Wednesday, July 2, 2008

Magcomment kau ha?

"COMMENT"

Sa mga readers jan, magcomment kau ha?

hehehehe thanks..

Kababata

Ako c Junjun. Bente dos anyos. Teller sa isang Bangko sa Makati. At ito ang aking kwento. 

Trapik sa Edsa. Nakabibingi ang busina ng mga sasakyan. 
Kahit nakasakay ako sa air-conditioned bus ramdam ko parin ang tensyon sa paligid.

"Lintek! Super trapik talaga dito sa Guadalupe! Sana nagMRT nalang ako!" Ang paulit-ulit kong sambit sa aking sarili. Hindi ko mapigilan ang aking pagkainis ng oras na 'yon. Pasalamat ako anjan ang aking mga katext sa suncel at globe na nagbibigay saya kapag nakakaramdam ako ng sobrang pagkabugnot.

Habang nakatigil ang bus sa may bandang Guadalupe, iginala ko ang aking paningin. Napansin ko ang mga nglalakihang billboard, mga matataas na gusali sa lungsod ng Makati at mga taong paroo't parito na hindi ko malaman kung san patungo. Ngunit ang lubos na nagbigay sa akin ng atensyon ay ang malaking billboard sa bandang kaliwa kung saan nakalarawan ang isang matinee idol ngaun, si John Lloyd Cruz.

"Sinabi ko naman sayo umuwi ka ng maaga!" Ang sigaw ng ina ni John habang walang awang pinapalo ito.

"Nay! Tama napo!" Ang pagsusumamo ni John..

Bata palang kami nakakasama ko na 'yan. Napakatahimik na bata. Mabait. Kahit binabato ko na xa ng nilagang mani na pabaon sa akin ni inay kapag pumapasok ako sa eskwelahan, hindi parin xa lumalaban. Bagkus, pinupulot nya ito, tatanggalan ng balat at kakainin. Kaya masaya kami noon. Pero napapansin ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ewan ko ba kay John. Noon ndi ko talaga maintindihan pero ngaun malinaw na ang lahat.

Iniwan kasi sila ng tatay niyang Arabo matapos ang 6 na taong pakikisama sa nanay nya. Umalis ito ng bansa at tuluyan ng nanirahan sa Dubai kasama ang ibang pamilya.

Year 1989, dumating ang aking tatay galing Saudi. Kinailangan naming lumipat sa bago naming bahay dito sa Cavite upang muling magsimula, iyon din ang huling araw na nakita ko ang kaibigan kong si John.

Ilang taon din ang lumipas ng magkaroon ako ng oras at maisipang puntahan si john sa probinxa. Nakatapos nako ng HS noon. At malamang ganun din xa. Excited akong makita ang aking kaibigan. Halos hilahin ko ang oras para lang marating agad ang lugar kung san nagsimula ang aming kabataan.

Tok! Tok! Tok!

"Tao po!" Ang sigaw ko sa nakasaradong pinto ng bahay nina John.

Bumukas ang pinto...

Bumungad sa akin ang medyo maitim na babaeng buntis kung ndi ako nagkakamali nasa trenta y dos na ang edad nya at nasa kalagitnaan na ito ng kanyang pagbubuntis.

"Bakit? Sinong kailangan nila?" Ang padabog na tanong ng babae.

"Si John po ba nanjan? Ako po si junjun dating nakatira jan sa kabila, yun pong lumipat sa Cavite noon, anak ni aling Florencia," ang pagpapakilala ko sa babae.

Kumunot ang noo nito tanda na ndi nya ako nakikilala.

"Ah! Si John ba kamo?" Singit ng isang matandang naglalaba sa tapat ng bahay nina John.

Nilapitan ko ang matanda at di na inalintana ang nakasimangot na babaeng buntis na nasa pintuan.

"Opo! Si John po na nakatira sa bahay na yan," ang wika ko sa matanda.

"Ay Utoy, hindi na sila nakatira jan, ibinenta na nila ang kanilang lupa't bahay para pumunta ng Maynila." Kwento ng matanda habang panay ang kusot nito sa mga damit na kanyang nilalabhan.

Konting oras pa ang itinagal ko sa lugar na un. Pinuntahan ang mga lugar na madalas naming tambayan. Ang school namin, ang puno ng mangga sa tabi ng ilog, ang balon kung saan kami sabay na naliligo at ang likod bahay kung san madalas kaming mantirador ng mga ibon. Maraming nabago pero ang alaala hindi parin mabura sa aking isipan.

Bumalik ako ng cavite at hinarap muli ang buhay pagaaral. Naging busy sa mga sinalihang organization, patimpalak at pagsusulat sa mga school papers. Dito umikot ang aking mundo. 

Isang araw...

"Mommy! Tingnan mo ung nasa screen, db si John yan?!" sabay lapit sa tv at itinuro ang lalaki katabi ng mga baguhang artista.

"Si John ba yan anak?" isinuot ang salamin para lalong luminaw ang paningin nya.

"Anak, kamukha nga ni John yan ah?" ang wika ng aking ina.

"Tsk! Tsk! Ang buhay nga naman ano mommy? Dati mahiyain yang si John pero tingnan mo ngaun artista na. Pero di ako mgtataka mommy, sisikat yan. Mabait yan e tsaka matyaga," ang paliwanag ko sa aking ina.

"Sana magdilang anghel ka anak. Sana nga sumikat ang kaibigan mo," sabay tanggal ng kanyang salamin.

Simula noon, palagi ko ng nakikita si John sa tv. Wala akong pinalalampas na pelikula nya. Katwiran ko kasi, kaibigan ko yan kaya dapat suportahan ko xa.

Nasa isang mall ako noon sa Manila nang di sinasadyang malaman ko na andun pala si John at Bea nagpopromote ng kanilang pelikula. Halos mahulog ako sa hagdanan ng mall sa pagmamadali! Hahaha! Nakipagsiksikan talaga ako.

"Guard! Guard! Pwede pumasok?" ang pagsusumamo ko sa guard. Kasi kaibigan ko si John Lloyd!

"Pasenxa na boss, ndi kau pwedeng pumasok dito. Manood nalang po kau," ang magalang na sagot ng guard.

Gumawa ako ng note para maibigay ito kay John.


John,
 
Artista ka na. Alam ko pangarap mo yan & i am so proud of you. Always be patient and humble, Idol!

It's me, 
Junjun. Your chilhood friend (0922xxxxxxx)


"Guard, pakibigay nalang po nito kay John Lloyd," sabay abot ng sulat kasama ang 100 pesos. 

"Ok boss! Makakarating po ito wag kayong magalala," ang sabi ng guard. 

Nakita ko ng kausapin nya ang isang guard at xa ang pinagbantay nito sa gate. Naghintay ako hanggang sa lumabas ang guard patungo sa kinaroroonan ko.

"Boss, naibigay ko na po," ang sabi ng guard at tumango lang ako.

Lumabas sina John Lloyd at Bea, malakas ang sigawan ng mga tao. Pagkatp0s ng unang kanta nila nagpasalamat ito sa mga fans na nagtiyaga at pumunta para suportahan sila. Pero ang higit na nagpasaya sakin ng sandaling iyon ay...

"Sa kababata ko na nandito ngayon. . . . . " 

Nablangko si John. . . seryoso ang mukha na halatang merong naalala sa kanyang nakaraan. Pagkatapos ay humugot ng isang malalim na buntong hininga at. . .

".... masaya ako kasi nandito ka... pinapanood at sinusuportahan mo ako. . . Text kita bro!" sabay bawi at natatawang wika ni John Lloyd.

'Yung simpleng mensahe lang ni john, masaya na ako. At least nalaman ko na kahit artista na xa ngaun, di parin nya nalilimutan ang mga taong naging bahagi ng buhay nya noong simpleng tao palang xa. 

Hindi nakakalimot. 

Hindi nanghuhusga.

At patuloy na nakatapak ang mga paa sa lupa kahit nasa rurok na xa ng kasikatan.

Naputol ang aking pagmumuni ng isang tindero ang lumapit sakin.
"Boss, mani?" Mainit init pa.

"Ah! Cge! Pabili limampiso!" At napangiti ako. 

Diyata't ito ang paborito namin ni john.

Malapit na pala ako sa Megamall kung saan naghihintay na ang aking ka SEB. Charot lang! Hahahaha xempre mga fwends ko ang nandun. Hehe



wakas

Friday, June 20, 2008

True Love


"Tuyot na Dahon"
ni Kian Den De Guzman

Isang umaga iyon, nakabihis na si cristy para pumasok sa eskwela pero pakiramdam nya napakabigat ng dinadala nya sa kanyang dibdib. Kagabi nagsawa ang unan nya sa patak ng kanyang mga luha. Namaga ang kanyang mga mata. Nakipagbreak na kc xa sa kanyang bf. Mahigit 1 taon din xang nagtiis at ibinuhos kay Renato ang lahat ng oras at pagmamahal nya.
"Dina, mauna nako sau. Maaga pa 1st class ko."
Ang walang kagatol gatol na wika ni Cristy.
"Cge. Mamya pa clas ko e! Cristy, ok ka lang ba?"
Ang tanong ni Dina sa kanyang doormate na itinuturing naring matalik na kaibigan.
Ngiti lang ang itinugon ni Cristy sa kaibigan. Lumabas xang baon ang hinanakit sa dibdib. Lumakad xa. Pero wala ang atensyon sa kanyang nilalakaran. Okupado ang isip nya sa mga bagay na nangyari sa kanila ni Renato.
"Bakit nangyari ang lahat ng ito? Anong plano ng Diyos samin?" Ang mga tanong na nagsasalimbayan sa kanyang isip.
Natagpuan niya ang sarili sa Baywalk.
Umupo sa isang tabi malapit sa isang puno.
Tulala.
Dito sila madalas pumunta ni Renato pagkatap0s ng klase. Dito nila pinagsasaluhan ang ligayang dulot ng pag-ibig.
"Labs, gaano mo b ako kamahal? Ang tan0ng ni Renato kay Cristy.
"Syempre labs, kasinlawak at kasinlalim ng karagatang natatanaw mo." Ang nakangiting sambit ni Cristy.
"Eh ako labs? Gaano moko kamahal?"
"Ahh..Triple ng sinabi mo mahal ko.. Alam mo Cristy, gusto ko kapag nawala ako, maging hangin nalang ako. Para kahit wala nako maramdaman mo parin ako Labs.." Ang seryosong sagot ni Renato.
At nagyakap ang dalawa...
Unti-unting pumatak ang luha ni Cristy. Pagkatapos kasi ng masayang tagpong iyon nagbago na ang lahat. Hanggang sa dumating sa point na...
Walang text.
Walang call.
At hindi man lang dumalaw para kumustahin xa.
Nagkasakit na xa at lahat ni anino ni Renato hindi nya nakita.
Tinatawagan nya, hindi naman sinasagot ang phone.
Tinitext nya wala paring sagot mula sa binata.
Naglahong parang bula si Renato. Halos 5 buwan xang nagtiis, naghintay hanggang sa ngdesisyon xang tapusin na lamang ang relasyon nila.
"Nakakapagod din pala. Nakakapagod magtiis at maghintay. Noon, akala ko kaya ko pero dumarating din pala sa puntong pati puso napapagod magmahal..."
Naputol ang pagiisip nya ng 1 dahon ang pumatak sa kanyang kandungan.
Tiningnan nya ito..
Tuyot.
Pagkatapos, hinanap ang punong pinanggalingan ng dahong iyon. Nakita nyang nanlalagas ang mga dahon ng puno. Pero napansin nya na kahit nanlalagas ang mga ito, meron paring panibagong dahon na umuusbong sa dulo ng mga sanga nito...
Sa ganong tagpo, nagliwanag ang isip ni Cristy. May darating pa at handa xang maghintay na dumating ito sa tamang panahon. Kung san man naroroon si Renato, sana maging masaya xa..
Naglakad lakad muna si cristy sa lugar na un. Tinawid ang kalsada at nagdesisy0ng sumakay ng taxi patungong SM Manila.
"Kelangan kong maglibang. Kelangan kong mgshoping. Magparlor. Sana di maubos ang allowance ko." Ang bulong nya sa sarili.
SM MANILA 11:25am
Habang kumakain si cristy sa goldilocks, hindi sinasadyang napatingin xa sa labas. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Tinitigan ang lalaking nasa labas. Pinagmasdan ito. Halos hindi xa makapaniwala sa nakita nya.
"RE-RENATO..?" Kasabay ng pagbigkas sa pangalan ng lalaking minamahal nya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.. Nanginginig ang kanyang mga labi. Nanunuyot ang kanyang lalamunan.. Ngaun alam na nya kung bakit nawala c renato. Alam na nya kung bakit xa natitiis nito..
Samantala..
"Kuya, alis na tau? Hinihintay na tau nina mama sa bahay. Bilisan naraw natin. Tsaka baka naiinip na c tata sa parking lot." Ang sabi ng kapatid ni Renato.
"Cge.." Ang mahinang sagot ng binata.
Umalis na ang magkapatid patungo sa parking lot pero lingid sa kanila sinusundan sila ni Cristy at humahanap lang ang dalaga ng tamang tyempo para malapitan cla. Hanggang sa makarating sa pulang van na nakaparada sa isang sulok ng parking lot.
"Renato. . . " Ang kinakabahang tinig ni cristy.
Sabay na napalingon ang magkapatid. Nagulat c Renato. Hindi nya inaasahan na magkikita sila ng mga oras na iyon. Bigla nyang isinudlong ng kusa ang welchair na kanyang sinasakyan.
"Tata Selo! I-akyat mo nako sa van ngaun din!" Ang sigaw ng binata sa driver.
Pinigilan ito ni Cristy.
"Renato, wag mong gawin sa akin 'to! Magusap tau.. Higit kailanman ngaun moko kailangan. Mahal kita. Aalagaan kita. Tutuparin natin mga pangarap natin!" Habang umiiyak ang dalaga at nagsusumamo sa binata.
"Hindi na mangyayari un!" Ang matigas na wika ni Renato.
"Tingnan moko cristy! Tingnan moko! Putol na ang aking mga paa. Wala na akong pagasa! Baldado! Walang kwenta!!" Ang hysterikal na sagot ni Renato.
"Renato, mahal kita... Lahat makakaya kong gawin para sau.."
"Kalimutan mo nako, marami pang lalaki ang magmamahal sau! Gusto kitang maging masaya. Gusto ko dumating ang araw na makita kong nagtagumpay ka kapiling ng iyong magiging asawa, ng inyong mga anak... At kapag dumating ang araw na nalulungkot ka, damhin mo ang hangin sa paligid mo.. Nasa tabi mo lang ako, yayakapin kita.. Masuyo kitang hahagkan Labs.." At tuluyan naring umiyak c renato.
"Tata selo, isakay mona ako.."
At sumakay na c renato sa van kasama ng kanyang bunsong kapatid..
"Paalam Cristy.. Paalam mahal ko..." Ang huling katagang narinig ni Cristy kay Renato.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak..
"Renato... Ikaw lang ang kaligayahan ko..." ang paulit ulit na sigaw ni cristy ngunit hindi na ito narinig pa ng binata hanggang ang sigaw ni cristy ay naging pabulong na lamang..
Un na ang huli nilang pagkikita ni Renato, ng pinakamamahal na si Renato.
7-taon ang lumipas..
Nakatanaw na naman si cristy sa Manila Bay. Tila kaysarap pagmasdan habang papalubog ang araw. Sandali pa't naramdaman na niya ang lakas ng hangin. Naalala nya tuloy si renato.
"Kumusta na kaya xa?" Ang bulong ni cristy sa sarili.
"M0mmy! M0mmy!" Ang sigaw ng isang batang babae.
Ngumiti c cristy.
"Oh, san kau galing ni Daddy?"
"Jan lang Hon. Ibinili ko lang c iris ng ice cream." Ang sagot ng asawa ni cristy.
Si Cristy?
Masasabi nyang msaya xa ngaun kapiling ng kanyang pamilya. Kuntento.
At c renato? Magiging bahagi na lamang xa ng kanyang nakaraan.
Kasabay nun ang malakas na hangin at paghulog ng mga tuyot na dahon sa kanilang paligid...

Cyrus


"BEEP BEEP"
ni Kian Den De Guzman


Sa isang tao nagmula ang lahat.

Ex ko, Ex din nya.
Ang weird di ba?

Beep.Beep.
1 msg received.

Habang ako'y nakahiga sa kama
Message ay binasa..
Nung una nakakatawa
Hus dis ba? Hndi kita kilala!

A deep sigh ang pinakawalan ko.
Bkit kamo?
Nalaman ko kasi na ex nya ang ex ko.
Pero dahil mabait ako (kapal)
Xempre siya'y kinausap ko..

Makulit xa sa totoo lang.
Kaya minsan diko nirereplyan.
Pero kahit matagalan
Text parin xa ng text kay kian (ay! ako un! Hehe)

Birthday ko noon at wala akong magawa.
Kaya kung saan saan ako ay gumala.
Ang SM Bacoor talagang aking sinadya.
Kahit pakiramdam ko noon ako ay nanlalata.

Doon kami ay nagkita.
Lakad dito. Lakad doon.
At dahil gumagabi narin nun
Ako'y nagpaalam na.
Lobat pa ko ponyeta!(di ko xa matitxt hahaha!)

Nagpatuloy ang buhay.
Text text parin.Minsan tumatawag..
Un tipong...Sharing all his sentiments in life as well as mine.
Sharing my experiences and the less0ns i'v learned para matuto din xa..
Or should i say.. "para makamove on xa!"

Hanggang siya'y nawala na parang isang bula!

Hmmm nakakamis pala..
Kapag sayo'y walang umaabala.
Kapag sayo'y walang nangungulit.
Kapag ang sunphone ko'y tahimik.
(Siya lang kasi ang makulit na kinakausap ko sa suncel. Ü)

'til 1 day...

Beep.Beep.
1 message received.

Nagparamdam ang bruho sa globe ko!
At dahil siya'y miss ko,
Lintek! naiTAKTAK ko este nagtext agad ako! Hehe.

Jan. 7, 2007

Dun muli nabuo ang aming samahan.
Hanggang xa ay sumama sa isang lakaran
Dun! Dun! ko xa ulit napagmasdan ng matagalan
At dun ko rin xa nakilala ng lubusan..

Teka naiiyak ako... Haha!

Habang nakaunan xa sa aking dibdib
Hindi ko napigilan na siya'y aking titigan
Di ko malilimutan ang pinakawalan niyang ngiti
Habang yakap yakap ko xa
at dampian ng masuyong halik sa labi.

Happy ako at dumating xa.
Happy ako na kasama xa...

At habang pinagmamasdan ko xa sa kanyang pagtulog
Dibdib ko'y talagang kaybilis ng pagkabog!
Alam ko hindi lang ito libog hehe!
Kundi sadyang tawag ng pag-irog! Haha korni!

Bawat pagkikita tila anong saya.
Hindi matatawaran ang ligayang sa puso'y dala-dala
Tunay na xa talaga ay mahal ko
Hindi ipagpapalit ng basta basta kahit kanino!

Panakip Butas





Sa simula tila anong saya
ng pagibig na iyong pinakita
Ngiti mo'y aking sinisinta
Salita mo'y aking damang dama.

Parang satin lang ang mundo
makulay ang bawat sulok nito
Mga yakap at halik mo
parang wagas at totoo..

Ibinigay ko ang lahat sau
Oras, katawan, at pagibig ko
Kaysakit malaman ang totoo
Huwad pala ang lahat ng pinakita mo..

Pagkatapos ng lahat
Eto ako't umiiyak
Dahil ang katulad ko pala
Ay isa lamang panakip butas!

Akala ko ako'y iyong mahal
Akala ko ikaw na ang aking buhay..
Akala ko ikaw na angibinigay
Sa aking pusong nalulumbay...

Kayhirap tanggapin ang katotohanan
Ngaun, naniniwala nakosa kasabihang...

AKO ANG NAGSAING, IBA ANG KUMAIN! LECHE!

Arbin


'DI KITA IIWAN'
ni KiAN Den De Guzman

Noon pa man ikaw na ang aking mahal
Tinatangi ng puso't isipan
Kung bakit 'yan ang hindi ko alam
Tunay na pagibig nga ba ang siyang nararamdaman?

Pinilit kong limutin ka pagkatapos ng lahat
Ngunit itong puso ko ayaw talagang paawat
Makita ko lang ngiti mo kumpleto na ang lahat
Dala mo sa buhay ko'y luwalhati at galak...

Kapag ikaw ang kayakap walang kapantay ang saya
Kapag ikaw ang kasama pagasa'y nakikita...
Kapag kasama ka naman niya puso'y lumuluha
Ngunit makita kang msaya sa piling niya, lungkot ay pilit na winawala...

Magkaganunman di kita iiwan
Pangakong sayo'y bibitawan
For better or for worse til death do us part
Andito lang si 'KIAN' kapag iyong kailangan...

"Baby"


"BABY"


Noon, akala ko sa radyo at telebisyon lang maririnig at mapapanood ang drama.
Wala pa akong alam sa mga nangyayari sa paligid. Pero nang matutunan kong
harapin at makisabay sa agos ng buhay dito ko nalaman ang itinatagong misteryo
ng ating mundo. Isang misteryo ng buhay na hindi ko akalain na darating ng mga
oras na iyon.

Gabi noon, pasado alas-11 ng gabi. Galing ako sa trabaho.
Nilalakad ko ang kahabaan ng street na un pauwi samin ng madaanan ko ang isang
malaking bahay.

Umaambon.
Tumatahol ang mga aso.

Nang di sinasadya nasulyapan ng aking mga mata ang isang basket.
Sa aking pagtataka, gumagalaw ito. At lalo akong nagulat ng makarinig ako ng isang
munting tinig..

Isang BABY.
Kaygandang baby.

Tila isang angel na umiiyak.
Nakabalot sa isang puting tela. Iginala ko ang aking paningin, walang katao-tao at sa
pagaakalang matutulungan ako ng malaking bahay na iyon, nagdorbel ako.

Isa.
Dalawa. .
Tatlo. . .
Apat. . . .

Kung hindi ako nagkakamali dalawanpo't isang beses kong pinindot ang buton na iyon
pero kahol ng aso lang ang sumagot sa akin.Wala akong nagawa kundi iuwi ang baby
sa aming munting tahanan.

Lumipas ang maraming taon, lumaki si baby na isang mabuting bata.
Itinuring namin xang isang tunay na kapatid. Mas binigyan ng atensiy0n, pagmamahal
at pagaaruga na kailanman ay hindi na nya mararanasan sa kanyang tunay na mga magulang.

Ngayon heto ako sa isang lugar.

Nakatayo...

Nararamdaman ko ang lamig na nanunuot sa kaibuturan ng aking kalamnan.
Ang hangin na humahalik sa aking mukha. Ang nakabibinging katahimikan..

Naalala ko tuloy. .

"uya, maanda b a-o?"
Ang tanong ni baby sakin..

"Syempre naman! Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kasi ikaw ang baby namin..."
ang wika ko sa kanya.

"uya, e-e mana a-o i-yo?"
ang sabi ni baby nung labing isang taon pa lamang xa.

"Hahaha! Ang baby ko tlaga. Mana ka talaga sakin. Bolero ako, bolera ka nman!"
ang natatawa kong sagot.

Napangiti ako. Marahan kong inilagay ang kumpol na puting rosas sa ibabaw ng puntod
ni baby. 0o, wala na xa. Namatay si baby dahil kinakailangan xang operahan noon dahil
nagkaron ng kumplikasyon sa kanyang karamdaman. Bata palang kasi meron na xang
sakit. Pero ganunpaman ang nangyari, mananatili sa puso namin si baby dahil sa ligayang ibinigay nya sa aking pamilya. Hindi man namin xa kadugo, hindi man nya naramdaman
ang pagmamahal ng tunay na magulang, alam ko na masaya xang lumisan baon ang
pagmamahal na buong puso naming ipinagkaloob sa kanya. .

Monday, June 16, 2008

Bird



Nakatingin sa kawalan.

Bumuntong hininga.

Muli.
Ibinaling ang tingin sa maaliwalas na tanawing iyon ng Manila Bay.
Kaysarap pagmasdan ang mga ibong lumilipad..

Naghaharutan.
Naglalaro.

Dun ko napansin ang isang ibong dumapo at naninimbang sa mga kahoy
at bunot na nakalutang sa dagat.

Naisip ko...

Asan na ba ako sa buhay ko?

Isa lang ang pangarap ko.

Hindi pera.
Hindi karangyaan o anupamang makapagpapaangat ng aking pagkatao
kundi pagmamahal ng isang tao kapalit ang busilak kong puso na aming
payayabungin habambuhay...

Maya-maya pa, kasama siyang lumipad ng mga ibon patungo sa kawalan.

Napangiti ako..

Kasi alam kong hindi na xa maninimbang.
Hindi narin xa magiisa dahil alam ng ibong iyon na kahit dumaan pa ang ilang unos,
meron xang kaibigan na dadamay sa kanya..

At ako?Masuerte ako dahil alam kong nanjan kayo sa buhay ko.. ;)

Jeffrey


Hai..
I'v been looking for love not pure sex.
Kung may sex, sana me love na involved para happy together.
Sino bang ayaw maging happy di ba?
====================================
April 1.

Remember this date?
Tapat ng municipyo.
Galing ako sa gym.
Nakared ka.
Nagtago tau sa place na madilim.
Prob natin ang place.
So umuwi nalang tau pareho.

====================================
April 2.

Gusto ulit kita makita.
Nagkita tau.
Nakablue shirt ka nun.
Kahit natatakot ako, pumasok tau sa room ko.
First time kong gawin un.
Kinaya ko ang kaba dahil gusto kitang makilala.

Memorable sakin ang gabing un.
Ang mga halik at yakap mo, ramdam na ramdam ng puso ko.
Hindi mo alam, unti-unti na kitangminamahal.
Nagulat din ako nung una pero alam ko naman mangyayari din un
dahil kilala ko sarili ko.

Now dat u know wats happening to me,
sana lang anjan ka parin.
Importante lang naman nanjan ka..

Un lang.

Ayoko ng humiling pa.
Ayoko ng magexpect...
Nandito lang ako sa Dasma.
Kapag napadpad ka dito, isang text mo lang anjan nako..

Hindi ako takot magmahal.
Basta naramdaman ko sasabihin ko.
At mahal kita.
Un ang totoo..

====================================
April 19.

Nasundan ang ating kwento.
Nasa SM Bacoor ako, Dasma ka.

Kung alam mo lang..

Nagmamadali akong sumakay ng bus para lang maabutan ka.
Kahit nakatayo ako ok lang..
Nakangiti parin kasi makakasama naman kita.
Tinatawag tawagan kita para masure ko na magkikita tayo.
At sa dating tagpuan, dun ka nakita ng mga mata ko.

Gwapo ka parin sa suot mong yellow shirt..
Ang mga mata mong gustong gusto kong titigan.
Ang mga ngiti mong kayhirap masilayan.
Ang mapulang labi mo na kaysarap hagkan.
Sadyang nagbibigay kilig sa puso kong sayo'y nagmamahal.

Naulit muli ang lahat.
Natikman ang ligayang sayo lang nalasap.
Kaysaya ng puso ko.
Kahit sangkaterbang kaba ang dala dala ko.
Paano naman kasi ang ingay-ingay mo.
Maririning tayo sa kabilang kwarto.
Sshhhhh..Hahahaha!

Kumain tayong magkasalo.
Sinusubuan mo pa ko.
Sweet ka pala naisip ko.
Kaso hindi naman tayo.....

Pero kahit ayaw mo ng commitment..
Nandito parin ako.
Kaibigan na masasandalan mo.
Kaibigan na makakausap mo.
Wish ko nga magkaron ng happy ending ang kwento natin..
Kung kelan un hindi ko alam..
Kasi ikaw lang naman makakasagot nun... :)

====================================
April 26

Katangahan ba ang ginawa ko?
Kinancel ko lahat ng lakad ko para sayo
Pero ng tawagan kita di mo man lang sinagot
Kaya buong gabi akong nakasimangot at nagmokmok!

Di naman kita masisi, kc me sarili kang buhay
Ako lang kasi si "tanga" hintay ng hintay
Punyeta kasing puso hindi maturuan
Ikaw lang ang gusto, ikaw lang ang mahal!

Ayoko namang matulog na sayo'y nagtatampo
Bakit naman kasi ni isang text wala man lang galing sayo..

Naisip ko tuloy....

Hanggang saan kaya ang kahibangang ito?
Napapagod nako. Napapagod na puso ko...

Naisip kong magtext sa mga taong dipa nakikilala
Na sa picture ko palang sila nakikita
Merong isang taong labis na nakisimpatya
Sa mga sintemientong aking nadarama...

Nagpasalamat ako sa kanya
At bilang ganti siya naman ang aking pinatawa
Parang antagal na namin magkakilala
Un nga lang meron na pala siyang sinisinta..

====================================
May 4

Dinala sa simbahan ang aking mga paa
Para doon ipanatag ang aking nadarama
Hindi ako humiling ng tungkol sa kanya
Nag "thank u" lang ako sa biyayang binibigay NYA.

Sa sermon ng pari aking napagtanto
Na mas masuerte pala ang taong nabibigo
Na mas masuerte pala ang taong nagmamahal
Kesa sa taong nakakatanggap nito.

At sa huli, narealize ko..

Para pala akong si Juday sa Ploning
Marunong magmamahal,
dahil ang nagmamahal
eh..
Naghihintay...
Nagtitiwala...

At hihintayin ko ang taong tutugon sa pagmamahal ko...

BANGKA


"BANGKA"


Naglakbay ang diwa ng isang makata
Habang nakasakay sa maliit na bangka
Hagupit ng alon sa puso'y nagbabadya
Hindi maiwasang sa mahal ay mangulila.

Sa lakas ng hangin ako'y napasinghap
Nalasahan sa labi ang tubig sa dagat
Tunay na kay alat ang dulot sa puso
Kapag di nakikita ang iyong kasuyo.

Sa tagal ng pagduyan sa bangkang sinasakyan
Hindi ko maiwasan na mapaisip ng lubusan
Sadya bang ang pag-ibig ay dapat dumaan
Sa mga pagsubok na inihain ng ating kapalaran?

Sabagay...

Ang pag-ibig talaga ay parang bangka sa karagatan
Na kailangang dumaan sa mahabang paglalakbay
Dahil doon siya titibay, Dahil doon siya tatatag
Matututong maghintay sa pag-ibig na wagas.

Dumaan man ang ulan, dumaan man ang bagyo
Sa nais na daan doon siya tutungo
At kung sakaling maglayag ang puso kong nangungulila
Sana sa pagdaong ko....

Ikaw parin ang naghihintay na sa akin
ay kakalinga...

Sunday, June 15, 2008

"Si Daddy"


Bata pa lang ako, ang unang musikang sumasalubong sa aking umaga
ay mga tilaok ng manok sa aming bakuran na alaga ng aking tatay na
sabungero. Hilig talaga nya ang magalaga ng manok at ilaban ang mga
ito sa bayan tuwing sasapit ang linggo. Ni hindi nga namin xa maaya
man lang magsimba kaya napapakam0t nalang ang ulo ko sa tuwing
naaalala ko ang sinabi nya.

"Ano ba naman kayong mag-ina! Kung gus2 nyo sumimba eh di
sumimba kayo! Alam nyo naman na sabungan ang simbahan ko!"

Padabog na sabi ng itay habang hinihimas ang pab0rito nyang alagang sasabungin.
At kapag ganyan na ang usapan tahimik na kami ni inay. Iyon lang kc ang libangan
ni itay, ang magsabong at mag-alaga ng sangkatutak na sasabungin.

Isang araw nakita ko ang paborito nyang manok sa likod ng aming bahay
nakawala sa kanyang kulungan. Hindi ko alam pero nagawa kong habulin
xa hanggang sa makalayo xa sa bahay namin.
Tuwang-tuwa ako kc wala n xa. Pkiramdam ko kc mas mhal pa ng tatay ko
ang manok na un kesa sakin.

"Asan ang manok ko?!"Ang sigaw ng aking ama.

"Ndi ko po alam" ang kinakabahan kong sagot sa tatay ko.

"Tinamaan ka ng lintek!" Di ba sabi ko bantayan at pakainin mo ang mga man0k ko?
Bukas na ang derby! Kelangan ko pa xang ikondisy0n. Nakow!! Tatamaan ka sakin
kapag diko xa nahanap!"

At umalis na nga ang tatay para hanapin ang paborito nyang man0k.
Umiyak ako. Kasi anak nya ako pero kaya nya akong saktan ng dahil
lamang sa isang sasabungin?
Mabuti na lamang at nahanap ni itay ang manok na itinaboy ko palayo kaya naging
maayos naman ang lahat. Kinabukasan, maaga palang nakabihis na si itay.
Nakapamada ang buhok, nakapolo at nagpuslit pa ng pabango. Walastik talaga si itay
parang aakyat ng ligaw eh sa sabungan lang naman sa bayan ang derby.

Umalis si itay habang kami naman ay naghanda ni inay papuntang simbhan para
magdasal at magpasalamat sa Kanya. Noong hapon din na un, malayo palang si itay
tanaw ko na xa. May bitbit na tikoy (ung tinitinda sa sabungan na paborito ko),
bitbit ang paborito nyang manok sa kanang braso at may dala pa xang bayong.
Hmmm.. mukhang panalo si itay! Kasi bago palang xa makarating sa bahay ang
mga kumpare nya e nagsisisigaw na sa tuwa. Malamang inuman na naman yan!
At tama nga ang aking sapantaha!

Kinagabihan habang nagiinuman cla sa ibba ng bhay namin, umakyat si itay...

"Anak, asan ka?" ang mahinang wika ng aking itay pero sapat na un para mrinig ko.

"Bkit po 'tay?" Habang abala ako sa pagbabasa ng libro dahil bukas ay lunes na.
May pasok n naman.

"Oh! Balato ko sau," sabay abot sa akin ng pera habang nakangiti sakin si itay.

"Talaga 'tay?!" ang tan0ng ko.

"Oo naman, kaw pa?! Ibili mo yan ng sapatos at damit ha? Ung mga gus2 m0.
Di ba bday m0 na bukas? Yan na regalo ko sau!" sabay himas sa ulo ko na para
bang hinihimas din ang paborito nyang manok..

"Salamat po 'tay," ang bul0ng ko sa kanya.

Noon ko lang naisip na mahal din pala ako ni itay. Na kahit busy xa sa kanyang mga man0k, naaalala parin nya birthday ko. At ngaun ko lang din naintindhan kung bakit ang paborito
nyang manok ang isinugal nya. Sa lahat kasi ng manok nya, ito ang pinakamagaling lumaban. Hindi xa ipapahiya nito. Pero alam nyo ang higit na naapreciate ko sa ginawa ni itay eh ung
handa pala xa na mawala ang paborito nyang manok para lang mabigyan ako ng regalo at ipadama sakin na meron akong tatay, ang pagiging ama nya sakin, samin ng mga kpatid ko...


Happy Dad's Day!

Saturday, June 14, 2008

Nahanap mo na ba?

NAHANAP MO NA BA?


Sa panahon ngayon,
madalas nagsisimula ang love story sa
physical attraction or minsan dahil sa
good personality na nakikita sa 1 tao.

Minsan nga infatuation is mistaken
as love..

But what is love for most people?

Love doesn't only give a vision of the
present but the future too.

True love is defined when circumstances
are at its worst, un tipong lahat ng
grabeng problema at sitwasyon eh pinag-
daanan nyo ng dalawa, yet u still know
how to accept the person, to hold on and
fight for it. Un tipong may mabago man
physically or may makita ka mang bagong
ugali, ayaw mo man nun o gusto,
love still remains and it always will.
Un tipong magkaiba man kau ng pananaw at
nagtatalo dahil di nagkakaunawaan,
in the end naaayos nyo parin coz u both
learn to compromise..

Sa ngaun sa bilyong tao meron sa mundo,
masuerte ka na kung natagpuan mo na ang
taong minamahal mo at minamahal ka.. :-)