
"Tuyot na Dahon"
ni Kian Den De Guzman
Isang umaga iyon, nakabihis na si cristy para pumasok sa eskwela pero pakiramdam nya napakabigat ng dinadala nya sa kanyang dibdib. Kagabi nagsawa ang unan nya sa patak ng kanyang mga luha. Namaga ang kanyang mga mata. Nakipagbreak na kc xa sa kanyang bf. Mahigit 1 taon din xang nagtiis at ibinuhos kay Renato ang lahat ng oras at pagmamahal nya.
"Dina, mauna nako sau. Maaga pa 1st class ko."
Ang walang kagatol gatol na wika ni Cristy.
"Cge. Mamya pa clas ko e! Cristy, ok ka lang ba?"
Ang tanong ni Dina sa kanyang doormate na itinuturing naring matalik na kaibigan.
Ngiti lang ang itinugon ni Cristy sa kaibigan. Lumabas xang baon ang hinanakit sa dibdib. Lumakad xa. Pero wala ang atensyon sa kanyang nilalakaran. Okupado ang isip nya sa mga bagay na nangyari sa kanila ni Renato.
"Bakit nangyari ang lahat ng ito? Anong plano ng Diyos samin?" Ang mga tanong na nagsasalimbayan sa kanyang isip.
Natagpuan niya ang sarili sa Baywalk.
Umupo sa isang tabi malapit sa isang puno.
Tulala.
Dito sila madalas pumunta ni Renato pagkatap0s ng klase. Dito nila pinagsasaluhan ang ligayang dulot ng pag-ibig.
"Labs, gaano mo b ako kamahal? Ang tan0ng ni Renato kay Cristy.
"Syempre labs, kasinlawak at kasinlalim ng karagatang natatanaw mo." Ang nakangiting sambit ni Cristy.
"Eh ako labs? Gaano moko kamahal?"
"Ahh..Triple ng sinabi mo mahal ko.. Alam mo Cristy, gusto ko kapag nawala ako, maging hangin nalang ako. Para kahit wala nako maramdaman mo parin ako Labs.." Ang seryosong sagot ni Renato.
At nagyakap ang dalawa...
Unti-unting pumatak ang luha ni Cristy. Pagkatapos kasi ng masayang tagpong iyon nagbago na ang lahat. Hanggang sa dumating sa point na...
Walang text.
Walang call.
At hindi man lang dumalaw para kumustahin xa.
Nagkasakit na xa at lahat ni anino ni Renato hindi nya nakita.
Tinatawagan nya, hindi naman sinasagot ang phone.
Tinitext nya wala paring sagot mula sa binata.
Naglahong parang bula si Renato. Halos 5 buwan xang nagtiis, naghintay hanggang sa ngdesisyon xang tapusin na lamang ang relasyon nila.
"Nakakapagod din pala. Nakakapagod magtiis at maghintay. Noon, akala ko kaya ko pero dumarating din pala sa puntong pati puso napapagod magmahal..."
Naputol ang pagiisip nya ng 1 dahon ang pumatak sa kanyang kandungan.
Tiningnan nya ito..
Tuyot.
Pagkatapos, hinanap ang punong pinanggalingan ng dahong iyon. Nakita nyang nanlalagas ang mga dahon ng puno. Pero napansin nya na kahit nanlalagas ang mga ito, meron paring panibagong dahon na umuusbong sa dulo ng mga sanga nito...
Sa ganong tagpo, nagliwanag ang isip ni Cristy. May darating pa at handa xang maghintay na dumating ito sa tamang panahon. Kung san man naroroon si Renato, sana maging masaya xa..
Naglakad lakad muna si cristy sa lugar na un. Tinawid ang kalsada at nagdesisy0ng sumakay ng taxi patungong SM Manila.
"Kelangan kong maglibang. Kelangan kong mgshoping. Magparlor. Sana di maubos ang allowance ko." Ang bulong nya sa sarili.
SM MANILA 11:25am
Habang kumakain si cristy sa goldilocks, hindi sinasadyang napatingin xa sa labas. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Tinitigan ang lalaking nasa labas. Pinagmasdan ito. Halos hindi xa makapaniwala sa nakita nya.
"RE-RENATO..?" Kasabay ng pagbigkas sa pangalan ng lalaking minamahal nya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.. Nanginginig ang kanyang mga labi. Nanunuyot ang kanyang lalamunan.. Ngaun alam na nya kung bakit nawala c renato. Alam na nya kung bakit xa natitiis nito..
Samantala..
"Kuya, alis na tau? Hinihintay na tau nina mama sa bahay. Bilisan naraw natin. Tsaka baka naiinip na c tata sa parking lot." Ang sabi ng kapatid ni Renato.
"Cge.." Ang mahinang sagot ng binata.
Umalis na ang magkapatid patungo sa parking lot pero lingid sa kanila sinusundan sila ni Cristy at humahanap lang ang dalaga ng tamang tyempo para malapitan cla. Hanggang sa makarating sa pulang van na nakaparada sa isang sulok ng parking lot.
"Renato. . . " Ang kinakabahang tinig ni cristy.
Sabay na napalingon ang magkapatid. Nagulat c Renato. Hindi nya inaasahan na magkikita sila ng mga oras na iyon. Bigla nyang isinudlong ng kusa ang welchair na kanyang sinasakyan.
"Tata Selo! I-akyat mo nako sa van ngaun din!" Ang sigaw ng binata sa driver.
Pinigilan ito ni Cristy.
"Renato, wag mong gawin sa akin 'to! Magusap tau.. Higit kailanman ngaun moko kailangan. Mahal kita. Aalagaan kita. Tutuparin natin mga pangarap natin!" Habang umiiyak ang dalaga at nagsusumamo sa binata.
"Hindi na mangyayari un!" Ang matigas na wika ni Renato.
"Tingnan moko cristy! Tingnan moko! Putol na ang aking mga paa. Wala na akong pagasa! Baldado! Walang kwenta!!" Ang hysterikal na sagot ni Renato.
"Renato, mahal kita... Lahat makakaya kong gawin para sau.."
"Kalimutan mo nako, marami pang lalaki ang magmamahal sau! Gusto kitang maging masaya. Gusto ko dumating ang araw na makita kong nagtagumpay ka kapiling ng iyong magiging asawa, ng inyong mga anak... At kapag dumating ang araw na nalulungkot ka, damhin mo ang hangin sa paligid mo.. Nasa tabi mo lang ako, yayakapin kita.. Masuyo kitang hahagkan Labs.." At tuluyan naring umiyak c renato.
"Tata selo, isakay mona ako.."
At sumakay na c renato sa van kasama ng kanyang bunsong kapatid..
"Paalam Cristy.. Paalam mahal ko..." Ang huling katagang narinig ni Cristy kay Renato.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak..
"Renato... Ikaw lang ang kaligayahan ko..." ang paulit ulit na sigaw ni cristy ngunit hindi na ito narinig pa ng binata hanggang ang sigaw ni cristy ay naging pabulong na lamang..
Un na ang huli nilang pagkikita ni Renato, ng pinakamamahal na si Renato.
7-taon ang lumipas..
Nakatanaw na naman si cristy sa Manila Bay. Tila kaysarap pagmasdan habang papalubog ang araw. Sandali pa't naramdaman na niya ang lakas ng hangin. Naalala nya tuloy si renato.
"Kumusta na kaya xa?" Ang bulong ni cristy sa sarili.
"M0mmy! M0mmy!" Ang sigaw ng isang batang babae.
Ngumiti c cristy.
"Oh, san kau galing ni Daddy?"
"Jan lang Hon. Ibinili ko lang c iris ng ice cream." Ang sagot ng asawa ni cristy.
Si Cristy?
Masasabi nyang msaya xa ngaun kapiling ng kanyang pamilya. Kuntento.
At c renato? Magiging bahagi na lamang xa ng kanyang nakaraan.
Kasabay nun ang malakas na hangin at paghulog ng mga tuyot na dahon sa kanilang paligid...