Message to myself today:
Don't be depressed about losing something. You are strong enough to face all the challenges of life. If you can't get what is right for you today, think that you can get more in the future.
Circumstances can certainly make life unhappy but i know you have the power of positive behavior and the strength to magnetize all the goodness in life. Don't let anyone ever make you feel like you don't deserve to be happy.
Life is about taking chances so take your chance...
I'm so depressed tonight...
Ilang days nako naghihintay. Sumasakit narin ang ulo ko kaiisip. I really don't know if i'll still be able to get what is just right for me after my more than 2 years in the company. There were nights na hindi ako dalawin ng antok. Nagkakasakit narin ako. I really wanna go back to Philippines pero hindi ako makauwi dahil expired na ang visa ko.
Marami sa inyo, ibang mukha ang nakikita nyo sa akin sa facebook. Very positive sa buhay, lively, friendly, maharot, malandi, parang walang problema, ang gaan gaan ng buhay.
Most of the day naman ganun talaga ako. Gusto ko kasi palaging masaya, gusto ko everyday meron akong napapasayang tao, gusto ko nakakapagbigay ako ng inspiration at gusto ko may natututunan sila sakin sa bawat kilos at salitang ibinabahagi ko sa kanila. Kahit mga simple deeds lang 'yun, i want to feel na kahit paano nagkakaron 'yun ng impact sa kanila.
Sa office naman masunurin ako. Hindi ko ugaling magdemand. Hindi ko ugaling makipagtalo at lalong hindi ko ugali na umabsent. Pero nakalimutan ko, tao rin pala ako. Napapagod, nauubos ang pasensya, sumasabog, nagkakasakit.
If you could only see my face tonight, wala kang makikitang bahid na saya. Sa sobrang inis ko sa mga bagay-bagay at mga taong iresponsable sa paligid ko, umiyak ako. Sinabayan ko si Aiko Melendez at Christine Reyes sa reputasyon habang nagkakapatawaran na sila. Feeling ko kasi kailangan ko naring umiyak. Masyado ng matagal na hindi ako nagpalabas ng luha dahil nawili ata ako sa happy go lucky life ko.
May nagtetext na naman sa akin ngaun, new number. At dahil wala ako sa mood ngaun, sinabi ko nalang na busy ako.
Me against the world ata ang drama ng life ko nowadays.
Hays...