Tuesday, March 10, 2009

HS Bestfriend

My Bestfriend in HS..

Inad nya ko sa friendster. I'm glad sinearch nya name ko. Almost 14 years narin un ha? I remember the old days, kapag exam namin kahit pareho kaming nasa honor roll talagang nagsasabihan kami ng sagot di baleng maungusan nya ko or maungusan ko siya basta tulong kaming maperfect ang exam.. I remember nung recognition day namin, ako ung first honor siya ung 2nd honorable mention. Tapos dun nya sinabi na lilipat na siya. Nasad talaga ako. Medyo malayo kasi siya sa school namin so sa mas malapit siya lumipat... Nawalan tuloy ako ng kasangga. Pareho kaming lalake pero nagsusulatan kami nun ha. Nakakatawa di ba? Pero friends lang talaga kami though nararamdaman ko na me iba sakin pero kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya. Walang labis walang kulang.

Nagcollege kami wala na kaming communication. Grumaduate na ko't lahat wala akong balita sa kanya tapos ngaun after almost 14 years bigla siyang aapear sa FS ko.. wow! Ibang iba na siya ngaun. Ung looks nya na patpatin noon, ngaun nag gain na siya at nasa canada pala.

Namiss ko tuloy siya.. Di ko maexplain ung feeling ko ngaun.. Ung bestfriend ko nung HS, ung kasangga ko, ung nasasabihan ko ng lahat maliban sa totoong pagkatao ko ha, (siyempre nung time na un diko pa accepted na ganito ako kaya di ko sinabi sa kanya..) eh nagparamdam. Imagine 8 palang friends nya sa FS nya at halos lahat tita at mga pamangkin nya so until now mahalaga ako sa kanya kahit matagal kaming di nagkita.

Hay... just wondering tuloy kung bi din xa hehe..

No comments: