Wednesday, May 1, 2013

Do You Believe in Magic?



I still remember the first time we met. It was 6pm at Old Lulu in Salalah. Kinakabahan pa ako that time kasi bago palang ako na nakikipag-friend sa mga Omani. 2 years before ko maisipang makipag-friend sa mga lokal. It means, 2 years na nag-evolve lang ang buhay ko noong time na 'yun sa office, bahay, internet at sa Pilipino kong jowa na nasa Pilipinas at nakilala ko lang sa facebook noong nasa Oman na ako. At noong magbakasyon ako at magkita kami, hindi rin naman nagwork 'yung relationship namin. Of course, disappointed ako, stressed, depressed, at broken-hearted ng bumalik ako ng oman.


Maldita ka pakner, naisipan ko tuloy magsulat dahil sa reminiscing moment mo. Ayan, kakachat natin sa whatsapp. Di bale, feel ko din mag-reminisce ngaun. “Wag kang kokontra. Blog ko “to! Hahaha!

Nang makita ko siya at ngumiti siya sakin, bigla akong may naramdaman. I believe it was love at first sight. Dati naman hindi ako naniniwala sa ganun, pero that time, iba eh. Parang nagslow motion ang mundo ko. At habang lumilibot kami sa Salalah Airport, pareho kaming hindi makapagsalita, tameme kami pareho, panay ngiti lang kaming dalawa at mata lang namin ang nangungusap. Movie ba ito?! Naexperience ‘nyo naba ‘yun? 

Parang magic !

Pag-uwi ko ng bahay, agad kong tinawagan si ate (housemate ko). Hindi ko mapigilan ang kilig. Sinabi ko talaga na… “Ate, eto na 'to! Dumating na siya, naramdaman ko!”

Marami ng nangyari at di ko na kelangang isa-isahin pa. Masyadong open ang facebook ko sa mga nangyayari sa life ko. Tama naman diba? Halos lahat yata naipost ko na, kung hindi man sa status update eh sa mga photos ko.

Lumipas na ang isang taon at siyam na buwan, okay parin kami. Pinapasaya naman nya ako. Nakita ko naman ang effort niya ng umattend siya sa first birthday ng pamangkin ko sa UAE. Nakilala na niya kuya ko, mga friends ko and hopefully this coming June makilala rin niya ang Mom and Dad ko sa UAE. I'm looking forward to that day. Nakilala ko narin ang family nya sa Oman. Syempre nag effort din ako noh? Maraming effort para maging okay ang relationship namin. May mga problema rin kami minsan, maybe because of cultural differences but still we can manage. Normal lang naman 'yun sa isang relationship.

Nandun parin naman ang saya pag magkasama kami. Nagdi-date sa park, kumakain together. Actually kuntento nako sa ganun, basta magkasama kami. 

Hindi man ganun kadalas mangyari na ‘yung slow motion at least alam ko na nasa amin parin ang magic… 

:)