang awit naman ni Tootsie Guevarra ang uma-alingawngaw sa pandinig ko! Gustong-gusto kong kantahin with matching handwave moves hahaha! Di ko malaman ang nadarama, sa tuwing ika'y aking nakikita, may kung ano sa damdamin, at abot-abot ang --------- KABA!" 

Omg! Is it LOVE? Hahahaha! Charot!

Road trip ang ginawa namin ni Salem. At dahil hindi pa nga narerenew ang working visa ko hanggang ngayon (that means illegal na ako dito), pinaalalahanan ko si Salem--- ang aking future asawa (Omg! Ano daw? Hahahaha!), na mag-ingat  sa pagdadrive. 

Hindi ko mapigilan na pagmasdan ang lalakeng umagaw ng aking atensyon sa facebook. Sa dami ng nakahilerang lokal na nakaonline palagi sa chatbox ko, siya lang ang inaabangan kong magonline. Promise! At heto na nga siya. Katabi ko sa kotse. Kausap. Kangitian. Katawanan. Kahawakan. Kapisilan. Ay! Omg talaga! Lol! Charot lang!

Ayaw ko ng ikwento ang buong detalye ng aming mga napagusapan (Hmmmm....), ginawa (Shit!), pinagsaluhan (Omg! hahaha) at napagkasunduan (Wow!). Basta ang masasabi ko lang, sobrang saya ng una naming pagkikita. The mere fact na ako ang inuna nyang puntahan kesa sa tito nya, sa mga barkada nya o classmates na tawag ng tawag sa kanya habang magkasama kaming namamasyal, panalong-panalo yun sa puso ko.

Inihatid nya ako sa tapat ng flat namin. O diba haba ng buhok kong blonde hahaha! At bago pa man ako makababa ng kotse nya, para bang alam na alam na namin ang gagawin. Walang kaabog-abog, nagkiss kami, eeeeeeeeeeeeehhhh sa lips! Kahit pa may makakita sa aming kapitbahay.

Napaka-sweet para sa akin nun.

Pagpasok ko palang sa flat namin, sumigaw ako na para akong nanalo ng jackpot sa lotto! Tinawagan ko pa si Ate Regie dahil kilig na kilig talaga ako at wala akong mapagsidlan ng kaligayahan. Para bang kailangan kong magshare para humupa ang tsunaming nararamdaman ko sa puso ko. Oo, like that! Bwahahahaha!

O xa, ‘yan lang muna ang ishashare ko. J J J


Sunday, September 18, 2011

My Blonde Hair Yesterday


Taon-taon inaabangan ko talaga ang UAAP Cheerdance Competition. Para bang pakiramdam ko hindi magiging kumpleto ang taon ko at buong daigdig ng kabekihan kapag pinalagpas ko ang patimpalak na ito. Bet na bet ko ang hagisan, balian ng buto, tumblingan, sayawan, sigawan, kantyawan at syempre ang awra sa loob at labas ng Araneta Coliseum. Pak na pak! Charot! 

Kaya isang linggo bago sumapit ang bonggang paligsahan na ito, nagpapabili na ako ng ticket sa mga kakilala, kaibigan, kafederasyon maging sa aking mga pinsan na nagaaral sa UP Diliman. Kasehodang magbayad ako ng higit pa sa totoong halaga ng ticket o di kaya ay ilibre ang taong bibili ng ticket ko, makapasok lang sa loob ng Araneta,  papatusin at gagawin ko talaga yun. Ganyan ako kapag gustong-gusto ko talagang manood.

At talaga yatang malas ako dahil palapit ng palapit na ang araw ng kompetisyon, walang makuhang ticket ang aking mga katext. Pati pinsan ko ay sumuko narin at nagdesisyon na sa TV nalang manonood. Pero hindi ako ganun kadaling sumuko.

Araw ng kompetisyon, pumunta ako ng Araneta. Alam ko marami sa tabi-tabi jan ang nagbebenta ng ticket, un nga lang doble o triple ang patong nila. Syempre pipili ako. Naniniwala ako na marami paring mababait na tao sa mundo na hindi nagsasamantala sa kanilang kapwa. Chos!

Tumambay ako malapit sa gate. Maraming tao, siksikan. Pila ang mga kabataang nais na manood. Alam ko ilang sandali nalang magsisimula na ang show. Nagdesisyon akong lumipat ng pwesto at umupo sa isang gilid. Napansin ko ang isang lalake. Cute siya, medium built at medyo matangkad. Pwedeng-pwede siya ang bulong ng isip ko. Oh well, mabilis talaga ang mata ko kapag awrahan. Hindi ko alam pero parang kapag may lalake sa paligid ko, hindi talaga mapakali ang mata ko. Given na 'yun hanggang magkasalubong ang mga tingin namin. Shit! Hahaha!

Pakiramdam ko may hinihintay siya. Patingin-tingin kasi siya sa suot nyang relo. Ilang sandali pa, narinig ko ang malakas na sigawan at alam kong hudyat na un na magsisimula na ang palabas. Hindi ko inaasahan ang bigla nyang paglapit at pag-approach sa akin.

Boylet: Hi! Manonood ka ba ng cheerdance? May dalawa kasi akong ticket. Hindi na siguro darating ang kasama ko kaya ibebenta ko nalang sana.

Me: Magkano ba?

Boylet: Kahit P175 nalang, (sabay ngiti sa akin).

Me: Gusto ko sana kaso wala akong kasama e.…

Boylet: Ah ganun ba…  (palinga-linga sa paligid)

Me: Kung gusto mo, bilhin ko nalang ung dalawang ticket tapos samahan mo akong manood sa loob, ‘yun eh kung ok lang naman sayo na samahan ako panonood, (sabay ngiti sa boylet).

Tiningnan ako ni boylet. Para bang sinisipat kung ano ang intensyon ko sa kanya. Nakikiramdam siguro kung mabuti akong tao. Patay malisya lang naman ako hanggang pumayag narin siya. Pero isang ticket lang ang pinabayaran nya. Nakakahiya naman daw kung pati ticket niya babayaran ko pa.

Pumasok kaming dalawa sa loob at nalaman ko na Gio ang pangalan nya. Isang Lasalista. Ok naman siyang kasama. Akala ko nga may pagkamayabang pero hindi pala. Minsan, hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya. Ang cute kasi at alam kong hindi siya manhid para hindi nya mapansin at maramdaman ang pagtingin-tingin ko na ‘yun sa kanya.

Nagsimula ang show. Tulad ng dati halos mawalan ako ng boses kasisigaw. At dahil kasama ko si Gio, sumisigaw din ako sa DLSU. Ipinakita ko sa kanya na kahit bago palang kaming magkakilala, kakampi nya rin ako at hindi ako kalaban. Kahit pa alam nya na ang puso ko ay matagal ng nasa UP pep squad. Hehehe!

Natapos ang show. Itinanghal na champion ang UP, pumangalawa ang DLSU at pumangatlo naman ang FEU. Hindi man namin expected na makakapasok sa Top 3 ang DLSU, naging masaya kaming dalawa sa resulta.

Palabas na kami ng Araneta ng maramdaman ko ang kamay nya sa aking balikat. Nakaakbay siya sa akin. Tiningnan ko siya at nagkasalubong ang aming mga mata. Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Parang puso lang namin ang nag-uusap. Ngumiti siya sa akin at parang ako naman ang nahiya dahil halos dalawang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t-isa. Naramdaman ko ang marahang pagpisil-pisil niya sa aking balikat, at hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa tagpong iyon. Alam ko nakikita nya ang mga ngiti sa labi ko na hindi ko talaga kayang itago pa sa kanya.

Pakiramdam ko kahapon, habang naglalakad kaming dalawa at magkasama, natatangi ang pagka-BLONDE ng aking buhok, promise! Para narin akong nanalo sa Samsung Stunner, Group stunts at Cheerdance sa Araneta!

Grandslam!!!!

Gusto ko pa sanang ikwento sa inyo ang sumunod na naganap sa aming dalawa ni Gio pagkatapos naming magkakilala kahapon sa Araneta, pero sabi nga ng mga taga-UP….

“Bawal sabihin…..”

“Hindi pwedeng sabihin……” :p