Halos magiisang taon narin simula ng tumigil akong magsulat. Siguro ung iba
sa inyo nagtataka kung bakit pangalawang entry palang ito sa taong 2012 gayong
patapos na ang taon. Masyado lang naman ako naging abala sa karir. Literal yan
ha? O sige na nga, aaminin ko na. Karir at Career. Kung alam nyo ang pagkakaiba
nyang dalawa, opo, naging busy talaga ako. Hehehe!
Ibang-iba na ngaun ang work schedule at load ng trabaho ko. Kung dati 8am
to 5pm lang ang pasok ko sa dating kompanya na pinagtatrabahuhan ko, ngaun eh 7:30am
to 7:30pm na, idagdag pa ang tambak na trabaho galing sa Engineering Department.
May 2 hours break naman pero nauuwi lang lahat un sa lunch at pagidlip ko. Kaya
halos wala na akong time magsulat. Dinadaan ko nalang sa upload ng picture sa
FB. Sabi nga ng isa kong kaibigan dito sa Middle East, masyado akong visible sa
newsfeed nya sa facebook. Magugulo daw ang taong magpapa-add sa akin. Hahaha!
I hope one of these days, magawa ko na ulit magsulat. Hindi ung hanggang simula
nalang palagi at di ko natatapos kasi minsan nakakatulugan ko o kaya need ko lumabas with friends. Nakakamiss din minsan magshare ng personal
experience, ung makakapagbigay ka ng aliw at saya sa mga taong nakakabasa nito.
Sabi nga, one word can change everything, pano pa kaya kung isang buong kwento na diba?
I know one day, makakapagshare ulit ako ng mga kwento ko but this time, sa akin nalang muna. J