
Ako c Junjun. Bente dos anyos. Teller sa isang Bangko sa Makati. At ito ang aking kwento.
Trapik sa Edsa. Nakabibingi ang busina ng mga sasakyan.
Kahit nakasakay ako sa air-conditioned bus ramdam ko parin ang tensyon sa paligid.
"Lintek! Super trapik talaga dito sa Guadalupe! Sana nagMRT nalang ako!" Ang paulit-ulit kong sambit sa aking sarili. Hindi ko mapigilan ang aking pagkainis ng oras na 'yon. Pasalamat ako anjan ang aking mga katext sa suncel at globe na nagbibigay saya kapag nakakaramdam ako ng sobrang pagkabugnot.
Habang nakatigil ang bus sa may bandang Guadalupe, iginala ko ang aking paningin. Napansin ko ang mga nglalakihang billboard, mga matataas na gusali sa lungsod ng Makati at mga taong paroo't parito na hindi ko malaman kung san patungo. Ngunit ang lubos na nagbigay sa akin ng atensyon ay ang malaking billboard sa bandang kaliwa kung saan nakalarawan ang isang matinee idol ngaun, si John Lloyd Cruz.
"Sinabi ko naman sayo umuwi ka ng maaga!" Ang sigaw ng ina ni John habang walang awang pinapalo ito.
"Nay! Tama napo!" Ang pagsusumamo ni John..
Bata palang kami nakakasama ko na 'yan. Napakatahimik na bata. Mabait. Kahit binabato ko na xa ng nilagang mani na pabaon sa akin ni inay kapag pumapasok ako sa eskwelahan, hindi parin xa lumalaban. Bagkus, pinupulot nya ito, tatanggalan ng balat at kakainin. Kaya masaya kami noon. Pero napapansin ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ewan ko ba kay John. Noon ndi ko talaga maintindihan pero ngaun malinaw na ang lahat.
Iniwan kasi sila ng tatay niyang Arabo matapos ang 6 na taong pakikisama sa nanay nya. Umalis ito ng bansa at tuluyan ng nanirahan sa Dubai kasama ang ibang pamilya.
Year 1989, dumating ang aking tatay galing Saudi. Kinailangan naming lumipat sa bago naming bahay dito sa Cavite upang muling magsimula, iyon din ang huling araw na nakita ko ang kaibigan kong si John.
Ilang taon din ang lumipas ng magkaroon ako ng oras at maisipang puntahan si john sa probinxa. Nakatapos nako ng HS noon. At malamang ganun din xa. Excited akong makita ang aking kaibigan. Halos hilahin ko ang oras para lang marating agad ang lugar kung san nagsimula ang aming kabataan.
Tok! Tok! Tok!
"Tao po!" Ang sigaw ko sa nakasaradong pinto ng bahay nina John.
Bumukas ang pinto...
Bumungad sa akin ang medyo maitim na babaeng buntis kung ndi ako nagkakamali nasa trenta y dos na ang edad nya at nasa kalagitnaan na ito ng kanyang pagbubuntis.
"Bakit? Sinong kailangan nila?" Ang padabog na tanong ng babae.
"Si John po ba nanjan? Ako po si junjun dating nakatira jan sa kabila, yun pong lumipat sa Cavite noon, anak ni aling Florencia," ang pagpapakilala ko sa babae.
Kumunot ang noo nito tanda na ndi nya ako nakikilala.
"Ah! Si John ba kamo?" Singit ng isang matandang naglalaba sa tapat ng bahay nina John.
Nilapitan ko ang matanda at di na inalintana ang nakasimangot na babaeng buntis na nasa pintuan.
"Opo! Si John po na nakatira sa bahay na yan," ang wika ko sa matanda.
"Ay Utoy, hindi na sila nakatira jan, ibinenta na nila ang kanilang lupa't bahay para pumunta ng Maynila." Kwento ng matanda habang panay ang kusot nito sa mga damit na kanyang nilalabhan.
Konting oras pa ang itinagal ko sa lugar na un. Pinuntahan ang mga lugar na madalas naming tambayan. Ang school namin, ang puno ng mangga sa tabi ng ilog, ang balon kung saan kami sabay na naliligo at ang likod bahay kung san madalas kaming mantirador ng mga ibon. Maraming nabago pero ang alaala hindi parin mabura sa aking isipan.
Bumalik ako ng cavite at hinarap muli ang buhay pagaaral. Naging busy sa mga sinalihang organization, patimpalak at pagsusulat sa mga school papers. Dito umikot ang aking mundo.
Isang araw...
"Mommy! Tingnan mo ung nasa screen, db si John yan?!" sabay lapit sa tv at itinuro ang lalaki katabi ng mga baguhang artista.
"Si John ba yan anak?" isinuot ang salamin para lalong luminaw ang paningin nya.
"Anak, kamukha nga ni John yan ah?" ang wika ng aking ina.
"Tsk! Tsk! Ang buhay nga naman ano mommy? Dati mahiyain yang si John pero tingnan mo ngaun artista na. Pero di ako mgtataka mommy, sisikat yan. Mabait yan e tsaka matyaga," ang paliwanag ko sa aking ina.
"Sana magdilang anghel ka anak. Sana nga sumikat ang kaibigan mo," sabay tanggal ng kanyang salamin.
Simula noon, palagi ko ng nakikita si John sa tv. Wala akong pinalalampas na pelikula nya. Katwiran ko kasi, kaibigan ko yan kaya dapat suportahan ko xa.
Nasa isang mall ako noon sa Manila nang di sinasadyang malaman ko na andun pala si John at Bea nagpopromote ng kanilang pelikula. Halos mahulog ako sa hagdanan ng mall sa pagmamadali! Hahaha! Nakipagsiksikan talaga ako.
"Guard! Guard! Pwede pumasok?" ang pagsusumamo ko sa guard. Kasi kaibigan ko si John Lloyd!
"Pasenxa na boss, ndi kau pwedeng pumasok dito. Manood nalang po kau," ang magalang na sagot ng guard.
Gumawa ako ng note para maibigay ito kay John.
John,
Artista ka na. Alam ko pangarap mo yan & i am so proud of you. Always be patient and humble, Idol!
It's me,
Junjun. Your chilhood friend (0922xxxxxxx)
"Guard, pakibigay nalang po nito kay John Lloyd," sabay abot ng sulat kasama ang 100 pesos.
"Ok boss! Makakarating po ito wag kayong magalala," ang sabi ng guard.
Nakita ko ng kausapin nya ang isang guard at xa ang pinagbantay nito sa gate. Naghintay ako hanggang sa lumabas ang guard patungo sa kinaroroonan ko.
"Boss, naibigay ko na po," ang sabi ng guard at tumango lang ako.
Lumabas sina John Lloyd at Bea, malakas ang sigawan ng mga tao. Pagkatp0s ng unang kanta nila nagpasalamat ito sa mga fans na nagtiyaga at pumunta para suportahan sila. Pero ang higit na nagpasaya sakin ng sandaling iyon ay...
"Sa kababata ko na nandito ngayon. . . . . "
Nablangko si John. . . seryoso ang mukha na halatang merong naalala sa kanyang nakaraan. Pagkatapos ay humugot ng isang malalim na buntong hininga at. . .
".... masaya ako kasi nandito ka... pinapanood at sinusuportahan mo ako. . . Text kita bro!" sabay bawi at natatawang wika ni John Lloyd.
'Yung simpleng mensahe lang ni john, masaya na ako. At least nalaman ko na kahit artista na xa ngaun, di parin nya nalilimutan ang mga taong naging bahagi ng buhay nya noong simpleng tao palang xa.
Hindi nakakalimot.
Hindi nanghuhusga.
At patuloy na nakatapak ang mga paa sa lupa kahit nasa rurok na xa ng kasikatan.
Naputol ang aking pagmumuni ng isang tindero ang lumapit sakin.
"Boss, mani?" Mainit init pa.
"Ah! Cge! Pabili limampiso!" At napangiti ako.
Diyata't ito ang paborito namin ni john.
Malapit na pala ako sa Megamall kung saan naghihintay na ang aking ka SEB. Charot lang! Hahahaha xempre mga fwends ko ang nandun. Hehe
wakas